II

24 13 0
                                    

Cassey's POV

Pagkagising ko agad kong ginawa ang mga morning rituals ko at bumaba

Nagluto ako ng itlog at nag toast ng tinapay bilang agahan ko

Mamayang hapon ko na lulutuin yung pagkain na dadalhin ko sa bahay nila Glynn

Pagtapos kumain ay nagligpit at dumiretso ako sa living room para manuod ng tv

Nilipat ko ito sa paborito kong channel
'Cartoon Network'

Ito yung madalas kong ginagawa noon kapag walang pasok

Nuod lang ako ng nuod ng cartoons hanggang sa makaramdam ako ng gutom

Tiningnan ko ang orasan at nalaman kong ilang oras din pala akong nagbabad sa kakanuod na di ko namalayan na magtatanghalian na pala

Kahit papano naman alam ko kung paano mag saing pero ngayon mas pinili kong gumamit ng rice cooker, at dahil sa tamad din akong magluto kumuha ako ng isang de lata, binuksan at ininit iyon para ulamin

Ilang minuto ang nakalipas at luto na yung kanin
Kumuha na ako at nagsalin sa plato ko at nag sinula na akong kumain

Pagkatapos kumain, niligpit ko iyon at pumunta sa banyo ng kwarto ko para maligo dahil nakaramdam na ako ng panlalagkit

Pagkaligo ko ay sa dumiretso ako sa balcony ng kwarto ko kung saan kita ang gate at labas ng bahay

May dala akong libro para dahil naisipan kong mag basa ng kwento

Habang nagbabasa ako ay biglang may dumaan na naka motor

Di naman sa maingay pero nakaagaw ng pansin dahil sa tahimik ang subdivision

Pinagmasdan ko ang pagdaan ng motor
Tama lang ang bilis nito para makita kung sino ang sakay nito

Naka eye glasses ito pero hindi makapal yung frame
Bumagay ito sa korte ng mukha niya at nakadagdag ng appeal

Hindi ko alam kung bakit parang natulala ako hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko

Ngayon ko lang ito nakita dito sa lugar namin
Baka bagong lipat lang sila

Natigil ang pag iisip ko ng biglang mag ring yung phone ko kaya pinuntahan ko ito

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag at si Glynn lang pala ito

"Hello Glynn, napatawag ka ? " tanong ko

"I'm so excited to announce you this" sagot niya

"Ano yun ? " tanong ko ulit

"Tonight there will be a program at the Leon's at 11:00 pm to celebrate the Christmas"

"So what are you trying to say ? "

"We should come. I heard may mini concert and FIREWORKS DISPLAAAAY !!! " masayang sabi niya

'The Leon's Park' malawak siyang garden kung saan pwedeng mag picnic at kung ano ano pang outdoor activities. Minsan may mga event na nangyayari dito

"Paano yung menudo ? " tanong ko

"Don't worry after the program we will go home and celebrate there " sabi niya

"Okay"

"Wear something elegant and put a make up, who knows may hot guys ? " pagbibiro niya at tumawa ng malakas

"Tumigil ka nga, ikaw kung ano-ano nasa isip mo" sabi ko sakanya

Tumigil siya sa pagtawa at muling nagsalita "Okay okay, so I'll pick you at 10:30" sabi pa niya bago ibaba yung tawag

Tiningnan ko ang oras at nakita kong 4:38 na pala ng hapon

Agad akong bumaba para magluto ng menudo

Kumpleto na ang mga ingredients na kailangan ko dahil nakapamalengke na yung mga maid namin bago umalis

Hinanda ko na lahat bago magsimula para lagay nalang nang lagay mamaya

Inuna ko yung karne hiwain in cubes at sinunod ang mga gulay pagkatapos

Habang nagluluto naalala ko yung mukha nung nagmomotor na dumaan kanina sa tapat ng bahay namin

"Ano kaya hitsura niya sa malapitan ? " tanong ko sa sarili

"Hala ano bang nangyayari sakin ? " nababaliw kong tugon

Nang matapos akong magluto ay umakyat ako ng kwarto para maghanap ng isusuot ko mamaya

Dress ang sabi ni Glynn so susundin ko siya
Pumili ako sa mga nakasabit sa closet ko

Nang makapili nako ng maisusuot ko ay dumiretso na ako sa banyo para maligo ulit para fresh mamaya

Di naman dahil sa sinabi ni Glynn na may mga hot guys or what. Gusto ko lang maging presentable

Ang napili kong skirt ay light blue na pinares ko sa sandals ko na cream ang kulay

Mahigit kalahating oras akong nasa banyo dahil nasarapan akong magbabad sa bath tub

Pagkakita ko sa orasan ay pasado alas-sais na

Bumaba muna ako at kumain para hindi ako gutumin mamaya

Kumuha ako ng konti sa niluto kong menudo
Masarap naman ang pagkakaluto ko dito

Nangmatapos ay nagligpit ako ng pinagkainan ko at muling umakyat sa taas para mag ayos

Nag toothbrush muna ako bago mag make up

Sinuot ko na yung dress na napili kong suotin sa gabing ito pagkatapos ay umupo ako sa harap ng salamin ng kwarto ko

Nakapatong na din sa harap ko ang mga gagamitin ko

Im not into make up dahil sanay akong light lang at simple

Kaya nag apply ako ng powder sa mukha ko at pinantay ito. Naglagay ako ng manipis na blush on sa cheeks ko at inayos ang kilay ko

Pagkatapos ay nag curl ako ng bahagya sa buhok ko
Slight na curl lang ang ginawa ko

Tiningnan ko ang orasan at nakitang mag a-alas nuebe na

Ganon ba katagal iyon ? Parang hindi naman

Pumunta muna ako sa balcony para magpahangin ng konti

Napatingin ako sa mga taong dumadaan baka dahil pupunta din sila sa Leon's Park

May ilang sasakyan ang dumaan at iba ay motor

Tiningnan ko ang bawat motor na dumadaan nagbabaka sakali na isa doon yung nakita ko kanina pero wala

Baka hindi talaga iyon taga dito at napadalaw lang sa isang nakatira dito

Papasok na ako sa loob ng isang motor ang mabagal na umaandar na para bang may tinitingnan ito

Naka helmet yung driver pero nakita ko sa peripheral vision ko na dito nakalingon

Di ko ito pinansin baka nakipag usap lang sa nadaanan niyang tao

Ilang minuto lang yung hinintay ko bago dumating si Glynn sakay ng kotse niya

"Let's go now Cass !! " sigaw niya habang nasa kotse siya

Nagmadali akong bumaba at nilock lahat ng pinto at Main Door bago lumabas
Nilock ko din ang gate pagtapos lumabas

"Oh my gosh Cassey girl !! You're so pretty " bati niya saki pagkapasok ko ng sasakyan niya

"Ikaw din naman. You look beautiful " nakangiti kong sabi sakanya

"By the way, we already have a seats. Mr. Leon gave us reserved seats" masayang sabi niya

"That's good. Di na tayo maghahanap ng pwedeng maupuan"

Di nagtagal ay nakarating na kami kung saan gaganapin ang event



'The Leon's Park'





R E I

This Night ✔Where stories live. Discover now