STEPHANIE's POV
Kakagising ko lang at agad-agad akong bumaba sa kusina kasi nakakaramdam na ako ng gutom. I want to have a breakfast na kaso yung mga kasama ko dito sa house, tulog pa maliban kay mama kasi umalis siya kagabi pagkatapos namin mag-Jollibee. Pero mauuna na ako. Sobrang gutom na ako.
What should I cook? Hmm...
Binuksan ko yung freezer namin at imbis na ang agad kong makita ang mga hotdog at nuggets, may Cadbury na humaharang sa mga ito.
Kanino naman chocolate ito? Kinuha ko ito at sa likod, may nakadikit na sticky note.
This chocolate is for Candidate #19. I'm very proud of you. -Koi
Candidate #19? Yun ang number ko nung pageant ah. Sino kaya si Koi? Baka isa yun sa mga boarders namin. Sino naman ang Koi sakanila?
Wala naman sigurong lason ito kaya kakainin ko na. Ay... mamaya na lang pala. Di pa ako nagb-breakfast.
Kung sino ka man Koi, thank you.
Ano kayang aalmusalin namin? Ano kaya bet nila? Nuggets o hotdog?
Chicken nuggets na nga lang.
"Good morning, bunso." Gising na pala sila ate Barbara at Olivia. Si ate Ramona, gising na din.
"May breakfast na?" Tanong ni Ate Barbara. "Kung wala, egg na lang."
"Nakakasawa naman yung itlog." Sabi ni ate Ramona. "Ayun o may chicken nuggets na nilabas si Stephanie."
"Magluto ka na, bunso." Sabi ni Ate Olivia. "Nakakapagod yung pageant kagabi."
"Nakakaurat mag-heels." Reklamo ni Ate Ramona.
"Aba! Atlis ikaw nanalo! Si Blaster kaya todo cheer sayo. Pakiramdam ko may gusto sayo yun." Reaksyon ni Ate Barbara.
"Mga ate... may sasabihin pala ako sa inyo."
"Ano yun, Stephanie?" Tanong ni Ate Ramona.
"Eh kasi naman, nangangalkal ako ng pwede natin almusalin dito sa freezer kaso nakita ko may Cadbury. Tas may sticky note. Para kay candidate #19 daw yung chocolate na yun. Eh ako si Candidate #19. Nakalagay pa doon 'I'm very proud of you'. Kung kanino man galing yun, magpapathank you ako." Sabi ko.
"Kanino ba galing?" Tanong ni Ate Olivia. "Baka sa secret sa admirer mo! O kaya baka kay Unique? Ayieeeee. Unique."
"Sabi lang doon, KOI."
"Huh? Sino si Koi?" - Ate Barbara
"Koi? Luh. Wala akong kilalang Koi." -Ate Olivia
"Malay mo si Unique pala si Koi. Hindi lang natin alam." - Ate Ramona
"Imposible naman na si Unique yun." Sabi ko. "Babalik na ako sa pagluluto, magkwentuhan na muna kayo diyan."
Nagkwentuhan naman sila ate tapos may naririnig kaming mga footsteps na pababa. Siguro, IV OF SPADES yan. Busy lang akong nagluluto hangga't sa marinig ko ang boses ni kuya Badjao na nakababa na ng hagdan.
"Alam mo KOI, dapat pinagluto mo na lang siya ng breakfast para todo effort talaga!"
Napatigil ako sa pagpprito ng chicken nuggets at sila ate, napatigil sa kakadaldal. Tumingin kaming lahat kila Unique at kuya Badj.
Sabay-sabay kaming sumigaw...
"UNIQUE, IKAW SI KOI?!?!?!
![](https://img.wattpad.com/cover/148737616-288-k426211.jpg)
BINABASA MO ANG
The Boarders || IV OF SPADES
ФанфикIisang bahay. Apat na lalaki. Apat na babae. Anong pwedeng mangyari? Magkakaaway ba o magkaka-ibigan? ------------------------- ©outofherprison. 2018.