Chapter 3

39 1 0
                                    

Quotes of the day

The saddest thing is when you are feeling real down, you look around and realize that there is no shoulder for you. :(

Ayaah's POV

NAtapos ang buong isang araw ng klase na puro lessons, quiz, activities, may nag bigay pa ng mga assingments at iba pa. Nakilala ko na din yung ibang bago naming prof bali apat sila yung isa bukas ko pa ma-mimeet, mababait naman sila kaso grabe naman mag pagawa ng activities katulad kanina ng isa naming prof na si Mam Kim, nag pa debate siya about sa LGBT issue na yan kung tanggap ba ng ibang tao ang mga kagaya nila sa lipunan, bali dalawang grupo kame yung isa NO at yung isa YES syempre sa YES ako kasi love ko ang mga bakla lalo na si Vice Ganda super idol ko siya pero hindi na ako masyadong updated ngayon sa kanya dahil sa nangyari sa akin. So ayun na nga, nakikinig na lang ako sa kanila dahil ayaw ko naman sumabat din, kakampi namin si Leo bakla kasi siya kaya malamang sa YES  siya. Grabe ang nangyaring debate, ngayon ko lang napagtanto na matalino pala to si Leo grabe yung mga words na sinasabi niya at malalalim pa at wag ka english pa kaya di ko masyadong maintindihan hehe. Halos lahat ng ka grupo ko nag papalakpakan kapag siya na ang sumasagot at siya lang ang mas sumasagot sa grupo namin kaya sa huli kami ang panalo.

Pero, di ko masyadong nagugustuhan ang attitude ni Leo parang may pag ka mayabang siya na akala mo lahat alam niya sa pananalita pa lang niya alam mo na pero di mo maitatanging magaling talaga siya may ibubuga kumbaga palaban.

"Oh kamusta unang klase?" tanong ni Ate na hindi ko naman napansin na nandito na pala ako sa bahay pssh buang!

"Ayos naman. Anong ulam?" tanong ko sa kanya sabay upo sa sofa haay nakakapagod na araw.

"Wala pa si Tita ee kaya wala pang ulam kakarating ko lang din galing trabaho grabe ang daming ginawa nakakapagod ang traffic traffic pa diyan banda sa monumento feeling edsa? Jusko! nagugutom na ako ito talaga si Tita minsan sarap sapakin ee." reklamo niyang sabi.

"Tinanong ko lang kung anong ulam ang dami ng sinabi" bulong ko sa sarili habang papaakyat sa hagdan.

"Anong sabi mo!?" mataray niyang tanong akala ko naman narinig niya sayang hehe.

"Wala! Patawag na lang ako pag may ulam na" sabi ko. Nag madali na akong umakyat sa taas dahil alam kong mag kekwento nanaman si Ate tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw, ganun siya kadaldal kaya minsan nakatingin na lang ako sa kanya pero di ako nakikinig kaya asar na asar sa akin si Ate dahil alam niyang wala akong pake-alam sa mga kinikwento niya pero pag may problema naman siya nakikinig talaga ako at pinapayuhan ko siya.

Pag dating ko sa kwarto ay agad akong nag bukas ng Laptop dahil mag uusap kami ni Hazel, tuwing gabi nag uusap talaga kame walang palya kahit walang kwenta mga pinag uusapan namin, minsan na akong di nag online ng 2 days nagtampo talaga siya sa akin abnoy minsan tss.

Pag open ko ng facebook, as usual chat agad ni Hazel ang bumungad sa akin.

Hazel ♡

Hazel : Kamusta first day? Ano ayos ka lang ba? May bagong friends? Sino kasama mo kanina?

Ako: Pwede bang mag video call na lang tayo? Ang dami mong tanong ee tinatamad akong mag type.

Kinuha ko naman agad ang web cam sa table ko at inilagay ko sa kama kasama nung laptop at maya maya lang nasa screen na ang mukha ni Hazel haha.

"Oh? Ano na kamusta na? Mukhang pagod ka be ha? Dami niyo sigurong ginawa" tanong niya sa akin. Naku mahaba habang kwentuhan nanaman to tsss.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon