Nakasimangot na sinundan ni Myla ng tingin ang lalaki. Hindi ito bumalik sa ka-date nito sa halip ay dumiretso sa direksiyon ng mga washrooms.
At muli ay sira na naman ang araw niya. Palagi na lang ganoon. Sa tuwing makikipagpalitan siya ng salita rito ay siya ang nauuwing pikon.
Bumaling ang tingin niya sa babaeng iniwan nito sa lamesa sa di kalayuan. Isa pa ang babaeng ito. Tube dress na nga ang suot nito ay parang hindi pa umabot ang laylayan niyon sa kalahati ng hita nito. Kulang na lamang ay lumuwa ang dibdib nito at kung bahagyang yuyuko ay malamang na babati na rin ang kuyukot nito. Lalong nag-init ang ulo niya sa isiping iyon.
Handa na sana siyang umalis sa lugar na iyon dahil hindi niya sigurado kung makakakain pa siya nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Bakit nga ba hinahayaan niyang siya lamang ang mainis kung pwede naman niyang idamay ang mga taong napapainit ng ulo niya?
Dinampot niya ang basong nasa harapan at kahit alam na malamig ang tubig ay nagbuhos ng kaunti sa kamay saka ipinatak sa mga mata. Hinayaan niyang dumaloy iyon sa pisngi niya. Voila! Instant tears. Dinagdagan pa niya iyon para magmukhang kanina pa siya umiiyak. At nang sa pakiramdam niya ay sapat na iyon ay naglakad siyang palapit sa lamesang kinauupuan ng babae. Sukat ay bigla na lamang siyang umarteng umiiyak nang makalapit sa lamesa nito. Gulat namang napatingin sa kanya ang babae.
"A-are you okay?" waring natataranta pang sabi nito ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagngiwi nito. Plastik na babae! "M-maupo ka muna." Sabi nito at pinaupo siya sa upuang nasa tapat nito.
"S-si Darwin Buenavista iyon kasama mo hindi ba?" tanong niya habang pinagbubuti ang pag-arte sa harap ng babae.
"O-Oo. May kailangan ka ba sa kanya?" hindi nakaligtas sa matalas na mata niya ang pagkunot ng noo nito at bahagyang paniningkit ng mga mata. Possessive eh?
"K-kasi" she faked a sniff. "K-kasi isa ako sa mga ex niya." At binuntutan niya iyon nang paghagulgol. Hindi lang pala siya efficient na director. Mukhang pwede na rin siyang mag-artista.
Ngunit imbis na maawa ang babae ay nakita niya ang pagsimangot nito. Lihim na napaismid din tuloy siya.
"So what do you need from us?" ang mataray nang sabi nito.
"D-don't get me wrong. Hindi ko gustong agawin pa siya sa'yo. Gusto ko lang makatulong sa'yo." She sniffed again. "Ayoko kasing matulad ka sa akin."
"What?"
"That guy. He got me pregnant! Hindi lang ako! Nalaman kong marami pa kami. And I don't want you to be one of us. I want him to stop hurting women." Pagdadrama pa niya. Mukhang experienced ang babae ngunit umaasa siyang madadala niya ito sa drama niya. She was a woman afterall. Siguro naman ay may pagpapahalaga ito sa sarili kahit papaano.
"D-didn't he use protection?" Tila nadala namang tanong nito.
"At first he did. Pero kalaunan ay ayaw na niya. He will even offer you marriage just so you would agree. Tapos iiwan ka niya. Gaya namin." Isinubsob niya ang mukha sa mga kamay at humagulgol pang muli. Palihim niyang sinilip ito sa pagitan ng mga daliri at lihim na napangiti nang mapansin niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Got ya!"Don't get fooled by that brute, please?"
"Myla?" narinig niyang tawag sa kanya ni Darwin mula sa likuran. Parang gusto niyang matawa. He had just gave the situation a nice touch. At nakumpirma niya iyon nang hindi na maipinta ang mukha ng babaeng kaharap. Mukha lubos na itong naniwala sa lahat ng sinabi niya dahil nakumpirma nitong kilala siya ng boyfriend nito.
"You irresponsible pig!" sabi ng babaeng kaharap bago tumayo at nilapitan si Darwin. Isang malutong na sampal ang pinadapo nito sa pisngi ng lalaki. "Don't you dare call me again." Dugtong pa ng babae saka nagmartsa nang paalis.
"What the hell---?!" ang bulalas ni Darwin nang sa wakas ay mahimasmasan sa pagkagulat.
Siya naman ay natatawang pinunasan ang tubig sa kanyang mukha. She won! She actually got even with him! Ha!
Ngunit nagulat siya nang bigla na lamang ibagsak ni Darwin ang palad sa lamesa. Hindi pa ito nakuntento at inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Agad na naiurong niya ang ulo niya.
"W-what?" nagawa niyang itanong.
"What did you do?" wala siyang mabasa sa ekspresyon nito. Hindi naman ito mukhang galit ngunit bakit mas nakakatakot ito nang ganoon?
"N-nothing." Tumikhim siya upang ibalik ang lakas ng loob. Hindi dapat siya nagpapasindak dito. Ito ang unang nambwisit sa kanya, aba! "P-in-ractice ko lang ang acting skills ko. Malay ko bang papatulan niya."
"You're really something." Pumapalatak na sabi nito.
"Don't tell me galit ka na? 'Di ba hindi ka naman marunong mapikon?" taas ang kilay na balik niya rito.
"Remember this sweetheart. I don't get angry." Sabi nito at nagulat pa siya nang ngumisi pa ito na parang hindi ito nasampal at iniwan ng girlfriend nito ilang saglit pa lamang ang nakakalipas. Weird! "I just get even."
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (Completed/Soon To Be Published Under PHR)
RomanceMyla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without m...