INAH'S POV
It's been a year nung naging kami ni Marc. Habang dumadaan yung araw, unti unti kong naiisip na mahal ko na rin sya, mahal ko na sya kung paano ko mahalin si Clarence... Hindi parin ako tumitigil na mahalin at hintayin ang tsansa ko kay Clarence. Why not? One is good, but two is better. HAHAHAHA. I don't know how it happened. I just woke up loving them at the same time. Gusto ko narin naman ng sumuko pero nangyari to....
*party after our graduation day
"Yeaaah!! Party!party!" sabay sabay naming apat na isinigaw habang may hawak na bote ng alak ang aming mga kamay kasabay ng tugtuging nagbibigay sigla sa panahong iyon..
Napagod kami sa pagsayaw at pagkanta at ninais na magpahinga. Natulog na si Hope and Marc sa sala dahil sa kalasingan. Habang nananatiling dilat ang aming mga mata ni Clarence. Dala ng kalasingan....
"Hey! Clarence! Do you have any idea how I'm madly inlove with you dati pa?"
"Ano? (halata mo yung pagkagulat sa mukha niya) Stop joking Inah.. Hindi nakakatuwa, saka lasing ka lang."- sinasabi niya yan habang namumula dala ng alak at dala na rin ng sinabi ko.
"Hindi. Sinagot ko si Marc para mapalapit sayo! And until now? Mahal parin kita! Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin to dahil baka huli na o kaya'y...."
Isang mainit na halik ang nagpatigil sa akin. Isang malambot na labi ang dumapo sa sensitibo kong labi. Ninais kong wag ng matapos ang tagpong iyon at namnamin ito. Totoo nga yung mga nasa palabas. Kapag hinalikan ka ng mahal mo parang may background music na bglang magpapatugtog. Ngunit tulad nga sa lahat ng palabas, lahat ng pagtataksil ay natatapos sa paggising sa katotohan ng reyalidad ang isang karakter. Na nagpapakita na pareho niyong mahal ang bawat isa ngunit tila masyadong huli na. Marami ng masasaktan..
"Mahal din kita noon pa Inah! Akala ko kasi hindi mo ko gusto kaya ipinilit nalang kita kay Marc. Mahal kita Inah pero masyado ng huli. Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Marc at ganun karin sa kanya"
"Hindi ba pwedeng tayong dalawa lang muna isipin natin?"
Nangibabaw ang pagka selfish ko. Kung paanong ang lahat ng bagay ay nakukuha ko. Na kung paanong napagtatagumpayan ko basta nais ko. Yung ipipilit ko kahit mali. Wala e.. Mahal ko e."Tama ba to Inah? Kahit kailan ayokong manakit, mahal kita pero kaibigan ko si Marc!"
"Sasabihin mo ba?"
At dito nagsimula ang tagong pagkikita namin ni Clarence. Masaya. Sobrang saya..
BINABASA MO ANG
ilovethem....BOTH
RomanceInah did everything lalo na pag dating sa Pag-ibig. .. She's selfish to the point na hindi na niya kinilala miski ang bestfriend niya ..She always want to love and to be loved. Does Inah will get a happy ending story or a very tragic ending?!