CHAPTER 2 (BYE MORTAL WORLD)

181 15 0
                                    

Keyla's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam pero parang may kumakalabit sa may paanan ko.

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo, bumaba ako para kumain. Pagbaba ko, nakita ko si mommy na nakaupo sa may living room.

“Nak, halika nga.” tawag ni mommy sa akin kaya lumapit ako sakanya.

“Bakit mommy?” tanong ko. Ano kayang kailangan ni mommy?

“Mag-impake ka pagkatapos mong kumain, may pupuntahan tayo.” I hissed. A sly smile flashed on mommy's face.

“Huh? Bakit naman mommy? May surfing competition pa kami ngayon.” sabi ko kay mommy na may halong gulat at pagtataka.

“Kaya pumunta dito sina Julia kagabi kasi pinagpaalam na kita sa kanila. Sila na ang magpapaliwanag sa Coordinator niyo.” sabi ni mommy. Sinasabi ko na nga ba. Hindi kayang magsinungaling ni Raika.

“Ugh, okay.” Padabog akong umalis. Pumunta ako sa dining room at kumain. Hindi nalang ako umangal pa kasi hindi din naman ako pakikinggan ni mommy.

After kong kumain ay umakyat na ako at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.

Habang nag-iimpake ako, biglang sumagi sa isip ko kung saang lugar kami pupunta. Pero sumagi din sa isip ko na hindi din ito sasabihin sa akin ni mommy. Malalaman ko naman kung saan ito kapag nakadating na kami sa pupuntahan namin.

Habang inaayos ko ang damit ko sa bag, nakita ko ang surfing board ko na nakasandal sa gilid ng bed ko. Pwede ko kayang dalhin 'to?

Binilisan ko ang pag-impake at dinala sa baba lahat ng bags ko at pinuntahan si mommy sa kwarto niya.

“Mommy?” katok ko sa pinto ng kwarto ni mommy.

“Pasok.” sabi niya sa kabila.

“Bakit ka pumunta dito? Anong kailangan mo?” tanong agad ni mommy pagpasok ko palang. Mahigpit niya kasing ipinagbabawal na pumunta o pumasok ako dito sa kwarto niya.

“Mommy, pwede ko bang dalhin ang surfing board ko?” Tanong ko. Nag-aalangan ako kasi baka hindi siya pumayag.

“Sure. May beach din naman doon.” Sagot agad ni mommy kaya napatalon ako sa tuwa.

“Yes!” pasayaw-sayaw akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang surfing board saka bumaba.

Pagbaba ko, nakita ko si mommy na nakaupo na sa sofa at may kausap sa phone niya. Pagkakita niya sa akin ay agad din niyang tinapos ang tawag.

“Okay, see you later!” nakangiting humarap sa akin si mommy.

“Anak, excited ka na bang malaman kung saan tayo pupunta?” hyper na tanong ni mommy. Ano pa nga ba mommy?

“Kanina pa po.” sagot ko naman.

“Oh, edi halika na't aalis na tayo! See you soon my dearest and precious old school!” excited nga ata talaga si mommy. Nacurious tuloy ako bigla kung saan ba kami pupunta ni mommy.

Umalis na kami sa bahay na dala ang mga baggage na damit namin ang laman. At dahil hindi kasya ang surfing board ko sa loob ng kotse, sa labas na lang inilagay ni mommy at tinali sa roof ng kotse.

And the ride goes on.

________________________________

“Mom, saan ba kasi tayo pupunta? Ang sakit na ng puwet ko kakaupo.” Pagmamaktol ko kay mommy for the nth time. Kanina pa kasi kami pero hindi pa rin kami humihinto. Huwag niya lang sabihin na trip niyang magroad trip.

“Wait lang, Keyla. Malapit na tayo.”

“Baka ayaw mo lang sabihin mom. 'Yon pala, naliligaw na tayo.” sabi ko sabay lagay ng headset sa tenga ko.

Inilipat ko ang tingin ko sa bintana ng kotse. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko siya ng maigi.

I saw an old lady wearing a gray cloak and her whole face was covered with a black-striped scarf.

Nakakakilabot ang aura na nafefeel ko against doon sa babae. Ibinaling ko nalang ang attention ko sa kabilang part ng daan at ilang saglit lang ay pumikit ako para umidlip na muna.

_______________________________

Binuksan ko ang mga mata nang may mapansin akong may kumakalabit sa akin.

“Anak, we're here.” nakangiting sabi ni mommy. Napabalikwas ako at umupo para obserbahan ang paligid.

Nasa isang beach resort kami ngayon nakapark. Pero wala namang ibang tao dito maliban sa aming dalawa ni mommy.

“Mommy, nasaan tayo? I thought sa isang siyudad mo ako dadalhin.” tanong ko kay mommy.

“No, dear. Dito lang tayo nagpark kasi baka may makasunod sa atin at malaman pa nila ang lugar na 'yon.” sabi ni mommy. Napataas ang kilay ko.

“So, saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko ulit.

“You'll see it soon, Keyla.” kalmadong sabi ni mommy. Bumuntong hininga na lang ko. Kanina niya pa sinasabi iyan at halos mairita na ako.

Lumabas na muna ako ng kotse at nilibot ang tingin sa buong resort. Ang ganda naman dito. Ang sarap tuloy mag-surfing.

Bumalik ako sa kotse at tinanong si mommy kung pwede bang mag-surfing muna. Pero nasa labas lang ng kotse si mommy.

“Mommy pwede bang magsurfing muna ako?” tanong ko.

“No, mamaya na kapag nakarating na tayo sa main destination natin.” sabi naman ni mommy.

“Okay.” bumalik na lang ako sa loob ng kotse habang si mommy ay nasa labas parin.

Maya maya pa ay biglang nagbeep ang phone ko na nasa loob lang ng sling bag ko.

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

“Hello? Sino 'to?” hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.

“Si Raika ito, 'no! Kasama ko sila ngayon sa competition. Nga pala, Keyla. Nasaan ka?” Si Raika pala itong tumatawag.

“Uh, nasa isang resort kami ngayon ni mommy. Hindi ko nga alam kung saang banda ng mundo itong resort na ito, eh.”

“Ah, sige. See you later na lang, tinatawag na kami.” Sabi niya sa kabilang linya.

“Ah, Raiks. Mukhang hindi na muna ata tayo magkiki–ta.” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binaba na ni Raika ang tawag.

“Hayst.” napabuntong-hininga na lang ako sabay tingin sa kawalan.

After some minutes, pumasok sa loob ng kotse si mommy pero hindi sa driver's seat kundi sa passenger's seat.

“Mom, bakit diyan ka uupo? Sino ang magdadrive?” napaayos ang upo ko ng wala sa oras bigla.

“Hindi ba pwedeng uupo muna ako dito nang matawagan ko ang susundo sa atin?” alam niyo, minsan ang sarap batukan nitong nanay ko, pilosopo kausap. Pasalamat siya mahal ko siya.

“Sabi ko nga.” kinuha ko nalang ang headset ko at nagsimulang makinig ng mga kanta.

Ilang minuto ang lumipas ay nagdahan-dahang pumikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

To be continued.

ARIA ACADEMY: School Of MagicsWhere stories live. Discover now