"Oy yung bilin ko sa'yo! I- triple lock mo yung pinto! Mag-isa ka lang dito. Babae ka pa man din!"
Sumimangot ako habang nakatingin kay mama. Napakamaaalahanin, sabagay ito yung unang beses na mawawala siya for three days dahil sa trabaho.
"Tandaan mo yung sinabi ko ah! May pagkain sa ref, lutuin mo na lang. Wag mo rin kalimutan pakainin si Bruno! O sya aalis na ako."
Sa wakas natapos na rin ang kaingayan ng nanay ko. Nakasimangot pa rin ako. Nakalimutan niya ata na last time na nagluto ako nasunog at inaway kami ng kapitbahay. Nakalimutan niya rin na ayaw sa akin ni Brunong pangit. Lagi akong tinatahulan.
Bumalik na ako sa panonood. Nasa magandang part na ako, kung saan malapit ng mamatay yung bida. Kung di ba naman kasi bobo, alam niyang nasa madilim siyang lugar tapos may narinig na nagsitsit sa likod, bakit siya lilingon? Ayan na putek. Lumingon na nga siya. Wala na.
"Psst."
Pinause ko ang pinapanood ko. Napalunok ako ng wala sa oras kaya nasamid ako. Nakalimutan ko ngumunguya pala ako ng popcorn.
Kahit naginginig kamay ko sinubukan ko pa rin na kunin ang tubig sa mesa na nasa harapan ko.
"Psst."
Manigas kang multo ka. Peste,hindi ako tanga para lumingon.
"Psst, Buksan mo ang pinto."
Aba akala niya talaga tanga ako na bubuksan ang pintuan para sa isang tulad niya.
"Ano ba buksan mo yung pinto!"
Hala,nagwawala na siya. Kinuha ko ang rosary sa bulsa ko at nagdasal ng mataimtim.
Lord, ayoko pong maging bida ng isang horror story. Ayoko pa pong mamatay, hindi ko pa po nakikita ang girl of my dreams.
"Ano ba! Buksan mo sabi yung pinto! Putek ka naman Dan!"
Napadasal ako ng Our Father ng wala sa oras, bakit ba naman kasi niya alam pangalan ko?
Lumingon ako. Don't worry mga kaibigan,ipinikit ko ang mata ko dahil alam ko panget ang mga multo.
"L-lumayo ka sa bahay ko, panget! Lumayo ka! Pag hindi ka umalis ipapasinghot kita sa ilong ng bespren ko!"
Nakarinig ako ng tawa. Bakit may tumatawa?
"Shet, Jungkook. Laughtrip."
Bakit kapangalan ng bespren ko ang multo?
"Tumahimik ka ngang maliit ka."
"Anong sabi mong ilong ka?!"
"Sabi ko maliit. Bingi ka ba?"
"Anong maliit? Bulag ka ba ha! Malaki ako malaki!"
Napabukas ako ng mata ng wala sa oras. Dala-dala ang pares ng tsinelas, binuksan ko ang pinto.
Tumambad sa akin ang dalawang bakulaw na malapit nang magsuntukan.
Sa sobrang inis ko sa kanila ibinato ko sila ng aking Magic Slippers.
Boom, sapul sa ilong ni Jungkook.
Isa pa,
Boom, sapul sa bayag si Jimin.
Kawawa naman lalong liliit ang etits niya.
"Aray!"
"Bakit mo naman kailangang tamaan ang ano ko, Ha!"
Parehas ko silang piningot, papasok ng bahay. Mga walangya, muntikan na akong atakihin sa puso, akala ko may multo na nga talaga.

BINABASA MO ANG
THE MAN
Fiksi PenggemarPara kay Lisa Danielle Lee siya ay POPULAR. MATALINO. ATHLETIC. GWAPO. MAY ABS. LAPITIN NG BABAE. Ngunit sablay nga lang siya sa isang bagay. ISANG BAGAY NA PINAGKAIT SA KANYA NI LORD. ANG MAGING LALAKI. KAHIT HINDI IYON BINIGAY SA KANYA NG PANGINOO...