BLASTER's POV
"Ter, lutang ka na naman diyan! Ano na naman iniisip mo?" Bumalik ang isip ko sa mundo nung kinausap ako ni Zild. Nasa sala kami ngayon, umaga na pero di pa gising yung De Silva siblings.
Si Ramonster pala nag-gigig. Maganda naman boses niya.
"Yung isa sa kabanda ni Ramonster." Sabi ko. "Si Holly, yung girl drummer. Siya yung best friend ng ex ko."
"Kaya pala medyo awkward kayo kagabi." Sabi ni Unique.
Meron kasi akong ex. Kasi niloko niya ako eh. Ayaw ko ng balikan kaya di ko na kwekwento.
"Oo nga pala, asan si Badj?" Tanong ko.
"Nasa CR, nagpapasabog ng bomba." Sabi ni Unique. "Naririnig ko eh kasi diba magkatabi kami ng kwarto tapos yung mga banyo parang maririnig mo ano ginagawa. Ayun, tumatae siya."
"Teka... me rin yata nakakatae. Wait lang ah. Tae muna ako habang dipa gising yung apat." Sabi ni Zild. Di kasi kami makapag-almusal ng wala sila.
"Ako naman, jijingle." Sabi ni Unique.
Ayon, iniwan akong mag-isa dito sa sala.
Wala akong magawa kaya napatingin ako doon sa mga nakadisplay sa pader dito sa gilid ng sala. Tumayo ako para basahin ang mga iyon.
Sa ibaba ng mga display, may mesa na puro larawan ng magkakapatid at pamilya nila. Talagang si Ramonster ang kakaiba kasi siya lang ang maputi, itim ang buhok, may matang asul, at freckles.
Mga certificate pala nila ang nakadisplay. Sa pinakataas ay nung Elementary sila.
Pinakamaraming nakuha si Ramonster. Matalino pala siya! Napansin ko lang kasi yung dalawa niyang ate at bunso, puro nung grumaduate lang ang certificate nila. Pero si Ramona hindi. Kahit certificate ng recognition, meron siya. Kahit nung high school sila. Siya rin ang maraming nakuhang awards.
Nakadisplay din yung mga awards na nakuha nila. Si Barbara, meron siyang Mga apat na Best Dish and Dessert award sa Nutrition Month. Si Olivia, tatlong championship sa singing contest. Si Ramonster— Ramona, marami siyang place sa Writing Contest. Tas si Stephanie, dalawang award sa drawing.
"HOY! ANONG TINITINGNAN MO DIYAN?"
Nagulat ako sa boses na nagtanong sa akin. Si Ramonster pala!
"Ramonster andiyan ka pala!" Sabi ko. Lumapit naman siya papunta sa akin. At tinitigan ako ng matagal tas papalapit siya ng papalapit.
Yung mga blue niyang mata... parang ocean. Ang sarap mag-dive.
"Anong sabi mo? Ramonster? Ikaw nga mukha kang monster."
"Monster na pogi."
"Pogita!"
"Ano ako? Octopus? Pogita?"
"Pugita yung Octopus." Sabi niya sakin at inalis ang mga tingin niya sa akin. Grabe, nakakatunaw mga titig niya.
"Ikaw pala ang pinakamatalino sa inyo." Sabi ko sakanya.
"Paano mo nasabi?" Tanong niya.
"Based sa mga certificates and achievements na nakadisplay dito." Sabi ko.
"Sabi nga din ng ibang kamag-anak namin, ako daw ang pinaka matalino sa aming apat. Pero para sa akin, kaming lahat matalino. Lahat kami binigyan ni God ng katalinuhan. Lahat tayo. Kasi ikaw kung di ka matalino, di ka makakagawa ng mga joke mo." Sabi niya sakin at natuwa naman ako. Bati na kaya kami?
"Ramonster, bati na ba tayo?" Tanong ko at bigla naman niya akong sinapok. Aray!
"Sa tingin mo yung pagtawag mo sa akin ng Ramonster, pagbabatiin tayo? No way! Di pa rin tayo bati. Balakadiyan." Sabi nito at iniwan ako.
BINABASA MO ANG
The Boarders || IV OF SPADES
FanfictionIisang bahay. Apat na lalaki. Apat na babae. Anong pwedeng mangyari? Magkakaaway ba o magkaka-ibigan? ------------------------- ©outofherprison. 2018.