CHAPTER 5

27 2 0
                                    

CHAPTER 5

  AYAH'S POV 

Huwaahhh! Ang sarap ng tulog ko! Ang lambot kasi ng higaan ng Quarte'rs maid pero syempre mas maganda at malambot ang kama ni Sir Rheus!

"Lalalala~~~" pakantakanta pa ako nyan habang nagtitimpla ng gatas sa kusina.

Hehehe!

Pagkatapos kong nagtimpla ay agad kong ininom yong gatas.

Hmm...ang sarap talaga ng bearbrand!! Kaya hindi ko napigilang mapakanta ng...

"Micro nutrients deficiency labanan natin to mag bear brand araw-araw Oh yeah kaya natin to!" kanta ko habang pasayawsayaw pa! "Micro nutrients--"

"Sus maryosep! Anong ginagawa mo!"

Natigil ako sa pagkanta at pagsayaw dahil biglang dumating si Madam Star Apple. Nakataas ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ah..eh..kumakanta at sumasayaw po!" sagot ko sabay kamot ng ulo.

"At talagang nagawa mo pang kumanta at sumayaw!!!! Anong oras na???" bulalas niya at binigyan ako ng nakakamatay na tingin!

Huwaahh anong oras na daw???

"Huhuhu, sorry po di ko alam kung anong oras na! Wala po kasi akong relo eh!!" natatakot kong sagot.

"Tanga!! Oras na para magluto dahil kakain na si Sir Rheus!!" sigaw niya.

"Huwaahhh!! Magluluto na po!!" sagot ko sabay takbo sa refrigerator at nagkalkal ako ng pwede kong lutuin.

"Hay grabe!! Magkakawringkles yata ako sayo!" sabi niya habang pinapaypayan nya ang sarili gamit ang kamay. "Ayusin mo ang pagluluto dapat tatlong putahe ng ulam ang lutuin mo!" dagdag nya saka tuluyan ng umalis.

Huhuhu!

Anong gagawin ko, hindi ako marunong magluto??

At tatlong putahi pa!!!

Huhuhu! What to do!!!

****

"I'm starving anong niluto mo?" seryosong tanong ni Mr. Rheus ng makapasok sya sa kusina.

Ayos! Nakahanda na rin ang mga niluto ko. Buti na lang nakahanap ako ng pagkain na madaling lutuin!

"Hehehe! Maupo na muna kayo!" sagot ko at nang unti-unti na siyang makalapit sa lamesa ay agad kong ipinakita sa kanya ang niluto ko

"Charraaannn!!! Surprise! Enjoy eating po!" masigla kong sabi.

Pero dyahi kong ako ay todo ngiti siya naman ay todo din ang pagkakunot ng noo niya!

Naman ha! Hindi ba siya marunong magappreciate ng effort.

Wala man lang bang...'Wow! Mukhang ang sarap ng niluto mo ah! Dahil diyan may suweldo kana at may advance christmas bunos pa!'

Hehehe! Yong mga ganoong linya ba para naman,ganahan ako sa pagluluto sa susunod.

"What are these??" tanong niya sabay turo sa mga niluto kong pagkain.

"Ah..hehehe sabi kasi ni Madam Star Apple na dapat tatlong putahi daw lutuin ko" paliwanag ko "Kaya ito nagluto ako ng 'Boiled Egg, Srambled Egg at saka Fried Egg!' Hehehe! Masarap yan!!" proud kong sabi sabay ngiti ng super wide.

Pero sinamaan niya ako ng tingin kaya yong magandang ngiti ko kanina naging ngiwi na!

Eh?? Ayaw nya ba ng luto ko??

DEL FRANCO EMPIRE: HE STOLE MEWhere stories live. Discover now