First day ng pasok. Medyo hindi nga ako nakatulog eh, hindi dahil sa excited ako dahil may tinapos akong series sa netflix kagabi, nawala sa isip ko na first day nga pala kinaumagahan, naka 2 oras lang akong tulog. Kaya eto sobra lutang ko. Nag cocommute lang ako papasok ng university kasi hindi ako magaling na driver. Mas pinipili kong maiinitan sa pag cocommute kesa sa ma stress ako sa pag ddrive. Dumaan muna ako sa pinag bbilhan kong chesse bread sa may bake shop malapit sa school, since hindi naman ako nag aalmusal sa bahay. 4th year college nako sa pinapasukan kong university. Currently taking up bachelor of science in business in accounting technology. Actually kinuha ko tong course na to di para matupad ang pangarap kong mga Certified Public Accountant. Yep, you heard it right. Ayaw ko naman talaga maging CPA ginusto lang to ng mga magulang ko para sakin. At hindi ko daw pwede i take ang course na fine arts dahil wala naman daw akong matutunan don. Only child lang ako. Kaso isang insedente ang nangyari one year ago, namatay ang parents ko sa isang car accident. At may iniwan silang willing testament....Ang mag pakasal ako sa anak ng family friend namin. And sa pag kakaalala ko yun ang pinaka nakakabusit na nangyari sa buhay ko. Ang malas lang diba? Nawalan lang ako ng mga magulang the next thing I knew I was getting married to someone I don't even know. Well, apparently hindi naman totally hindi kilala lagi ko naman siya nakikita pag mag gathering sa bahay tas andon ang family niya. Kaso pag may gathering tahimik lang siya di ata siya nag mana kay mommy at daddy niya na very outgoing at hyper ng personality.
Nakuha ko naman ang inheritance ko since nasa tamang age na din naman ako nung namatay sila. So bali ang naiiwan nilang pera ang bumubuhay sakin ngayon plus ang allowance na binibigay sakin ng mga magulang ng asawa ko. Mayaman na pamilya sila, sila din ang bumili ng bahay namin nung ikinasal kami.
Anways, back to reality. Hindi ako naka kuha ng sched nung enrollment kasi biglang sumakit ang tiyan ko kaya di nako bumalik ng school para mag pa print ng schedule, naiisipan ko nalang ngayon 1st day nalang ako mag pa print. Wala naman sigurong ikakakaba dahil pang 4th year ko na ito. Panibagong Accounting Subjects nanaman ang haharapin ko this semester.
"Pa print po ako ng sched, eto po student number ko" Sabay abot ng ID ko sa teller. Wala naman tatlong minuto binigay niya sakin ang papel kung saan nakasaad yung schedule ko.
"Kourtney!!!!!!!!" Sigaw ng kaibigan kong si Juancho. Mula Highschool kaibigan ko to at same course kami na kinuha, di namin sinadya pati pagiging mag kaklasi namin ng mag ffour years na.
"Ano ba, Juancho. Ang aga aga sumisigaw ka parang first time mokong makita?" Sabi ko sakniya.
"Wow. Pasensya naman di ba pwedeng na excite lang ako? Kasi buong summer tayong dj nakita?" At sabay akbay sakin.
"Oo na sige na, nasan na ba si Camille? Wag mong sabihin first day na first day hindi siya papasok?" Tanong ko kay Juancho.
"Papasok baka malalate lang yun. Alam mo naman yun busy masyado sa boyfriend niya."
Sabay kaming pumasok ni Juancho, At wala parin si Camille. Sila ang dalawa sa mga matalik kong kaibigan. Lahat ng mga blockmates namin kasi mga grade conscious eh, matalino din si Junacho kaso dahil same school kami ng highschool agad kaming nag click. Si Camille din laging nasa dean's lister kahit di mag review nakakapasa. How I wish may mag abilities din ako tulad nila. Mahal na mahal nila ang pagiging Accountancy student eh kahit sobrang hirap sobrang purisigido talaga sila.
"Kourtney, OMG alam mo na ba ang balita!?" Si Camille andito na pala siya. Sobrang hingal na hingal nga siya habang nakikipag usap sakin eh. Tapos sumigaw pa talaga ah.
"Pwede ba Camille kakarating mo lang, yan talaga bungad mo?" Sabi ko naman sakanya.
"Seryoso nga kasi. Yihhhh!!! Kase— Ano k-ase.." Nakakinis tong babaeng to bat di niya kaya ako diretsohin. May pa thrill pa 'to.
"Camille sasabihin mo ba o ano?" Sagot ko.
"Prof lang naman natin si Mr. Elizalde" sabay kagat ng labi katapos niyang sabihin yon. At na stress naman ang buong mundo ko ng narinig kong sabihin ni Camille ang pangalan na Mr. Elizalde.
Pano ko ma ssurvive ang sem na to? Siya lang naman kasi ang pinaka iiwasan kong prof dito, gabi gabi kong dinadasal na kahit sino maging prof ko dito wag lang siya. Lord, bakit? Bakit siya pa? Hanggang dito pa naman ang asungot na yon ang makikita ko.
Siya lang naman kasi ang magaling kong asawa.
Si Camille lang ang nakakaalam about samin, ni Primo. Mas kilala dito bilang Sir Primo/ Sir Elizalde. Hindi ko sinasabi kay Juancho hindi naman dahil sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan sadyang dahil mas madalas kaming mag girl talk ni Cams kaya sakanya ko sinabi. Tiwala naman ako na di lalabas yun secreto ko sakanya.
Lahat ng babae dito sa college namin pinapangarap maging professor siya. Kabaliktaran naman ang gusto ko don. Isa pa, kilala siya bilang isang striktong professor dito. Which is mapapahirap talaga ang buhay ko. 24 years old palang si Primo. 4 years lang ang agwat namin dalawa pero napaka mature na niya compare sa iba lalaki na ka age niya. CPA siya for your information, accounting subject ang tinuturo niya. Hindi ko alam bakit siya pa ang napili nila mama para sakin. Eh saksakan naman ng pag ka sungit.
Bigla naman akong nagulat ng biglang may pumasok sa sa silid namin and as expected mga babae nag tilian at nagbubulangan sympre pumasok ang prof namin na kinababaliwan ng mga babae.
"Good morning, class"
Natahimik naman ang buong klase at focus na focus ang mga babae sakanya. Halatang kinikilig ang mga 'to sakanyan.
"I'm Primo Sebastian Elizalde, and you can call me sir."
—————————
To be continued
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm married to my Professor
RomancePara kaming aso't pusa. Hindi magkasundo. Lahat ng bagay nag babangayan kami. Pero nag bago lahat ng dahil sa isang halik. Kung kelan kala mo okay na doon babalik ang first and true love niya? Ano bang laban ko sakaniya diba? I'm Kourtney and this i...