Andito na naman ako sa special place namin, last time na nandito ako malungkot. Sasabihin ko na kay lohan na aalis ako, tinanggap ko na yung alok nila mama na mag masteral ako sa States.Alam kong malulungkot yun kasi malayo ang states at hindi kami magkikita. Ako din naman, iniisip ko palang parang naiiyak na ako e.
"Jegi"
Napatalon naman ako sa gulat.
"L-lohan, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko.
Umiling nama ito "nope"
Tumango naman ako
"Gusto mong bili muna tayo fishball?" Tanong nito
Tumango naman ako at ngumiti "Sige!"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta kay kuyang nagtitinda ng fishball
"Kuya dalawang sampo nga po sa fishball tapos dalawang gulaman po" sabi ni lohan
Tinignan ko si lohan sa mukha, mamimiss ko to. Mamimiss ko yung paglalambing niya, yung mga ngiti niya. Sobrang mamimiss ko to.
"Gwapo ko ba?" Tanong nito na nagpabalik sakin sa realidad
Ngumisi ako at kinurot ang pisngi niya " Sobra" sabi ko
Ngumiti siya sakin at hinapit ang katawan ko sakanya.
"Oh ito na" sabi ni kuya at binigay samin ang fishball at gulaman
Umupo kami sa usual spot namin, ang swing. Pinaupo niya muna ako at marahang iniswing, tapos umupo na din siya sa katabi.
Then there's silence, walang umiimik sa amin. Mas kinakabahan tuloy ako. Inubos ko ang kinakain ko at huminga ng malalim
"Lohan" panimula ko
"Hmm?"
"M-may sasabihin ako...")
Tumingin naman ako sa kanya, at nakatingin nadin siya sa akin ng seryoso ang mukha.
"Ano yun?" Tanong niya.
Huminga ulit ako ng malalim at hinarap siya.
"Aalis ako" Sabi ko ng labas sa ilong.
"San? Sama ako, samahan kita" sabi nito na mas lalong nagpalungkot sa akin
Naguulap na din ang mata ko na anytime babagsak ang luha ko.
"N-no lohan" garalgal na ang aking boses at parang may bumabarang bato sa aking lalamunan
"San punta mo?" Tanong nito hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito
"Iiwan mo na ba ako?"
Napaiwas naman ako ng tingin. Tumingin ako sa taas para pigilan ang luha.
"L-lohan im sorry" sabi ko at bumuhos ang luha ko.
Tumayo naman siya mula sa pag kakaupo at lumapit sa akin, nag isquat siya para pantay ang level ng mukha namin.
"Shh, stop crying. Lagi ka nalang umiiyak ng dahil sakin" pag alo nito
Di ko mapigilan, kasi duhh ibang bansa yung pupuntahan ko sobrang layo hindi lang divisoria yun na pwedeng puntahan mo araw araw.
"Sorry, ngayon ko lang sinabi. T-tinanggap ko yung alok nila mama sa akin na pumuntang states para sa masteral. Sorry lohan" sabi ko ng humihikbi
Niyakap niya ako at inalo alo
"Ok lang, im always here to support you. Ok? Kaya natin yan, isipin mo nalang na isa to sa challenges sa relasyon natin." Sabi nito
Humikbi ako at kumapit sa tshirt niya.
"Mamimiss kita Lohan, sobra." Sabi ko
"Ako din, mamimiss kita iyakin kong girlfriend" sabi nito
Then there's laughters.
"Lohan..." sabi ko
Nakayakap pa din ako sakanya.
"Hmm?"
"Bukas na alis ko" sabi ko.
"I know, sinabi na sa akin ni tita" sagot nito.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit
"Di kita mahahatid bukas ah labs. Baka kasi di ko kayanin e, pero sila maye tsaka neo nandun." Sabi nito na mas lalong nagpalungkot sa akin.
"Di ko kayang makita kang umaalis. Di ko kaya yun, baka di na kita paalisin. " sabi nito
I sighed, uhh i love this man!
Nilagay ko ang kamay ko sa buhok niya at pinaglaruan ito.
"Ok lang, i understand." Sabi ko
We stayed there for a minute
"Tara na, iuuwi na kita. Maaga ka pa bukas" sabi nito
At Magkahawak kamay kaming umalis.