RAMONA's POV
"May sasabihin ako sa inyo! Small world talaga." Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang malakas na boses ni Ate Olivia. Nasa sala sila kasama yung apat namin na boarders.
"Huwag mong sabihin na may soulmate ka din." Sabi ko naman.
"O andiyan ka na pala, Ramona!" Sabi ni Ate Barbara.
"Ay hinde, wala pa." Sabi ko.
"May meryenda pala doon, nagluto kami ng turon." Sabi netong si Blaster. Ito, pamilyar ang itsura niya sa akin. Pero di pa naman ata kami gaano magkakilala. "Ganyan ka talagang pumasok? Parang di ka pumapasok ah. Para kang may gig."
Yung porma ko kasi, boyish at parang rakker! Yung suot ko kasi T-shirt na black na may print ng Greenday.
"Sige, mamaya ako kakain.Gusto kong marinig yung kwento ni Ate Olivia. At oo ganito ako pumapasok." Sabi ko.
"Naaala niyo pa yung lalaking kwinento ko? Yung sa may ukulele?" Sabi ni Ate Olivia. "Si Zild pala yun!"
Ang liit talaga ng mundo. Akalain mo yun, si ate Barbara, si Kuya Badjao pala yung tumulong sakanya doon sa mga itlog. Eto namang si Ate Olivia, si Zild pala yung kwinekwento niyang kulot.
"Ako yun guys!" Sabi ni Zild. "Si Olivia pala yung si LivEstrella."
Nagsalita naman si Unique. "Ah siya yung cru----" Tinakpan ni Zild ang bibig ni Unique. Aroy! May nagkaka-crush sa ate ko.
"May bagong loveteam." Sabi ni Stephanie.
"Team Ukulele. Sila ate Barbara kasi at kuya Badj, Team Itlog." Sabi ko. "O siya magbibihis muna akong pambahay."
Umakyat ako sa hagdan papunta sa kwarto ko pero may natapakan akong parang tela.
Panyo pala! Kanino naman ito? Tiningnan ko kung kanino at may naka-burdang pangalan.
STEPHANIE
Kay bunso pala! Bigay ko nga saglit.
"Stephanie o, panyo mo! Kalat-kalat doon." Sabi ko at binigay ko sakanya.
"Hala ate Ramona, thank you! Ang tagal ko na itong hinahanap." Sabi niya.
"Anong panyo yan?" Tanong nung may buhok na parang bunot. "May nakaburda bang pangalan diyan?"
"Oo, Stephanie. Bakit?" Tanong ni bunso.
"Nawala mo ba yan sa may section ng tsinelas sa department store? At yung pinili mo bang tsinelas, design ay doughnut?!" Tanong ni Unique. Huwag nilang sabihin na magkakilala sila. Dahil kapag nangyari yun, ewan ko na lang.
"Hala oo! Teka, ikaw si Bunot?!" Tanong ni Stephanie.
"Ako nga!" Sabi ni Unique. "Magkilala na pala tayo. Small world."
"Grabe! Ang weird!" Sabi ni ate Barbara.
"Team Itlog, Team Ukulele, at Team Tsinelas." Sabi ni ate Olivia.
"Edi kayo na may soulmate." Sabi ko. "Di bale di naman ako inggit. Ano ba yun? Nakakain? Tss."
"Bitter, kakakape yan." Sabi ni Ate Barbara.
"Balangakayo diyan! I don't belong here. Tutal wala naman akong soulmate." Sabi ko.
"Uy ako din wala!" Sabi ni Blaster. "Gusto mo tayong dalawa na lang? Kunwari nagkita na tayo."
Walang hiya tong lalaking ito. Kami daw dalawa ana.
"Ewan ko sayo." Sabi ko at umakyat na.
_________________________
UNIQUE's POV
Sila kuya Badj at Zild, nakita nila yung mga kwinekwento nilang babae sa amin. Ako naman, di ko pa nakikita yung may-ari ng panyo. Si Stephanie. Pero sa magkakapatid, may pangalan na Stephanie. Di ko nga sure kung sakanya yun eh.
"Tara sa sala. Kwentuhan tayo." Pagyaya ni Blaster.
"Tara." Sabi ko. Hawak-hawak ko yung panyo at lumabas kami ng mga kwarto namin. Kasi andito kami sa may hapag kainan.
Sa sala, andoon naman ang mga magkakapatid na De Silva. Kaso wala yung si Ramona.
"Stephanie o, panyo mo! Kalat-kalat doon." Nagulat kami kay Ramona. Hala! Paano ko nabitawan yun sa taas?
"Hala ate Ramona, thank you! Ang tagal ko na itong hinahanap." Sabi ni Stephanie.
"Anong panyo yan?" Tanong ko. "May nakaburda bang pangalan diyan?"
"Oo, Stephanie. Bakit?" Tanong ni Stephanie.
"Nawala mo ba yan sa may section ng tsinelas sa department store? At yung pinili mo bang tsinelas, design ay doughnut?!" Tanong ko.
"Hala oo! Teka, ikaw si Bunot?!" Tanong ni Stephanie.
"Ako nga!" Sabi ko. "Magkilala na pala tayo. Small world."
Akalain mo nga naman! Nakatira lang pala kami sa iisang bahay. Grabe.
Yun nga lang si Blaster at Ramona, di magkakilala talaga. Siguro ngayon lang nila nakita ang isa't-isa.
Meron ng Team Itlog, Team Ukulele, at Team Tsinelas.
_______________________________
AUTHOR'S NOTE:
Si Blaster at Ramona na lang talaga. Pero mukhang di magiging maganda ang pagkilala nila. Vote and comment.
BINABASA MO ANG
The Boarders || IV OF SPADES
FanfictionIisang bahay. Apat na lalaki. Apat na babae. Anong pwedeng mangyari? Magkakaaway ba o magkaka-ibigan? ------------------------- ©outofherprison. 2018.