BARBARA's POV
Lumabas na ako ng Ateneo campus dahil tapos na ang klase ko. Sa wakas, makakauwi na din.
Pero nagugutom ako kaya magmemeryenda muna ako.
Saan naman ako pupunta? Tatawid na sana ako ng daan kaso biglang may tumawag sa akin.
"BARBARA!"
Nilingon ko siya at si Badjao pala! Anong ginagawa niya dito?
"O, Badj! Anong ginagawa mo dito?"
"Uhm, bibisitahin sana kita dito sa Ateneo kaso nakalabas ka na pala."
"Bakit mo naman ako bibisitahin?"
Gusto na ba ako ni Badjao? Joooke.
"Miss na kita eh......" Mahina niyang sabi pero kunwari wala akong narinig.
"Ano?"
"Ah wala! Pwede ba kitang mayayang kumain?"
Is this a date? Magda-date ba kami ng superhero ko? CHAROT!! Barbara ha, tama na kakaharot.
"Sige lang. Pero hindi ito date ah?"
"Hindi! So anong klaseng pagkain ang type mo?"
Ikaw type kita.
Ay!! PAGKAIN PALA hehehe.
"Chinese food."
BINABASA MO ANG
The Boarders || IV OF SPADES
FanficIisang bahay. Apat na lalaki. Apat na babae. Anong pwedeng mangyari? Magkakaaway ba o magkaka-ibigan? ------------------------- ©outofherprison. 2018.