I

48 12 0
                                    

Cassey's POV

"Sorry anak ha ? Biglaan yung meeting . Promise babawi ako pagbalik namin ni Daddy mo " sabi sa akin ni Mommy habang nakayakap sakin

Maya-maya may sumali din sa yakapan namin ni Mommy
Si Daddy pala

"Baby Girl, we're very sorry. Wrong timing. Di namin inaasahan na may mangyayaring ganon. Tell me what you want, bibilhin natin paguwe namin ni Mommy mo" sabi ni Dad habang nakayakap samin ni Mommy

Kumalas na din kami sa isa't-isa

"Wag na Dad. Basta safe lang kayong makauwi" sabi ko

Hinalikan ako ni Mom sa cheeks at si Dad naman sa noo ko

Lumabas na sila at pumunta kung saan nakaparada yung maghahatid sakanila sa Airport

Nakakalungkot lang na hindi ko sila makakasama sa pasko, dalawang araw mula ngayon

Nagpaalam na sila Mommy sakin. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko

Tahimik ng bahay, wala akong kasama dito. Pinauwe ni Mom lahat ng maid, at driver namin dito. Yung isang guard dito hanggang bukas nalang ng umaga duty niya para din makapag handa para sa pasko. At dahil mag Christmas din naman. Ayaw namin ipagkait sakanila na makasama yung pamilya nila sa araw na iyon

Kaso nga lang, ako naman walang kasama sa araw na iyon

Tinawagan ko yung bestfriend ko
"Hello Glynn, pwede ba ako pumunta diyan ngayon ? Wala akong magawa dito sa bahay eh " sabi ko sa kabilang linya

"Ofcourse. Welcome ka anytime dito. I'll wait you nalang sa gate namin" sagot niya

"Sige, magbibihis lang ako" sabi ko bago ibaba yung tawag

Conyo yan si Glynn pero hindi para mag inarte. Lumaki kase sa Australia kaya may Australian accent yung pagsasalita niya

Nag bihis agad ako at nag ayos para pumunta kila Glynn

Di nagtagal ay natapos din ako at tsaka ni lock yung bintana at sinarado yung pinto bago ako lumabas

Malinis naman ang bahay, bago kase umalis yung mga maid namin dito nag linis na sila sa boong bahay

Nagpaalam ako kay kuya Andrew, guard namin na aalis muna ako sandali

Tumango lang ito at pinagbuksan ako ng gate

Nilakad ko lang yung kila Glynn, nasabi ko na bang nasa kabilang Street ng subdivision lang sila nakatira ?

Di kalayuan natanaw ko na yung bahay nila
Nang makarating ako sa tapat ng gate nila, di na ako nag abalang mag doorbell o tumawag para pagbuksan ako dahil si Glynn na mismo ang nagbukas para sakin

Seryoso nga ito nang sabihin niyang aabangan niya ako sa gate nila

"You're here na !! . C'mon let's go" sabi niya sabay hapit ng kamay ko at hinila papuntang garden nila sa likod

"Yaya, can you make us snacks ? And Juice din Yaya. Thanks " sabi niya sa maid nila na nakasalubong namin

Agad naman itong pumasok para maghanda mg pagkain

"How are you Cass ? " pangangamusta niya sakin

"Medyo malungkot, wala sila Mom and Dad this Christmas" malungkot na sambit ko

"Don't be sad na Cass. You know you can celebrate here with us. You're part of our family " nakangiti niyang sabi

"Thanks Glynn, don't worry magluluto ako pandagdag sa pagkain"

"Please cook menudo for me"

"Sure" masaya kong sagot

Dumating yung snacks na pinagawa ni Glynn
Nagkwentuhan lang kami

"Glynn uuwi na ako, thanks sa time" sabi ko sakanya at tsaka tumayo

"Wait, dito ka nalang kaya mag dinner ? " suggest niya

"Wag na. Sa bahay nalang ako magluluto" sagot ko

"Don't be shy. Padalhan nalang kita, wag kana magluto. Wait a minute " sabi niya at dumiretso sa kusina nila

Di nagtagal bumalik si Glynn na may dalang tupperware na may lamang ulam

"Ang dami naman nito" totoo naman kaseng andami

"Edi give Andrew some, tell him I'm the one who cooked that" sabi niya na parang kinikilig

Nasabi ko bang may crush tong si Glynn sa guard namin

Twenty-two palang si Glynn ako Twenty-one. Si Andrew na guard namin Twenty-five
Gwapo si Andrew, malakas yung appeal, malaki yung pangangatawan kaya patay na patay si Glynn sakanya

Kalaro ko na noon pa si kuya Andrew, kaya sa sobrang tiwala sa kanya nila Mom ginawa siyang guard as sideline noong nag aaral pa siya. Ngayon kapag walang mag duduty na guard samin at kailangan na may magbantay, siya agad yung tatawagan nila Mom

Tumayo siya as kuya sakin since only child ako, alam niya lahat ng kadramahan ko sa buhay

Hinatid ako ni Glynn hanggang labasan ng street nila

"Bye Cass, ingat !! " paalam niya sakin

"Bye Glynn, thanks sa food" sabi ko at naglakad na pauwi

Naabutan ko si kuya Andrew may kausap sa phone

"Ma'am andito na po siya" sabi niya sa kabilang linya

Sabay abot sakin ng phone niya

"Mommy mo" sabi niya at pumunta sa gate para i-lock ito

"Hello Mom ! " masayang bati ko

"Hi baby girl, how are you ? "

"I'm fine mom, actually galing ako kila Glynn"

"That's good kaysa magkulong kalang sa kwarto buong araw"

"Napatawag kayo mom ? " tanong ko

"Anak may problema kase, ipaparenovate yung branch nang company natin dito. So baka pati New Year di mo kami makasama"

Ramdam ko yung lungkot sa boses ni Mom

"It's okay Mom, Glynn invite me to her house this Christmas. Sabi niya dun nalang daw kami mag celebrate"

"Send my greetings and regards to Glynn's Family" sabi pa niya

"Okay Mom I will" sabi ko

"We're very sorry anak. Don't worry babawi kami ni Dad mo"

"No need Mom. Basta makauwi lang kayo ng safe"

"Okay Byeee baby girl. By the way your Dad was already sleeping"

Napatawa ako "As always mom. Bye I love you Mom"

"I love you too, ingat " sabi niya bago niya ibaba yung tawag

Ibinalik ko na kay kuya Andrew yung phone at niyaya siya na mag dinner sa loob

Kumain lang kami ni kuya Andrew, nagkwentuhan at nag tawanan. Sinabi ko din na si Glynn nagluto nito

Natawa lang siya kase as always masarap magluto si Glynn pero itong dish lang na ito ang kaya niya

Pagtapos mag ligpit ng pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto para maglinis ng katawan

Si kuya Andrew bumalik na sa labas para mag bantay. Kadalasan hanggang twelve lang siya nagbabantay bago pumasok at matulog sa kwarto niya sa baba

Safe naman dito sa subdivision namin, exclusive subdivision to be exact

Humiga ako sa kama at di kalauna'y nakatulog  na din ako




R E I

This Night ✔Where stories live. Discover now