"I think i'm inlove sir."Hindi ko din alam bakit lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko. Dapat sa utak ko lang yan eh, kaso prinepressure ako ni Primo dito sa harapan bigla ko tuloy nasabi mga 'yan. Kitang kita naman din sa mukha niya na gulat at parang nagtataka sa sinabi ko.
"Woah!!! Inlove daw siya sir!!!!"
"Hala ang kapal talagang sa podium pa siya umamin ah."
"Hindi kasi nag aaral eh. Ano ano kasi lama ng utak."
Yan lang naman mga bulong bulungan na naririnig ko mula sa mga kaklasi ko. Tawanan at puro panlalait ang narinig ko mula sakanila. Napaka perfect. Nahihiya akong tumingin sa direskyon kung naasan sila ngayon. Nakitingin lang ako kay Primo ngayon na halata sa mukha niya na naguguluhan din. Isinubsob ko yung dalawang kamay ko sa mukha at papunta sa gamit ko at tumakbo papalabas ng room. NAKAKAHIYA KASI. GUSTO KO UMIIYAK SA SOBRANG HIYA.
Nasa labas nako ng room ngayon. Napahinto ako ng may narinig akong nag salita sa loob ng classroom namin.
"SILENCE!! Let's go back to our lesson, and besides ms. Zapanta is not my type."
ms. zapanta is not my type
ms. zapanta is not my type
ms. zapanta is not my type
ms. zapanta is not my type
ms. zapanta is not my type
ms. zapanta is not my type
Napatakbo ako sa malapit ng girls restroom sa floor na ito. Pumasok ako sa cubicle at hindi napigilan ng mga luha ko ang pagbagsak. Hindi ko rin maiintindihan bakit bako naapektohan? Dahil ba sa halik nung gabing iyon? Natuluyan naba akong nagulo dahil doon? Alam ko naman simula nung una hindi niya ako gusto eh pero bakit ngayon narinig ko ng galing sakanya. Nasasaktan ako.
Hindi nako bumalik ng room namin dahil napakalaking kahihiyan ang nangyari sakin. Talaga bang sinabi ko sa harap ng buong classroom na inlove ako? at worst sinabihan ako na hindi ako type ni Primo. Mag hapon lang ako sa kwarto at hindi ako lumalabas at sa tuwing uuwi si Primo sinisigurado ko na tulog nako. Tuwing umaga naman ay maaga akong nagigising. Mag iilang linggo na din kaming di nag nagkikita dito sa bahay; ayaw ko siya makita. Nakakainis parin siya. although wala naman akong choice kasi prof ko siya. Pero di narin niya ako masyadong pinag ttripan ngayon.
Sobrang busy din sa school din sabay sabay mga requirements. Tas sumasabay pa ang ball. Bukas na nga pala yun. Okay na din ang susuotin ko bigay nila mama isang bloody red gown na sobrang fitted sa katawan ko, medyo revealing ng konti pero keri naman. nag loose din kasi ako ng timbang lately dahil sa pag iwas ko kay Primo di ako naka kain sa tamang oras minsan di nalang ako kumakain para matulog ng maaga at gumising ng maaga para di mag-usap.
"Gurl!!! Sobrang bet ng suot mo wish ko lang ganyan din ang sakin, kaso mukhang di bagay sakin." Sabi ni Camille.
"Talaga ba? Ikaw ah. Nahiya naman ako sa Back less mong gown!" Sagot ko sakaniya
"Maiba tayo, kamusta kayo ni Sir Sungit mo?"
"Camille, tingin mo black or silver susuot kong heels?" Pag iwas ko sa tanong niya.
"Ay, todo iwas sa question? Kala mo ba di ko napapansin? tuwing papasok tayo sa subject niya ni hindi mo nga siya tinitignan lagi kang nakayuko."
"Diba ba pwedeng naiinip lang ako sa boring niyang lesson?" Sabay irap sakanya.
"Anyways, lagi ka nga niyang tinitignan eh. Mukhang miss kana. Yiee." pambwisit naman sakin ni Camille.
"Miss? baka kabaliktaran ng miss ang na ffeel niya." Sabi ko habang sinusukat ang mga alahas na pinipili ko.
"Hay naku, napaka nega! pride pa more sige pa papasayahin ka nh pride eh." Camille
"Oo sobrang saya ko kaya!"
"Ay talaga ba kaya pala sobrang payat mo na, Take note LQ lang yan ah, sobrang affected mo na. hehe peace!" Sige pa Camille bwisit kang babae ka.
"Mag bihis kana! para maka uwi na tayo! bukas na ang ball!" Sagot ko sakaniya.
BALL NIGHT
Call time namin is 6PM, time check 5:48PM na!!!!! Dahil no kibo kami ni Ungoy. Wala din siya dito baka sa school na nag bihis or what. Ayaw ko naman din pahatid kina mama baka malaman pa nila na di kami nag kikibuan dito. So no choice at nag book nalang ng grab. Nakakahiya naman din abalain sina Camille.
Late nako. Pag pasok ko sa Hall. naka upo na ang mga tao, At sobrang nakakahiya dahil lahat ng mata nasaakin. Naka messy hair look ako na naka bun, Nag suot din ako ng contacts, kaya iba ang mata ko. Narinig ko mga bulugan ng mga nasa paligid habang nag lalakad.
"Omg, papansin talaga siya kahit kelan."
"Gosh, bakit sobrang sexy pala niya pag naka fitted."
"Grabe!!! nakaka inggit katawan niya. Ang sobrang ganda niya."
"Nahiya suot natin sa gown niya mga besh!"
"Kala mo maganda!"
Halo halong comments naririnig ko. Hinanap ko nalang sina Camille. Medyo madilim ng koonti sa venue. Hindi ko masyado makita mga tao. Hanggang hinila ako ni Camille.
"Bakit ngayon ka lang, Kourt?? 6PM call time." Sabi ni Camille habang papunta kami sa kinauupuan nila.
"Eh, kasi traffic. hehe." palusot ko para di nalang mahaba ang ineexplain ko sakaniya.
Naka upo nakami at nag start na ang program. Natapos na din ang kainan, pati mga awardings. Nag paalam ako kay Camille sabi ko kukuha lang ako ng maiinom medyo nahihilo kasi ako eh, Nag simula nakong mag lakad ng bigla kong nakita sa Primo. Nakatingin ako sakanya ng biglang nag katagpo ang aming mga mata. Pero agad kong iniwas ang akin at nag patuloy humanap ng tubig dahil
hilong hilo ako.Ano ba yan. Hilong hilo nako nag didilim panigin ko. Bakit ganun? Nakikita kong papalapit saakin si Primo mukhang nag aalala.
Humawak ako sa ulo ko.. ng biglang unti unting nagiging madilim nalang lahat.TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm married to my Professor
RomancePara kaming aso't pusa. Hindi magkasundo. Lahat ng bagay nag babangayan kami. Pero nag bago lahat ng dahil sa isang halik. Kung kelan kala mo okay na doon babalik ang first and true love niya? Ano bang laban ko sakaniya diba? I'm Kourtney and this i...