CHAPTER 1
AYAH'S POV
" Mga sukiii!! Mga kababayaaannn!! Bili na kayo dyan! Naku hindi kayo magsisisi sa mga paninda kong Ukay-ukay! Mura na sulit pa! Sa'n ka pa? Bili na!" sigaw ko habang ibinibida sa mga taong dumadaan aking mga panindang Ukay-ukay na parang galing pa yata sa ibang bansa.
Oh diba Bongga!! with pakumpaskumpas pa ako ng kamay nyan.
"Magkano 'tong blouse nato Miss?" tanong sakin ni ate costumer na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sa akin.
"Mura lang yan!" sagot ko at dalidaling lumapit kay ate costumer with matching wide smile pa, kaya nagsilabasan tuloy yung naggagandahang kong ipin.Hehehe!
Ganyan talaga pag gusto mong makabenta.
"Magkano nga?" tanong ulit ni ate costumer na mukhang naiinip na.
Ang moody nito!
"500 na lang yan para sayo" sabi ko habang smile parin.
Graveh hah! nakakasakit pala sa panga! pero infairnes sana maniwala sya.
"Ang mahal naman nito anong akala mo sa mga paninda mo galing mall?"reklamo nya at naningkit pa yung mga mata nya.
Huwaahhh!! kailangan makahanap ako ng magandang dahilan!
(ting!) sabay ilaw ng light bulb sa ulo.
"Naku! Huwag ka ate! Imported yan,nanggaling pa yan sa Japan Third Floor!" sagot ko
"Anong Japan Third Floor?"
"Oh! KITA NIYO NA! Hindi niyo yun alam noh pati yung pangalan ng lugar imported!" pagmamayabang ko.
"Pinagloloko mo ba ako?" singhal sakin ni ate costumer
HUHUHU! ANO NG GAGAWIN KOOO!!
(ting!) sabay ilaw ulit ng light bulb sa ulo.
" Hehehe!! Alam niyo ate.." pamesterious effect ko.Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, lapit kay ate costumer at sabay bulong sa taenga "Hindi ko talaga kayo niloloko.Ang totoo niyan 1000 talaga yong original price niyan pero kasi dahil mabait ako kaya ibenenta ko nlang ng mura sayo! oh diba ang laki ng na save niyo"
NAKU PO! Sana wag akong tamaan ng kidlat
"Oh eh! bakit ka bumubulong?" masungit na tanong ni ate cosumer kaya naman dumistansya ako ng kunti.
HAY mahirap na.
"Hehehe! Ano ba naman kayo ate!" sabay hampas ko sa balikat ni ate costumer para kunyari close kami "Siyempre secret lng yun para hindi malaman ng ibang costumer" sabay bulong ulit sa taenga "Baka magselos sila!"
"Oh sige na nga! pakibalot na yung blouse bago pa magbago ang isip ko"
AT dahil sa narinig ko biglang nagliwanag yata ang buong paligid.
Agad kong ibinigay kay ate costumer yung plastic na pinaglagyan ko ng blouse nya( mahirap na at baka magbago pa ang isip nito!) sabay ngiti ng super wide "Maraming salamaattt! siguradong hindi kayo magsisisi!" sigaw ko habang papalayo na si ate costumer.
Hehehehe! ayos, ang dami ko ng nabenta.
"BRUHHAA!!!" napalingon ako sa taong sumisigaw
PATAY! si kumare!
Dalidali akong nagtago ng 1000 sa kabilang bulsa ko pagkatapos humarap sa kanya.
"Oh! Kumareng Georgina! napadalaw ka?" tanong ko sabay ngiti ng malapad.
YOU ARE READING
DEL FRANCO EMPIRE: HE STOLE ME
Humor(REPOSTED) This story is just for fun, kumbaga pampagudvibes sa badtrip nyong mga araw. Kung gusto nyong matawa, kiligin at makabasa ng mga kabaliwan ng ating bida. I highly encourage you to read this.(charr!!) Sa mga KJ dyan hala layas! Wag basahin...