Chapter 27
Tahimik lang ako nakatingin sa sing sing na nasa kamay ko. Isang buwan na din simula ng nagpropose sa akin si Arlan. Okay naman. Masaya naman kami, madalas sa kanila ako natutulog, minsan naman hindi. Busy din sya sa trabaho ehh. May resort sila rito sa Pangasinan, at sa iba pang lugar.
Mag-isa ako ngayon kasi may kailangan syang asikasuhin sa resort, kaya naiwan akong mag isa dito sa kanilang bahay.
Isang malakas na hangin ang dumapo sa akin balat. Nandito ako sa batuhan kung saan naging kami ni Arlan. Yes, dun sa may pabangin.
"So totoo palang nandito ka na? Bakit bumalik ka pa?" agad akong napalingon ng may babaeng nagsalita sa likod ko. Tinitigan ko pa ito para maalala sya. Allison. Agad ko syang tinaasan ng lilay.
"Sa tingin mo ba, bakit?" nakita ko ang pagtalim ng mata niya sa akin. Pero hindi ako nagpatinag doon.
"Iniwan mo na sya diba? Bakit ka pa bumalik?" napairap ako sa tanong niya.
"Simple lang, because I love him." lalong tumalim ang tingin niya sa akin
Agad akong nakaramdam ng kaba. Natakot na baka bigla akong sugurin nito at itulak sa dagat. Naku, pag nangyare iyon ay hindi na matutuloy ang kasal namin ni Arlan.
Agad akong naglakad palayo doon, ng medyo malayo na ako doon ay agad kong naramdaman ang malakas na pag hila sa akin ni Allison.
"Dyan ka talaga magaling ehh, noh? Ang mang iwan nalang bigla! Bakit kasi bumalik ka pa?! Okay na si Arlan! Okay na kami! But fuck! You came back!" napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Ewan ko pero nawalan ako ng lakas para lumaban sa kanya.
May kirot akong naramdaman. Kung hindi ako bumalik sila? Paano? Impossible. Wala namang sinasabi sa akin si Arlan. Pero hindi naman ako nagtatanong ehh.
"Bakit hindi ka makaimik? Hindi ka makapaniwala? Huh? Ako yung nandyan para kay Arlan nung nawala ka. Ako yung naging kadamay niya hanggang sa grumaduate ng College. Doon ako nagtrabaho sa resort nila, lagi niya akong niyayang mag dinner and you know what happened next." umiling iling ako sa sinabi niya. Hindi ako nininiwala. Alam ko sinisiraan lang niya kami ni Arlan, iyon naman sya ehh. Ganyan na sya dati.
Agad kong binawi ang braso ko sa kanya.
"Shut up, Allison. Tigilan mo na kami ni Arlan. Masaya na kami. Magpapakasal na kami, kaya pwede ba!" imbis na magalit syang lalo sa akin ay umiling at tinawanan niya lang ako. Agad akong naguluhan sa kanya.
"No, Elle. Hindi ka papakasalan ni Arlan. Ako ang papakasalan niya. See?" nanlaki ang mata ko ng ipakita niya sa akin ang kamay niyang may sing sing na katulad ng sa akin.
Like what the hell?! Paano naging katulad ng sa akin. No, hindi gagawin to ni Arlan sa akin.
So sobrang gigil ko ay itinulat ko sya.
"That's fits for you, bitch!" sigaw ko sa kanya. Pero bigla din akong naguilty ng makita ang pagngiwi niya sa sakit. Parang gusto ko syang itayong muli.
"Fuck! Elle! Malalagot ka pag namatay ang baby ko!" nanlaki ag mata ko ng may dugo sa kanyang hita. Nag umpisa sa pag iyak si Allison, samantalang ako ay natulala. Hindi alam ang gagawin.
"Lagot ka kay Arlan!" sunod sunod ang naging iling ko sa sinabi niya. Parang gusto kong umiyak sa guilt at sa sakit na nararamdaman ko.
Magkaka baby sila ni Arlan?
"Elle! Anong nangyare?" matauhan ako ng biglang sumulpot si Jack, isa sa mga naging kaklase namin noong highschool. Sinabi ko lahat ng nangyare, sya din ang tumulong kay Allison papunta sa pinaka malapit na clinic. Hindi ako nakasama dahil sa pagiging lutang ko.
Tulala lang ako pag uwi ko sa bahay. Para bang ang hirap isink in sa utak ko ang mga nangyare. Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ng something kay Arlan at Allison habang wala ako. And worst magkakababy pa sila! Agad na nag init ang mata ko, kasunod noon ay ang pagtulo ng luha ko.
"Anak, anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak?" walang sabi sabing niyakap ko si Manang ng sumulpot sya sa aking tabi. Sa kanya ako umiyak at inilabas ang sama ng aking loob.
"Nay, dinugo si Allison kanina, naitulak ko ho sya. Nay, buntis daw sya at si Arlan ang ama." humagulgol ako ng iyak pag kasabi ko noon. Parang pinuounit ang puso ko sa sakit.
"Shh. Wag kang maniniwala sa Allison na iyon. Lagi iyong nachi-chimis na kung kani kaninong lalaki sumasama. Tsaka wag kang maniniwala kung hindi kay Arlan galing." lalo akong napahagulgol ng maalala ang sing sing na suoy ni Allison.
"Pero nay, may suot si Allison na sing sing na katulad ng sa akin." naramdaman ko ang paghaplos ni Manang sa buhok ko.
"Anak, kausapin mo muna si Arlan, bago ka mag isip ng kung ano ano. Baliw lang ang Allison na iyon. Kaya anak, tumahan ka na." hindi agad ako tumahan, tumagal pa ang pag iyak ko hanggang sa makatanggap si Manang ng tawag galing kay Arlan.
Ilang sandali pa ay nandito na din si Arlan. Hindi ko sya pinansin ng umupo sya sa tabi ko, hindi ko mapigilan ang aking hikbi dulot ng pag iyak ko kanina.
"What makes my baby's cry?" muli akong napaiyak ng marinig ko ang word na baby sa kanya.
Naalala ko na naman ang baby ni Allison. Kamusta na kaya sya? Kamust na ang baby? Naguguilty ako dahil pinatulan ko pa sya.
Agad kong naramdaman ang yakap ni Arlan na lalo kong ikina iyak. Pakiramdam ko hindi niya dapat ako dinadamayan.
"Baby, what happened? Tell me." agad akong umiling. Natayalot ako sa agiging reaksyon niya pag sinabi ko iyon.
Napatigil ako sa pag iyak ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya. Para akong natutunaw sa mga tingin niya isabay pa ang pagkain sa akin ng guilty.
"Now, baby. Tell me. What's bothering you?" muli akong napaiyak sa tanong niya.
"Nagkita kami ni Allison." nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Parang nawala ang puso ko. Sa nakita ko parang may something sa kanila ni Allison.
"Anong sinabi niya sayo?" nakita ko ang pagtiimbagang niya. Lalo akong napaiyak.
"She said, you'll marry her. We'll had a same ring." hindi ko na napigilan ang pag hagulgol ko. Paulit ulit na nag pa-flashback sa isip ko ang pagkatulak ko sa kanya kanina at ang dugong dumaloy sa kanyag hita.
"Shit! Ano pang sinabi niya sayo?" agad niya akong niyakap para mapatahan ako, pero lalo lang akong napaiyak.
"Sinabi niyang magkakababy na kayo. At tinulak ko sya, dinugo." nanginginig ako sa takot. Sa takot na baka iwan niya ako bigla at puntahan si Allison dahil sa nangyare sa baby nila.
"W-What? She's what?" pag uulit niya. Tila ba hindi narinig ang sinabi ko.
"She's pregnant and you're the father." I felt him stiff to what I said.
Bakit Arlan? Bakit ka natigilan? Ikaw ba talaga ang ama?
BINABASA MO ANG
Tangled in You: Book 1 (COMPLETE)
RomantikSi Jeanelle Chua, ay isang babaeng kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Kahit pa ang tumakas sa araw ng engagement party para lamang bumalik sa lugar kung nasaan ang kaniyang minamahal. Kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pabalik din ng mga a...
