Chapter 1

41 1 0
                                    


Ayah POV

"Haaaayy kaantok!" habang humihikab pa yan. Kanina pa ako dito sa labas ng school ang tagal dumating ni Hansel wala akong kasabay pumasok nahihiya kase ako , feeling ko first time ko sa school na to actually nung first week pa yung pasukan namin pero di lang ako pumasok wala kase akong kasabay, wala yung bestfriend ko nasa province tapos nabalitaan ko pa na may mga new classmates daw kame pssh! Kaya ito ako ngayon naghihintay ng kasama pumasok...

"Ayaaaaaaah" sigaw niya sa akin habang kumakaway .

"Pssh!! Buti naman dumating ka na! Kanina pa ako dito sa labas akala ko ba 8am pasukan eh 8:30 am na " mukhang late na kame mas nakakahiya na pumasok huhuhu.

"Hahahaha syempre joke lang yun kase pag sinabi kong 8:30 ang pasok 8:30 ka talaga pupunta " sabay kindat niya pa sa akin

Abnormal to pinag hintay pa ako ng matagal "Abnoy ka ba? Eh 7:30 pa lang nandito na ako " gusto ko siyang sipain kaso nakatakbo na siya hayss bweseeeet!!!!

"Ito naman wag ka na magalit alam na alam ko kase yang diskarte mo ee hahahaha tara na nga " sabay hawak sa kamay ko pero tinanggal ko yun "Alam mo naman diba na nahihiya na ako pumasok kaya maaga talaga ako dumating dito sa school " diskarte mo mukha mo badtrip!

"Halaaa badtrip na siya eh bat kase naniwala ka sa akin eh may registrar card ka naman ? Hahahaha " Oo nga noh? Bat di ko naisip yon? Masyado akong funny bweset naman oh!

"Tara na nga" yaya ko sa kanya di na ako nakipag usap sa kanya hanggang sa makarating kame sa harap ng room.

Kinakabahan ako bigla di ko alam kung bakit, tama nga si Hansel mas dumami kame ngayon sa classroom at may mga bago din at pati mga prof bago din! I'm doomed!

"Oh baket ayaw mo pang pumasok? Tara na dito ka sa tabi ko" di ko napansin na nakapasok na pala si Hansel dahil nakatitig lang ako loob ng room, may mga nag uusap , naglalaro, nag memake up yung iba gumagawa ng assingments kumbaga may sarisarili silang mundo. Bat parang may nag iba sa room na to?

"Hoy Ayah okay ka lang? Pasok na sabi wag mong sabihin nahihiya ka pa rin?Ano ka transferee? Tara na pasok na" kinuha niya ang kamay ko at hinila papunta sa upuan ko.

"Nakakapanibago Hansel, bat may kanya kanyang mundo mga classmates natin dito? Diba dati hindi naman?" Sabi ko habang tinitignan ko isa isa ang mga kaklase ko, syempre halos lahat kilala ko na kaso di ko sila close bihira kase ako makipag usap at ayaw ko sa kanilang makipag usap.

"Sus! Nasanay ka kase sa room natin dati na nag kakaisa pero alam mo naman diba pinag isa na yung AM and PM na BSHRM kaya mas dumami tayo saka 10 na lang tayo na PM kaya sinama na tayo sa kanila tapos may mga dumagdag pa na mga bagong students edi mas dumami pero masaya naman" mahabang paliwanag niya. Oo tama si Hansel dati kase hiwalay ang PM and AM HRM simula 1st year college hanggang 2nd year college pero sa section namin mas marami ang umaalis kabilang na yung mga kaibigan namin ni Hazel dati siyam kame sa mag babarkada ngayon dalawa na lang kame natira, sobrang lungkot nung nalaman naming hihinto na sila, malibang sa kanila may mga classmates din kame na umalis na din hanggang sa sampu na lang kaming natira sa PM section kaya ang ginawa nila isinama na kame sa AM section, nung una ayaw namin pero syempre wala kaming magagawa dahil kokonti na lang kame at para na rin hindi masayang ang oras ng mga prof kung ipag iisa ang pagtuturo nila sa amin.

Muli akong bumalik sa ulirat nung may yumakap sa likod ko "Ayaaah namiss kita!! Bat ngayon ka lang pumasok?" si Ghie kaibigan ko simula 1st year.

"Ngayon ko lang naisipang pumasok eh saka wala pa namang gaanong ginagawa diba?" Sabi ko habang nakaharap sa kanila

"Anong walang ginagawa eh tignan mo nga sila oh gumagawa ng assingments saka yung iba nag rereview" si Resty habang nakaturo pa sya sa mga classmates naming may mga kanya kanyang ginagawa.

"Hmm. Eh bat kayo walang ginagawa? Tanong ko sa kanila, agad namang nataranta si Ghie dahil sa sinabi ko "Oo nga babe buti pinaalala mo gawa na tayo" habang kumukuha ng notebook sa bag niya.

"Ano ka ba babe? Basic lang yan" habang nakataas pa ang kamay at pinapakita ang muscle na wala naman tss abnormal talaga.

"Puro kayo kalokahan gumawa na kayong mag jowa, ako tapos na si Ayaah naman okay lang na di gumawa kase absent naman yan" sabat ni Hansel

Silang tatlo lagi ang nakakasama ko tuwing wala yung bestfriend ko, pag apat kaming magkakasama puro kame kalokohan ang lalakas kase nilang mangtrip lalo na ako di lang halata hehe.

Kumuha na rin ako ng notebook at ballpen para maki kopya ng notes dahil marami na rin akong na skip na lectures dahil sa absent ako.

"Hello! Leoooo ang aga natin ha? Himala di ka late ngayon hahahaha!" si Hansel kausap niya yung baklang kakapasok lang hmm siguro bagong classmate namin to? malamang nakauniform nga diba? Hays Ayaah talaga!

"Kaya nga eh OMG! Pero guys umayos na kayo kase paparating na si Sir" anunsyo niya sa mga classmates namin at agad naman umayos ng upo ang lahat. Agad akong kinabahan dahil nandyan na nga ang bagong prof namin at malamang sa alamang tatawagin ang mga bagong pumasok ngayon at parang ako lang ata ang bago peste!

"Good morning class" bati ng prof sa amin "Good morning Sir Upher" sabay tayo at bati din namin sa kanya "Okay sitdown, attendance muna tayo bago mag simula and by the way may mga bagong dating ba?" tanong niya sa amin, sinasabi ko na nga ba eh bat ba ako kinakabahan ng ganito umayos ka nga Ayaah!

"Yes Sir! Meron po si Ayaah" sigaw ni Hansel habang nakataas pa ang kamay hanep kung wala lang prof sa harap sinapak ko na to eh epal!

"Mss Ayaah can i have your yellow card?" Utos niya sa akin at agad naman ako tumayo papunta sa table niya sa harap, nakarinig ako ng mga bulungan pero di ko na pinansin yon pag tapos niyang pirmahan yon ang akala ko tapos na pabalik na sana ako sa upuan ko ng tanungin niya ako "Bat ngayon ka lang pumasok? Nung monday pa yung pasok niyo ha?" sabi na eh. Monday kaya ngayon Sir chos. "Nag karoon lang po ng konting problema Sir kaya di po ako agad nakapasok" sabi ko. Maniwala ka na lang Sir gusto ko ng maupo sabi ko sa isip ko . "Okay sit down" hay salamat.

Pero totoo nga na nag karoon ako ng problema sa love tanging si Hazel lang ang nakakaalam nun dahil kahit marami akong kaibigan di ako mahilig mag open sa kanila dahil sa bestfriend ko lang talaga ako nag kekwento. Hay ayoko ng balikan.


Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon