Chapter 23

83 4 0
                                        

Chapter 23

Mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng bahay. May halong ka ba din dahil alam kong baka nandito na si Mommy. Pero wala akong pagsisising nararamdaman. I love him.

"Where have you been?!" halos mapatalon ako sa lakas ng alingaw ngaw ng sigaw ni Mommy. Agad akong kinabahan ngunit dumaretso lamang ako sa lakad ko na para bang walang naririnig.

Isang malakas na higit sa braso ang naramdaman ko galing sa kanya. Masakit, pero hindi ko na maramdaman dahil sa sobrang daming masasakit na bagay na ang natamo ko sa kanya bilang ina.

"Nawala ka lang ng isang gabi, naging bastos ka na!" matalim ang tingin niya sa akin, samantalang isang malamig na tingin lang na tingin ang iginawad ko sa kanya.

"Saan ka nagpunta kagabi?! Bakit hindi ka umuwi?! Bakit ngayon ka lang?! Kasama mo ba ang Arlan na iyon?! Hindi ba't sinabi kong layuan mo ang lalaking iyon?!" may kirot akong naramdaman sa aking puso sa sinabi ni Mommy. Agad na may namuong galit sa dibdib ko.

"Ano naman ngayon kung si Arlan ang kasama ko?! Mas masaya pa nga ko pag sya kasama ko, kesa sayo!" isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Mommy.

"Walangya ka talagang bata ka! Anong ginawa nyong dalawa ha?!" hindi ko ininda man lang ang sampal niya. I smirk at her.

"Well. Nagpakasaya lang naman ako kasama ang taong mahal ko." matapang na sabi ko. This time, isang mag asawang sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Agad na nag-init ang mata ko, nagbabadya sa pag iyak.

"Walang hiya ka! Wala ka talagang modo! You're just like your mother! Masyadong nalunod sa pagmamahal! And now, you're a prisoner of stupid love too? Hanggang kailan ba titigil iyon? Every generation nalang ba?" hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Nakita ko ang pag iling niya na para bang nadidisappoint sa akin.

"Inalagaan kita, binihisan, pinalaki ng maayos sa pag aakala kong hindi ka gagaya sa nanay at lola mo. But you disappointed me." umiling iling ako. Hindi ako naniniwalang hindi niya ako anak at iba ang nanay ko.

Oo, naging malupit sya sa akin at hiniling kong sana hindi ko nalang sya naging nanay. Pero masakit pala pag nandun ka na sa point na malaman mong hindi mo nga sya ang iyong ina. Nag uunahan sa pagtulo ang mga luha ko, parang pinipiga at dinudurog ang puso ko.

So kaya pala ganoon nalang minsan ang turing niya sa akin? Na kaya mas laging pabor sya kay Jane ay dahil iyon talaga ay tunay niyang anak? Na kaya pala medyo malupit din sya sa akin dahil hindi niya talaga ako anak. Paano? Anong nangyare sa lola at mama ko?

"Hindi ka makapaniwala noh? Don't worry, we're blood related. Para na ding ako ang nanay mo dahil kakambal ko sya." halata mo ang pait sa kanyang pananalita. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan sya, may galit na lumabas sa kalooban ng aking dibdib.

"So tita lang pala kita ehh." mapakla kong sabi sa kanya. Umiling iling pa ako at medyo na tatawa kahit na ang totoo hindi ko na kaya.

Tangled in You: Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon