- 8 -

5K 109 6
                                    


INILAPAG ni Myla ang isang tasa ng mainit na tsokolate sa center table sa tapat ng kinauupuan ni Darwin. Agad naman itong nag-angat ng tingin sa kanya habang abala pa rin ang kamay nito sa pagpapatuyo sa basa pang buhok nito gamit ang maliit na towel.

Magdidilim na nang makauwi sila nito galing sa palayan. Mukha pa silang mga lamang-lupa dahil sa putik na kumapit sa katawan nila kaya naman naglinis din sila agad. Nang matapos ay inabala naman niya ang sarili sa paggawa ng mainit na tsokolate. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay obligasyon niyang siguruhing hindi ito magkakasakit dahil in the first place naman ay siya ang nagtulak rito papunta sa putikan.

Napagalitan pa nga sila ng Lola niya dahil kung anu-ano daw ang naiisipan nilang gawin samantalang ang tatanda na nila. Mabuti na lamang at ipinaliwanag ni Darwin rito na aksidente ang nangyari sa kanila. Kinabahan pa naman siyang baka isumbong siya nito. He was a gentleman, afterall.

Umupo siya sa single seater sofa na naroon at sumimsim sa sarili niyang tasa ng tsokolate. Nanatili naman itong nakatingin sa kanya. Bahagya siyang nailang.

"What?" tanong niya na itinago ang pagkailang sa iritadong boses.

"Wala ka namang inilagay na lason riyan 'di ba?" ininguso nito ang tasang inilapag niya.

"Anong tingin mo sa'kin, kriminal?" taas ang kilay na sabi niya rito.

"Laxatives?" tanong muli nito.

"Of course not!" bagaman naisip na rin niyang gawin iyon noong mga panahong bwisit na bwisit siya rito.

"Gayuma?"

"Kung ayaw mo eh 'di 'wag! Madali naman akong kausap." Sabi niya at akmang kukunin na ang tasa nang mauna itong damputin iyon at ilayo sa kanya.

"Sinong may sabing ayoko?" sabi nito saka inilapit ang bunganga ng tasa sa mga labi. Ngunit bago sumimsim ay muli siya nitong binalingan. "Sigurado kang walang gayuma 'to ahh."

"Darwin..."

"Kidding. " nakangisi nang sabi nito saka sumimsim na sa inumin nito. "And you won't be needing that anyway." Bulong nito. O tama nga ba ang dinig niya?

"What?" kunot ang noong tanong niya.

"Nothing." Simpleng sagot nito bagaman hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng gilid ng mga labi nito. Was he smiling?

Ipinagwalang bahala na lamang niya iyon saka itinutok ang tingin sa nakabukas na telebisyon habang inabala naman ang bibig sa pag-inom ng mainit na tsokolate.

"Thanks for this." Narinig niyang sabi nito maya maya.

"Don't thank me. It's a peace offering." Mahinang sagot niya habang hindi pa rin ito tinitingnan.

"Peace offering?" tanong nito. "Uso ba iyon sa'yo?"

"Minsan lang 'yan, kaya enjoy-in mo na." sagot niya rito. "Besides, it was really my fault you got thrown in the mud pool."

"True enough." Tatangu-tangong sabi nito. "But it was not really that bad."

Awtomatikong lumipad ang tingin niya rito.

"Swimming at the mud pool was not bad?" nagbibiro ba ito? He looked like he was really annoyed when he found himself drenched in mud.

"Swimming alone was bad, but you being there with me was a different story. It was fun." Sabi nito saka ngumiti. It was a smile and not a playful grin. A genuine smile. She was stunned for a moment.

Tumayo na ito bitbit ang tasa nito at ang towel nito. Nagulat pa siya nang basta na lang nito ibagsak ang towel nito sa basa pa ring buhok niya.

"Tuyuin mo ang buhok mo." Narinig niyang sabi nito. "Ayokong magkasipon ka. Malamig pa naman rito." Naramdaman niya ang bahagyang pagkusot nito sa towel na nasa ulo niya. "Don't get sick, bansot."

And then he was gone. But the effects he left her remained. Nasapo niya ang dibdib dahil sa patuloy na pagwawala niyon. It was definitely not normal. What was happening to her, for real?!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear Readers,

I'm sorry for this sudden notice but I would like to inform you that I have transferred the full story of "Falling for Mr. Wrong" to  d r e a m e  app, along with the rest of my novels. All future works would also be available on the aforementioned site.

In case you are interested in reading my novels, you should be able to find me by searching my pen name: Carla Reiko on the site.

I'm so sorry kung meron man pong magtatampo or sasama ang loob but I believe this is something I have to do for my growth as a writer. Thank you for your understanding and I hope you will still support my works.

Thank you and I love you all!

- Carla Reiko <3

🎉 Tapos mo nang basahin ang Falling for Mr. Wrong (Completed/Soon To Be Published Under PHR) 🎉
Falling for Mr. Wrong (Completed/Soon To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon