Chapter 4

209 15 19
                                    


"Lakwatsa tayo!"

Hindi namin pinansin si Taehyung. Parehas kaming nakahilata ni Yoongi sa sofa. Bati na nga pala kami, binigyan ko lang siya ng Kumamon stuff toy , friends na ulit kami.

"Tabi." Sinimangutan ko siya dahil haharang-harang siya sa TV.

"Dan naman! Bakit ganyan ka ngayon? Diba ikaw yung pala lakwatsa sa barkada?" Nakisali pa si Jungkook sa kalokohan ni Taehyung. If I know magyayaya sila sa club eh wala ako sa mood sumayaw at maglandi dahil meron ako. Masakit puson ko, kung bakit naman kasi babae pa ako.

Dumating na si Jin, galing siya sa coffee shop ng pamilya niya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilapitan siya,"Seokjin!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Naamoy ko ang dibdib niya, he smells like cake, natatakam ako.

"Hindi ako makahinga."

Bigla akong lumayo ng ma-realize ko kung anong kabadingan ang ginawa ko. Nakalimutan ko rin pansamantala na hindi na pala kami kasing close tulad ng dati.

Tinignan ko ang iba naming kaibigan, nakatingin sila sa amin. Umubo na lang ako para maibsan ang awkwardness. Kung ano ba naman kasi ang sumapi sa akin at ginawa ko pa yon.

"Woah, woah, woah. Anong meron dito?"

Kakalabas lang ni Jimin sa kwarto niya and behind him is Rosè ang nadale na naman ng isang Park Jimin. Suot niya ang shirt ni Manyak at namumula ang mukha niya, malamang given na yon kung anong ginawa nila. Kung normal na araw lang ito, I could have said hi to her and tried to flirt with her pero wala ako sa mood. Hindi ko siya pinansin.

"Gusto ko ring yumakap."

Biglang tumakbo papunta sa amin si Manyakis at yumakap, sumimangot si Jin at binatukan siya,"Get away from me!"

Tawa lang ng tawa si Jimin habang nakayakap pa rin sa amin. Hindi ko na siya tinulak palayo wala akong lakas imbis lumapit pa ako lalo kay Jin at para may ibulong,

" Jin, m-may cake ka bang dala?"

Nginisian niya lang ako, "Ba't naman ako magdadala ng cake may birthday ba?"

Naaalala ko dati kapag galing si Jin sa coffee shop ng pamilya niya lagi siyang may dalang slice ng blueberry cheesecake para sa akin.

I guess people change.

"Oh."

Iniabot niya sa akin ang paperbag di ko maiwasang mapangiti. Kahit pala hindi na kami tulad ng dati ay naaalala niya pa rin.

" Salam-"Hindi ko natapos sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang na yung labi ko dumikit sa baba niya. Sa kakulitan kasi ni Jimin, naitulak niya ang mukha ko.

Mabilis akong lumayo. Parang gago si Jimin ang sakit non ah! Pinunasan ko ang labi ko at tinignan kung may dugo ba. Buti na lang wala kasi kung meron bubogbogin ko si Jimin.

"Jin." Humarap ako kay Jin para sana magpasalamat ng maayos kaya lang pagtingin ko sa kanya nakatulala siya at namumula.

"Jin, hoy. Ano bang meron?" Hindi pa rin siya umiimik kahit na noong inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Lalo lang siya namumula.

Babatukan ko sana si Jimin dahil sa kanya kaya ganito si Jin kaya lang nakita ko ang mga kaibigan namin na nakatingin lang. Si Namjoon, nabasag ang nahawak na baso. Si Jimin, sinasabunutan ang sarili niya tapos biglang hinalikan si Rose sa harapan namin, kadiri sabik na sabik lang? Si Yoongi naman gising na. Nang magtama ang paningin namin, tinarayan ako aba't! Si Taehyung at Jungkook, tumigil sa pagbabangayan habang si Hoseok tumigil naman sa pagnguya ng damo.

THE MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon