Quotes of the day
Yesterday i was clever, so i wanted to change the world. Today I am wise, so I am changing myself.
Ayaah's POV
Flashback
"Ayaaaah!! Ayaaaah!! Gising bilis!! Buksan mo ang pinto!"
Sa sobrang lakas ng katok ng pinto sa kwarto ko ay nagising ako alam kong si Hazel yon, pero di ko pinakinggan dahil antok na antok talaga ako ala ko naman kung bakit siya nandito makiki chismis nanaman tungkol sa nangyari aming dalawa ni Jeremie kagabi hayyy sarap sa feeling kinikilig kong sabi sa isip ko.
Nag date lang naman kame ng kagabi ng gusto gusto kong lalaki, niyaya niya ako mag date syempre pumayag na ako pero di ko alam kung bakit niya ako biglang niyaya pero wala na akong pake basta kasama ko siya at mas naging masaya pa ako at ang puso ko na umamin siya na may gusto siya sa akin sobrang saya ko kagabi parang ayaw ko ng matapos ang araw na kasama ko siya pero, wala siyang tinanong sa akin na pwede niya ba akong ligawan hmm hayaan na nga basta ang mahalaga gusto ako ng taong matagal ko ng mahal.
"Ayaaah! Anoo ba?!! Lumabas ka na diyan may mahalaga kang bisitaaa!! " sigaw ni Hazel habang katok ng katok sa pinto pero hindi ko pa rin siya pinapansin dahil ang utak ko ay busy sa kakaisip ng mga magagandang nangyari kagabi..
"Ayaaah! Nandito si Jeremie!!" pag ka sabing pag ka sabi ni Hazel nun ay napabangon ako mula sa kama at pumunta sa pinto ng kwarto ko pinag buksan siya.
"Nasan siya? Nasaan siya? A..anong ginagawa niya dito" aligaga kong sabi sa kanya at bigla akong nakatikim ng kutos sa kanya.
"Araaay! Ang sakit nun ha? Siraulo ka ha?!" reklamo ko habang kakamot kamot sa sa ulo ko.
"Kung di ko pa banggitin si Jeremie hindi ka pa babangon diyan!! Bilisan mong bumaba inaantay ka niya KANINA pa!" galit niyang sabi sa akin pero wala ako pake alam ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang kinikilig ako dahil nandito ang mahal ko nang di ko inaasahan na pupunta siya dito mismo sa bahay.
"Sige sige!! Mag aayos na muna ako! Salamaaat" paalam ko at sabay pasok sa kwarto.
Kinikilig ako na kinakabahan hindi ko alam kung bakit siya nandito papakiligin mo nanaman ba ako? Sasabihihan mo nanaman ba ako ng mga di ko inaasahang lumalabas diyan sa bibig mo na nag papakiliti sa puso ko? Grabe mamamatay na ata ako sa kilig sabi ko sa sarili ko.
Nang nakapag ayos na ako bumaba na ako agad, mula sa hagdan nakikita ko na si Jeremie na nakaupo sa sofa habang nakikipag kwentuhan kay Ate at Hazel, naputol ang pag uusap nila nang nakita na ako ni Ate.
"Oh! Ayan na pala yung kapatid kong sobrang haba ng hair sa sobrang ganda! Ikaw na sis! Sige maiwan muna namin kayo diyan!" asar sa akin ni Ate habang kinikilig kilig pa ito yon tuloy ay di ko rin maiwan kiligin lalo na't nakita ko pa mga dala ni Jeremie para sa akin, isang boque na roses at teddy bear.
"Hmm' napadalaw ka? Ang aga ha?" tanong ko pero di ako makatingin sa kanya kahiya'
"Para sa'yo inabot niya sa akin ang mga dala niya at tinanggap ko agad yon may nakalimutan kasi akong itanong sa'yo kagabi" nahihiyang niyang sabi sa akin.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya " A..ano naman yon?" tanong ko pero di siya makatingin sa akin sa tingin ko ay nahihiya ang gwapo niya shet!
Di pa rin niya ako sinasagot, mag sasalita na sana ako ng bigla siyang mag salita " Pwede ba kitang ligawan?" kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka sincere sa tanong niyang yon di ko naman maiwasang kiligin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Non-FictionNangyari na ba sayo yung nainlove ka sa isang tao sa di inaasahang panahon? Pero pinipigilan mo dahil hanggang ngayon nabubuhay ka sa nakaraan, ang nakaraan na ayaw mo ng maranasan ulit dahil sa sobrang sakit na naranasan mo noon pero dahil hindi na...