Chapter 2

44 1 0
                                    

Quotes of the day

Wag mangangako kung di naman tutuparin. Kawawa ang naniniwala. :)

Ayaah's POV

AFter 45 minutes na klase ay may 1 hour kame na break time, okay naman si Sir Upher joker siya pero di naman ako natatawa sa mga jokes niya tapos ang galing pa niya magturo matatandaan mo talaga ang bawat kahulugan ng tinuturo nya.

"Oh saan tayo? Medyo mahaba habang break time to!". ani ni Ghie habang inaayos ang gamit.

"Dito na lang tayo wala na akong pera puro na lang tayo Mcdo tapos pag lunch wala na tayong makain" reklamo ni Hansel na agad naman ako natawa.

"Eh anong gagawin natin dito? Nga nga? Edi dito ka aalis kame" sabay hawak ni Ghie sa kamay ko "Tara Ayaah"

"Sige kayo na lang mag jowa di ko iiwan si Hansel dito saka di pa naman ako nagugutom eh" sabi ko sabay kindat kay Hansel

"Hayaan mo na yung dalawang yan babe may mga pera yan kuripot lang tssk" sabat ni Resty habang papalakad sa pinto ng room.

"Sige kayo bahala saglit lang kame" sabi ni Ghie at kumaway pa sa amin.

"Ito talagang mag jowa na to nakakainis! Alam mo ba pag sila kasama ko nauubos yung pera ko puro kain sa Mcdo at Jollibee pag di pa nakokontento pumupunta pa ng 711" pagmamaktol niya .

"Pwede naman kase na di ka bumili eh samahan mo lang sila" sagot ko . Kung di ba naman abnormal kahit mauubusan na ng pera bibili pa rin.

"Syempre nakakahiya be kase kumakain sila ako wala? Syempre bibili na rin ako saka masarap naman hahaha" sabi niya sabay tawa niya pa. Siraulo talaga bahala ka nga dyan.

Di na ako umimik at tinuloy ko na lang pag susulat ko na naudlot kanina. Maya maya lang ay nag salita si Hansel.

"Bat ang tahimik mo ngayon? Kanina pa kita napapansin simula kanina na pag pasok natin ee bilang ko lang yung mga sinasabi mo! Okay ka lang? pag aalala tanong ni Hansel sa akin, tumingin muna ako sa kanya bago sumagot.

"Ayos lang naman, hindi naman kase lagi ay magsasalita ako diba? At wala naman din akong sasabihin" pag dadahilan ko, nakita ko naman ang reaction niyang parang hindi kontento sa sagot ko.

"Hindi ee parang may mali? Masyado kang tahimik nasobrahan ata saka ang parang ang lungkot lungkot mo parang pasan mo ang problema ng mundo! May problema ba?" pag aalalang tanong ni Hansel na agad namang ikinagulat ko at di ko malaman kung ano ang isasagot ko.

Matagal na kaming mag kaibigan ni Hansel, alam na alam niya kung di ako okay o masaya ako pero hindi ako masyadong nagsasabi sa kanya ng problema o sekreto dahil di ko ugali yon at kahit close kame wala pa rin akong tiwala sa kanya hindi ko rin alam kung bakit? Mas maganda kase na sa iisang tao ka lang mag sabi ng anumang problema dahil mas mainam kung isang tao lang ang nakakaalam.

Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok sa room...

"Hey guys !! Bat di kayo lumabas Hansel? himala ha?" tanong nung bakla sa amin ni Hansel habang papaupo sa tabi namin. "Wala lang ayaw lang naming lumabas bakit may libreng pagkain ba dyan ulit sa labas?" excited na tanong ni Hnasel kahit kelan talaga patay gutom to tss.

"Huh? Ewan ko sayo Hansel napaka patay gutom mo oh my gosh" maarteng sagot ng bakla kay Hansel natawa naman ako at agad din nawala ang pag tawa ko nung napansin ako nung bakla.

"Hello! Nandyan ka pala ate hahaha! Anong name mo? Ako pala si Leo sabay lahad niya ng kamay sa harap ko at inabot ko naman iyon "Ako naman si Ayaah hmm nice too meet you" nakangiting sabi ko.

"Nice too meet you din! Bago ka lang dito?"  tanong niya sa akin mag sasalita na sana ako ng biglang sumabat si Christina "Ano kaba bakla matagal na siya dito ngayon lang siya pumasok! Baka ikaw yung bago dito!" sigaw nito kay Leo natawa naman kaming lahat sa kanila "Ikaw babae ka! Di naman ikaw yung kausap ko sumasabat ka!!" sigaw nito sa kaibigan habang hinahatak ang buhok nito.

"Hahahaha! Para kayong mga baliw tama na nga yan!! Kawawa naman si Christina ang liit liit na nga sinasaktan mo pa" awat ni Hansel habang tumatawa pa.

Nakakatuwa silang pareho. Actually si Christina kilala ko na siya kaso di ko lang siya close, mag kaklase lang kame sa ibang mga subjects dahil ireggular daw siya ang sabi ni Hansel pero si Leo nagyon ko lang siya nakita malamang bago siya dito.

"Pasensya ka na dito sa kaibigan kong maliit ha maingay talaga to masanay kana" sabi ni Leo habang hawak ang leeg ng kaibigan, tinitignan ko kung anong itsura niya habang sinasakal niya ito.

"Hmm bitawan mo na siya baka nasasakal na siya" utos ko sa kanya pero tumatawa tawa lang siya "Hayaan mo siya patayin ko pa to sa harap niyo! " pag babanta niya habang tumatawa pa natatawa naman kame dahil tili na lang ang ginagawa ni Christina dahil hindi siya makawala sa pagkakasakal na biro ng kaibigan.

Agad naman niyang binitawan ang kaibigan dahil nag sipasukan na ang mga kaklase namin, 10 am na pala mag sisimula na ang pangalawang subject namin.

"Aray naman di na siya namamansin" rinig ko sa tabi ko pero di ko na lang pinansin. "Sige lang wag kang mamansin Ayaah" ako pala? Tumingin ako kung sino ang nag salita nagulat ako kung sino yon.

"Jay? Ikaw ba yan?" paninigurado ko at agad ko naman siyang niyakap. "Kamusta kana? Bat nandito ka? Mag aaral ka ulit?" sunod sunod na tanong ko sa kanya natawa naman siya "Easy ! Ang dami mong tanong isa isa lang pwede?" natatawa niyang sabi sa akin. Hinawakan naman niya ako sa kamay at lumabas kami ng room.

"Ano ba? Baka mag simula na yung klase namin" sabi ko sa kanya "Bat ka nga nandito?" tanong ko ulit.

"Ito na sasabihin na nga ee . Hmm di naman ako mag aaral ulit kumuha lang ako ng TOR mag tatrabaho na ako, ikaw kamusta na?" paliwanag at tanong niya sa akin, nagulat naman ako sa tanong niya dahil di naman niya ako tinatanong ng ganito sa totoo lang.

"O-okay naman ako. Bat mo naman natanong?" tanong ko naman sa kanya at nag iwas ako ng tingin.

"Talaga ba? Nakikita ko diyan sa mga mata mo parang hindi ee" pag aalalang tugon niya at nagulat naman ako.

"H-huh? Ano bang sinasabi mo diyan okay lang ako promise, saka bat ganyan yung mga tanong mo? Nakakapanibago ka ha? " nagtatakang sabi ko sa kanya nag iwas naman siya ng tingin sa akin, magsasalita na sana siya ng biglang may umakbay sa kanya.

"Hoy! Bat ka nandito mr pogi? Walang chicks dito hoy! " sigaw nito kay Jay natawa naman siya "Ayaah!! Nandito ka na pala? Takte ang haba ng bakasyon mo ha? Hahahaha" tawang tawang sabi sa akin ni Edward , bumusangot naman ako "Pssh pake mo ba? Eh ikaw nga absent ka kanina ee" sabi ko naman sa kanya "Syempre malakas ako kay Sir kahit di ako pumasok sa kanya tres ako don hahahaha!" pagmamayabang niya pa sa akin pssh siraulo!

"Nandyan na si mam" sigaw ng isa naming classmate kaya naman nagsipasukan na yung iba.

"Papasok na ako. Ingat ka sa pag uwi! " paalam ko sa kanya, papasok na sana ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko at tinignan ko naman siya.

"Wag mong baguhin ang sarili mo dahil sa iisang tao lang nasasaktan ka man ngayon, wag mong hayaang balutin ng kalungkutan at sakit ang sarili mo dahil hanggat nandyan yan di ka magiging masaya" mahabang payo niya sa akin at sabay bitaw ng pagkaka hawak niya sa braso ko at lumakad paalis.

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi niya. Di ko alam kung bakit niya sinabi ang mga katagang yon, may alam ba siya sa pinag dadaanan ko? Oh baka naabnoy lang yon? Pero hindi may kakaiba. Hays! Hayaan na nga.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon