ARA P.O.V
KITANG-KITA ko yung gulat at pagtataka sa mukha ni Kuya nang makita ang umbok ng tiyan ko. Nanginginig na ako kaya napahawak na ako kay Karen. My god...
Takot na takot ako, tila ako kinakapos sa hangin at hihimatayin. Andito na si Kuya... andito na yung ama ng anak ko. Pero di niya dapat malaman na anak niya 'to. Wala na akong madinig kundi ang malakas na kabog ng puso ko, my legs are shaking kahit na pilit kong tinatatagan ang loob ko. Gusto ko ng tumakbo paalis, palayo dito kasi hindi ko siya kayang harapin.
Tila ba saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundoo pero ang mga luha ko ay tuloy-tuloy ng bumabagsak. Nanlalamig ang buong katawan ko, I'm so scared. Parang hindi ko yata kayang makita ang galit at sakit sa mga mata niya. Sabik na sabik na ako sa kanya, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Miss ko na siyang makasama. Malamig lang ang tingin niya sa luhaan kong mukha.
"Anak—" anas ni Tita, bakas din ang kaba sa mga mata niya. Napahawak siya sa braso ni Kuya. "A-Anak... anak kasi si Ara—pananagutan naman siya ni Kevin eh."
Napababa ako ng tingin nang bumakas ang gulat sa mga mata niya, kuyom na kuyom ang mga kamay niya at mas lalong naging tila yelo ang tingin sa akin. Impit akong napahagulhol, ayoko na.
"J-Jeff... alam ko na magagalit ka sa pinsan mo pero ana pamangkin mo na din yung dinadala niya eh. Alagaan nalang natin ha?" masuyo kong pahayag ni Tita, napapalunok pa siya. Mas lalong nadurog ang puso ko kasi alam kong pati si Tita ang naiipit sa sitwasyon.
"Sinong sabi mo yung ama ng dinadala niya?" sa wakas ay walang emosyon na tanong ni Kuya.
"Si K-Kevin."
Nanatili akong nakayuko, di ko kayang tingnan ang reaksiyon niya. Ayokong makita na nasasaktan siya. Ayokong makita ang anumang hapdi na makiraan sa mga mata niya. Saglit na katahimikan ang namayani, napa-angat ako ng mukha. Nanlisik ang mga mata niya pero nanatiling nakatikom ang mga bibig niya.
Mas lalo akong nakadama ng takot, his eyes—weren't just angry, they were broken and betrayed. "K-Kuya—" bulong ko at hahakbang na sana palapit sa kanya nang umatras siya.
"No...No! FUCKING NO!" he shouted. Napakislot ako sa gulat, tila walang paglagyan ang galit sa mga mata niya. Namumula ang mukha niya sa galit, napakamot siya sa batok na tila hindi alam ang gagawin. Napatingala siya, tiim na tiim ang bagang.
Silence.
His silence is killing me more, he wasn't yelling—but that made it worse. He was so mad and devastated that he didn't even know what to say. He look like he wanted to full grasp the situation, his fists were clenched at his sides, knuckles pale, veins pulsing like something inside him was begging to explode.
Nakuyom ko ang mga palad ko. "K-Kuya—"
"WHAT?!" he shouted, napahagulhol ako. "You betrayed me! You fucking betrayed me! I trusted you! Do you even understand what that meant? Shit! Shit!"
"Anak tama na!" awat na ni Tita nang pagsuntukin na niya ang pinto. Malakas na umiiyak si Tita at tila mga kutsilyo ang mga yun na tumutusok sa puso ko.
"PUTANG-INA NIYONG LAHAT!! BAKIT NIYO TO GINAWA SA AKIN HA??"
Napayakap na ko kay Karen kasi parang bibigay na ako. Sumusuko na lahat ng lakas na meron ako sa katawan ko.
"BAKIT?! MOM BAKIT? NAWALA LANG AKO NG ILANG BUWAN PAGBALIK KO NABUNTIS NA SIYA NG IBA?!"
Alam kong sobra ko siyang nasasaktan ngayon, wala na din siyang pakialam kung ano man ang nasasabi niya sa labis na galit niya. Gusto ko siyang lapitan at sabihin na siya ang ama ng dinadala ko, ayoko...ayoko siyang saktan kasi doble yung balik sa akin.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomansaMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...