Chapter Eight: Who's that Girl

45 2 0
                                    

Tumango ako bilang sagot.

"Are you sure?"

"Oo."

"Okay. Let's talk about that later. Dinner na muna tayo samin. Isama daw natin si yaya mo."

Pumunta nga kami sa kanila kasama si Yaya Lety. Feeling ko mas malaki tong bahay nila kesa samin, kasi pagpasok pa lang namin nag-hi na agad sakin yung treehouse. I've always wanted to have a treehouse, kaya lang hindi naman kasya sa garden namin, kaya nakuntento na lang ako sa attic, na version ko ng treehouse. Aakyatin ko na sana yung treehouse kaso tinatawag na kami ng Yaya Josie nya para kumain.

Nawindang ako pagdating sa dining room kasi feeling ko may fiesta or okasyon at di ako nainform man lang. Birthday ba ni Zeke? Bakit andaming handa? Yung utak ko, may direct connection ata sa bibig ko kasi di ko napigilang iblurt out yung thoughts ko.

"Anong meron? May fiesta ba? Birthday mo ba Zeke?"

"Haha. Hindi iha. Ngayon lang kasi kami may makakasamang kumain eh. Saka namiss ko lang tong si Lety. Kaya niluto ko yung paborito naming Adobo. Tapos si Zeke paborito itong Kare-kare, at ikaw naman paborito mo itong Kaldereta at Sinigang di ba? Kaya niluto ko lahat."  Yaya Josie answered.

"Ah ganun po ba? Nakakahiya naman po. Dapat di na po kayo nag-abala."  I replied politely.

We are already eating when Zeke raised a question.

"Ya, pano kayo naging close ni Yaya Lety?"

Oo nga naman. How come I've never met Yaya Josie before kung sobrang close sila?

"Magkababata kami iho. Pinlano namin na maghanap ng trabaho dito sa Maynila.Kaso nauna akong makaluwas kaya naiwan sya sa probinsya. Hanggang sa namasukan nga ako dito sa inyo nung walong taon ka. Naaalala mo pa?"

"Oo naman ya. That was a year after Mariel left. San nga ba kayo pumunta nun Princess? Saka saan mo naman nakilala si yaya Lety? "

"Nung umalis kami dito, pumunta kami sa Ilocos. Tapos sa Bataan. Then Cavite. Tapos kung saan saan na. Nags.stay kami ng mga 6months bawat lugar. Depende kasi kung saan ma.assign si Daddy e. So I was homeschooled then. Grade 3 ako nung nagdecide sila na pag-aralin ako sa normal na school at mag-stay muna ako sa grandparents ko sa side ni Daddy na nasa Cebu. Kapit-bahay nila lolo si Yaya. Ayun. Tapos after a year balik homeschool ulit kasi palipat-lipat na naman kami. Noong highschool lang naging normal yung pag-aaral ko. I was staying with my mother's family then sa may Batangas."

"So province hopping ang ginagawa nyo noon? Ang angas! Nakaka inggit naman."

"Anong nakakainggit doon? Oo puro travel pero laging bago ng bago."

"Kaya ba wala ka masyadong friends?"

"Yes. I mean bakit ko pa sila kakaibiganin kung aalis din ako diba? I have to minimize casualties."

"I understand. Matagal na kayo jan sa bahay nyo? How come hindi tayo nagkikita?"

"Oo nga eh. Ang weird. Yup, matagal na kami jan. The first time we met, yan yung bahay na iniwan namin. Pinaupahan namin sya for about 5 years sa iba. Kaso hindi nagkasundo si Mommy saka yung umuupa e. Gusto kasi nung umuupa na ipabago yung bahay since matagal na silang nangungupahan. E ayaw ni Mommy na may baguhin na kahit ano sa bahay. Ayun, umalis yung umuupa. Umuuwi lang kami dun every vacation e. April&May lang kami nandun."

"That explains it. Twing bakasyon naman kami wala jan sa bahay kasi nagliliwaliw kami sa kung saan."

As soon as we finished eating, I volunteered to wash the dishes pero lahat sila hindi pumayag. Sabayang bigkas lang ang peg sa pagsabing hindi pwede? edi hindi. di naman ako magpipilit e. Niyaya ako ni Zeke na tumambay sa treehouse and I readily agreed. I was even running papunta dun. Oo na. Ako na talaga ang excited.

Kung nagmadali akong papunta, mas nagmadali akong makaakyat. Pero pinauna ko syang pumasok. Nakakahiya naman eh. Now that we're inside, I've realized na mas may igaganda pa pala yung nakita ko sa labas. It was so comfy inside, well-lighted tapos yung ceiling andaming glow in the dark na stars. Feeling mo tuloy nagsstar gazing ka. Pero sabi nya, pwede din tanggalin yung ceiling for live stargazing. All blue din sa loob. From the paint used, to the curtains, accents, pillows and beanbags, their hues are all ranging from the shades of blue.

We were lying beneath the stars when I decided to break the silence.

"Zeke. Let's talk about that girl now." Please lang. Utang na loob. Para matigil na yung utak ko kahit papano.

"Tonight's a perfect night. I don't want to ruin it."

"You won't. I'm just curious." You won't, but that girl will. Bwisit sya.

"Curiosity kills the cat baby."

"Just speak about her okay?" Nyets. Andami namang pasakalye! Pag-usapan na natin sya para matapos na pwede?

Naramdaman nya siguro na naiirita na ko.

"Fine fine. She's a friend. Sya yung una kong naging kaibigan mula nung lumipat kami dito. She has always been vocal na crush nya ko, but I've always been vocal na I'll marry you. It was only when I was in Grade 4 nung narealize ko na dapat pala girlfriend muna kita tapos saka ako magp.propose bago tayo maikasal. Akala ko kasi basta nilagyan ng singsing, yun na yun eh. Hahahaha. Tapos dahil lagi kaming magkasama, tinutukso kami palagi. Na bagay daw kami, magkakatuluyan daw kami, mga ganun. Nahinto lang yung pang-aasar samin when he had a boyfriend. 2nd year highschool kami nun. But they broke up after 3 months kasi gusto daw nung guy ng space. But later on, it was found out na may iba pa pala syang girlfriends. Syempre dahil mabuting kaibigan ako, I comforted her. That was when we started to be sweet to each other. I never courted her, but I've fallen for her. It was only last summer when we decided to stop everything we had. Sa States na din kasi sya magc.college. Ayun."

"So okay kayo? Friends? Nagkaron naman kayo ng closure?" Please say that you're not friends anymore but you had a closure.

"Yes. We had a closure. Friends, yes. Okay kami but no communication." Sige na nga. Okay na yun, no communication naman pala e.

And I heaved a sigh. Fine. Inaamin ko na. I like Zeke and I think I'm starting to fall for him. Kaya hindi ako matigil hanggat di ko nalalaman yung kwento nung sa special keme nya. Okay na ko na wala na silang kahit ano ngayon. At least mababawasan na ang pag oovertime ng utak ko sa pagiisip. Ewan ko ba. Pero pag babae, hindi mo mapipigilan yung mag overthink. Ni hindi ko pa nam.meet yung babae pero yung insecurity ko sagad sagaran na. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses kong minura, sinampal at sinabunutan sa utak ko yung babae habang nagkkwento si Zeke. Now that I know their story, I'm talking to her naman in my mind. Na sana wag na syang bumalik kahit kelan. Bakit? Affected ka? Jowa ka te jowa? ang possessive mo naman.

I was so lost and drowned in my thoughts nung bigla akong kinalabit ni Zeke.

"Why?"

"Akala ko tulog ka na e. Kanina pa kasi ako nagsasalita tapos you're not even responding. Are you listening?"

"Ha? Ano ba yun?"

"Wala ka na naman sa sarili. Is it because of what I told you?"

"'No! Of course not. Hindi ako apektado dun no." Hindi talaga! Hinding hindi ka nagkakamali at hinding hindi ko aaminin! Badtrip.

"Then why are you spacing out?" Why daw. Sumagot ka. Tanga ka kasi di ka nakikinig e.

"Ano kasi. Nakaidlip ako. Oo tama. Ano ba yun?" Go! Convince yourself as you convince him na nakaidlip ka nga.

"Tell me about your ex boyfriend and Paul."
Sh-t.

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon