- 4 -

4.4K 100 2
                                    

"SERIOUSLY, Myla Camille Tuazon, how old are you to be fainting because of stress?!" ang galit na sabi ng kuya niya sa kanya nang sa wakas ay makapasok sila sa bahay ng mga magulang. Habang ito ay may sarili nang bahay, siya naman ay nananatiling nakapisan pa rin sa mga magulang.

Ito ang sumundo sa kanya mula sa ospital at siyang naghatid sa kanya sa bahay nila pagkatapos niyang himatayin sa mismong elevator ng opisina nila. At halata ang galit sa kapatid dahil sa nangyari na na para bang kasalanan pa niyang nahimatay siya.

"And don't you dare tell me na hindi mo kasalanan ang nangyari sa'yo. You pushed yourself too hard!" nanlalaki ang mga mata ng kuya niya.

Manghuhula na nga yata ang Kuya niya. Akalain ba niyang sasagutin na nito ang katwiran niyang nasa isip pa lang naman niya.

"Sorry na nga. Napakarami ko kasing tinapos nitong nakaraang linggo kaya---"

"At huhulaan kong nagdadala ka ng trabaho pati rito sa bahay?"

"I did a couple of times only---"

"Sasakalin talaga kitang babae ka eh!" nanggigigil na sabi ng Kuya niya. "Anong sasabihin sa akin ni Mommy kapag nalaman niyang napapabayaan kita!"

"Kuya, I'm 25 already! You don't have to baby sit me because I can take care of myself!" mataas din ang boses na sabi niya rito.

"Ah kaya ba nawawalan ka na lang ng malay kung saan saan?" kastigo nito sa kanya.

"That was another story. Pagod lang ako tapos nakita ko pa si Darwin. Nakadagdag pa siya sa stress ko."

"At isinisi mo pa talaga kay Darwin? The guy saved you when you were about to ruin that face of yours the moment you hit the floor! The least thing you could have done is to say thank you!" nanlilisik ang mga matang sabi ng kapatid.

"Eh kasi naman---"

"You're grounded..." ang sabi ng kapatid niya.

"Okay lang. I'm not even a person who likes the night life." Kibit-balikat na sabi niya.

"From the office." Dugtong nito na nakapagpalaki sa mga mata niya.

"What?!"

"You heard me. You won't be going at the office for a while." Ang malamig na sabi ng kapatid.

"But Kuya, I'm an Operations Director! You can't just kick me out whenever you want to" protesta niya.

"I can because I'm the CEO." Giit ng kapatid niya. "I'll be the one filing your leave."

"Pero Kuya tambak pa ang trabaho ko!"

"I'll be taking care of that as well" ang simpleng sagot ng kapatid niya.

"And what should I do while on leave? Tumunganga rito sa bahay?" nanlalaki ang mga matang sabi ng kapatid niya. "Alam mong hindi ako napipirmi nang walang ginagawa!"

"Get a vacation somewhere."

"I don't need a vacation. I need work!" pilit pa rin niya.

Saglit na nag-isip ito pagkatapos ay bumuntong-hininga.

"Fine!" tila sumusukong sabi nito. "You go to our hacienda at Bataan. Pamahalaan mo ang hacienda habang nasa bakasyon ka."

"What?" gulat na sabi niya. "Is that even work?"

"Trabaho iyon dahil kasama iyon sa mga negosyo natin. Isa pa may bago tayong magiging kasosyo. You help him with the work there while you're on vacation. Nandoon din si Lola para paluin ka kapag nagpakalunod ka na naman sa trabaho."

"But---"

"No buts! You go there or I'll just kick you out from the company, for real?" putol nito sa tangkang pagrereklamo pa niya.

"That's even more unfair!" protesta niya.

"I am the company's CEO, if I may remind you."sabi nito

Bumuga siya ng hangin dahil sa frustration gayun pa man ay alam niyang wala na siyang magagawa pa.

"Fine!" sabi na lamang niya. One week would not hurt, right? "When will I be going there?"

Falling for Mr. Wrong (Completed/Soon To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon