IV

14 14 0
                                    

Cassey's POV

Nakasama ko yung mga magulang ko ng New Year. Pinilit nilang makauwi para lang makasama ako

Kahit papano di ako nag isa noong New Year
Kahit na feeling ko may kulang sakin

Tuwing hapon akong nagpupunta sa rooftop kung saan huli ko siyang nakasama at gabi na kung umuwi ako

Ito na yung naging haven ko kapag walang ginagawa sa bahay at kapag namimiss ko siya

Lumipas ang mga araw at balik pasukan ulit
Kasabay ko si Glynn papasok ng school

Second year college na kami ni Glynn same course BS Chemical Engineering and blockmates kami sa halos lahat ng subject

"Cass, I noticed these past weeks malungkot ka. Pagkatapos nung event nagsimula ka nang maging ganyan" sabi niya na may pagaalala sa mukha

"Wala. Don't mind me. May iniisip lang ako" sabi ko sabay ngiti para di na siya mag alala

"Ano ba talagang nangyari nung gabing yun" tanong niya sakin

"Wala talaga promise" ngumiti nalang ako

Di ko sinabi sakanya yung nangyari nung gabing yun. Pagbalik ko kung saan yung pwesto namin ay niyaya ko na siyang umuwi

Dahil masyadong madilim at kausap niya sa phone si Andrew di niya napansin yung jacket na suot ko

Sinabi kong uuwi muna ako sa bahay para magpalit bago tumuloy sakanila at dahil busy siyang kausap si Andrew di niya padin napansin yung suot ko

Sinabi ko sakanya na susunod nalang ako doon

Nagbihis ako at nilagay sa closet ko yung shirt at jacket na pinahiram niya

Pagtapos ay pumunta na ako sakanila

Nag celebrate kami with family niya ng christmas

Nandun yung iba niyang pinsan at si Andrew

Masaya pero may part sa akin na kulang at may hinahanap hanap

"Basta remember I'm always here if you want to talk about it" sabi niya sabay yakap

Gumanti din ako sa pagyakap niya at nagpaalam na siya dahil magkaiba kami ng room

Magkatabi lang naman yung room namin
Pumasok na ako at dumiretso sa upuan ko

Days and weeks passed like a blur at ganun padin ang setup ko

Papasok sa school, uuwi ng bahay, at pagdating ng hapon sa rooftop ako nakatambay

Nagdadala ako ng libro at mp3 ko para malibang ako

Ginagawa ko ang pangako kong maghihintay ako

3 months passed

Di ko namalayan na tapos na ang school year at bakasyon na dahil siguro di ko naman ito iniisip masyado

Hapon ngayon at nakatambay ako sa rooftop. Nakasaksak sa tenga ko yung earphone at nag d-drawing

Naisipan kong idrawing ang mukha niya kaya gumawa agad ako ng canvas

Gamit ang alaala niya sa isip ko nadrawing ko ang mukha niya

Manipis na labi kung saan nanggagaling yung ngiti niya na iba ang dulot sakin, kilay niyang makapal which make him more manly, matangos niyang ilong, mga mata niya na para bang nangungusap, buhok niyang wavy

Nangmatapos ay di ko namalayan na madilim na pala. Tingingnan ko ang orasan at 7:49 pm na pala

Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba
Umuwi ako sa amin at naabutan sila Mom and Dad na kumakain

Niyaya nila ako para sumabay ng kumain
Sinabi kong aakyat muna ako sa kwarto at bababa din maya-maya

Naalala ko yung sketch ko kanina na mukha niya kaya nag hanap ako nang frame sa drawer ko

Nangmakakita ng saktong laki ay pinasok ko doon yung sketch ko at isinabit sa pader ng kwarto ko malapit sa bintana

Bumababa na ako para kumain
Nandun padin sila Mom amd Dad na nagkukwentuhan at nagtatawanan

Kumuha ako ng pagkain at nagsimulang kumain

Minsan napapansin nila na sobrang tahimik ko pero di sila nagtatanong

Hinihintay nila na ako mismo ang magkwento sakanila. Iyon ang gusto nila

Nangmatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maglinis ng katawan at magbihis bago matulog

Humiga ako sa kama ko at lumingon kung saan ko isinabit yung portrait niya

Napangiti ako at nilapitan ito

Hinawakan ko ito "Magkikita pa tayo" sabi ko at may pumatak na mga luha galing sa mga mata ko

Umaasa ako na dadating yung araw na magkasama ulit kami

Basta magkita lang kami kahit pagkakaibigan nalang yung pwede atleast kahit papano natupad yung pangako ko sakanya kahit wag na yung kanya

Bumalik ako sa kama at pumikit
Maya-maya ay binalot na ako ng antok at nakatulog










R E I

This Night ✔Where stories live. Discover now