CHAPTER 29.2 (PREPARATIONS)

44 9 0
                                    

Keyla Hyde's POV

Pagkatapos naming kumain ay tinalaga kaming mga high-ranked students para sa dekorasyon ng campus kaya agad kaming nagsimulang gumawa ng mga pangdisenyo.

Mabilis lang kaming natapos sa pagdedecorate ng campus kasi humingi kami ng tulong sa kapwa namin senior students.

Ramdam ko na ang simoy ng Sports Fest dahil sa mga palamuti na nakadisenyo sa buong school.

Pagkatapos namin ay pinapunta kaming lahat sa Dining Hall. suriin ang paligid kasi nagkagulo dito noong araw na 'yon.

May stage na naka-setup sa harap ng Dining Hall. And obviously, nasa pinakagitnang harapan nakapwesto ang table namin. Umupo na kaming lahat at hinintay ang susunod na mangyayari.

May lumabas na babaeng nakacloak na kulay abo mula sa back stage at tumayo sa harap ng microphone. Si Ms. Kayee.

“Magandang hapon, Arians. Hindi ko na patatagalin ang usapan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na magsisimula ang isang linggong Sports Festival natin sa darating na Lunes. Nakapagpalista na ba kayo sa mga clubs na gusto ninyong salihan?” anunsyo nito. Sumagot naman ang lahat.

“Opo.”

“Mabuti. Alam niyo na din ang mga panlarong gabay, hindi ba?” tanong ulit ni Ms. Kayee na sinagutan naman nila ng “Opo”.

Kumunot ang noo ko dahil doon, “Anong gabay?” tanong ko kay Ace na katabi ko. Napatingin naman siya sa akin.

“Makinig ka na lang.” maikling sagot niya kaya napasimangot ako. Nakinig na lang ako ulit kay Ms. Kayee.

“Para sa mga freshmen at transferees, babasahin ko ang panlarong gabay ng Sports Fest. Una, hindi pa man nagsisimula ang laro ay kailangan ninyong maglaan ng 30% ng inyong mahika. Sapagkat kapag nagsimula na ang Sports Festival, ang 30% na iyon ang magsisilbi ninyong buhay para sa mga sport/s na sasalihan niyo. Pangalawa, kailangan niyong protektahan ang 30% na iyon para manalo. At panghuli, kapag nanalo kayo sa laro, 'yong 30% na mahika ng kalaban mo ay mapupunta sa 'yo. Pero kapag natalo ka, kabaligtaran ng mangyayari sa nanalo ang sitwasyon mo.” Pagpapaliwanag ni Ms. Kayee.

“Ipapaliwanag nina Ms. Keanna at Mr. Alexander ang ibang detalye.” Sabi niya at binigay ang microphone kina Ms. Keanna.

“Magandang hapon.” pagbati nilang dalawa. Bumati din kami pabalik.

“Tungkol sa tradisyunal na pagdiriwang ng Sports Festival, tulad ng ginanap noong nakaraang taon, magkakaroon ng espesyal na laro sa darating na Huwebes.” Pagsisimula ni Sir Alexander. Agad na umingay ang paligid pati na rin ang mga kasama ko sa mesa. Itinaas ni Ms. Keanna ang kamay niya. Tumahimik naman ang lahat.

“Mayroon lamang pagbabago sa espesyal na laro sa taong ito. Noong mga nakaraang taon ay pumipili tayo ng representative sa kada section para maglaro. At ang magiging kalaban ng student bud ay ang Royal Trends.” Dugtong ni Ms. Keanna. Umingay na naman ang buong paligid. Halos lahat ay excited sa mga magaganap sa Sports Fest.

“Pero hindi lang 'yan. Alam ng lahat na mas malaking porsyento ang inilalaan ng Royal Trends dito. Kalahati ng kanilang kapangyarihan! Malaking pinsala 'yon. Ngayon, para sa mga representatives, ibigay ang lahat ng inyong makakaya!” Masiglang anunsyo ni Ms. Keanna. Ramdam ko ang kaba at pagkasabik sa paligid. This time, si Sir Alexander naman ang nagtaas ng kamay. Tumahimik ulit ang lahat.

“Paalala lang, huwag ninyong minamaliit ang kakayahan ng kalaban ninyo lalo na kapag ito ay isang Royal Trend. Ang importante, ay naaliw kayo.” dagdag niya. Napangiti ako. After all, hindi naman pala competition ito.

ARIA ACADEMY: School Of MagicsWhere stories live. Discover now