CHAPTER 30 (SPORTS FEST)

44 6 0
                                    

Keyla Hyde's POV

[Monday Dawn/ 3:00 a.m]
[First day of Sports Fest]

This is it. Today is the day. Excited na talaga ako para mamaya. Alas tres pa lang ng madaling araw pero gising na gising na ako.

Naghuhugas ako ng pinagkainan ko ngayon. Pagkatapos ay umakyat ako papunta sa kwarto para magbihis ng two piece swimsuit at para kunin ang surfboard ko na halos apat na buwan ko nang hindi nagagamit. Nang makuha ko na ito ay dumiretso ako sa pool area.

I set the pool waves into sea-moderate waves. Iyong sakto lang para makapagsurfing.

Nagwarm-up muna ako sandali tsaka nagsimulang magpractice. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nagsusurfing ako lalo na kapag ganito kalakas ang mga alon. Kahit artificial waves lang ito.

Naalala ko tuloy 'yong mga time na nasa mortal world pa lang ako. Halos kada linggo ako sumasali sa mga surfing competition kasama sina Julia, Raika, at Helga. Nakakamiss din pala maging normal na tao. 'Yong tipong gigising ka ng madaling araw kasi hindi mo nagawa ang assignments mo, kung paano magpapaalam kay mommy na gagabihin ako ng uwi.

Noon kasing nasa mortal world pa lang kami, palaging wala si mommy sa bahay lalo na kapag weekdays. Kung hindi late uuwi ay hindi pa talaga siya makakauwi. Parati kasing may business trips si mommy at meron din kasi kaming mga malls na kailangan niyang imanage.

Sa tingin ko dahil na din iyon sa pagiging reyna niya. Hindi ko naman kasi alam noon na may mabigat pala siyang responsibilidad.

Halos hindi na kami mag-usap kapag nagkakasabay kaming mag-almusal. Kung matityempuhan ko naman siya sa almusal, himala na iyon. Kasi kapag gigising ako para pumunta sa school, sakto namang oras niya sa pagtulog mula sa trabaho. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit. I completely understand kung bakit palaging busy si mommy.

Sa kalagitnaan ng pagpapractice ko, biglang tumunog ang infinity watch ko. Tinignan ko ito, tumatawag si Raika. Sinagot ko agad ito.

“Oh, Raika. Napatawag ka? Parang ang aga mo atang mang-istorbo ngayon.” bungad ko. Natawa lang siya.

“Sira. Plano sana naming tulungan ka pagpapractice. Kung papayag ka.” Sabi niya. Napangiti ako, “Oo naman. Namiss ko na din naman kayong kasamang magsurf.” lumapad ang ngiti niya.

“Talaga?Okay! Papunta na kami d'yan.” Excited niyang sabi. “Sige, hintayin ko kayo.” at binaba ko na ang tawag.

Nagpatuloy ako sa pagpractice habang naghihintay sa tatlo. Ilang sandali pa ay may nagdoorbell, sila na siguro ito.

________________________________

Isang oras kaming nagtraining at gumawa ng mga bagong stunts. Umahon na kami sa tubig. Pinatay ko na din ang wave-maker.

Nagbihis na ako para umattend ng Opening Ceremony ng Sports Fest. Umuwi na rin muna silang tatlo sa dorm ni Shane at magkikita nalang daw kami sa academy. Mamayang alas dose pa ng tanghali ang surfing contest kaya may oras pa ako para mag-enjoy.

Paglabas ko ng dorm, kitang-kita ang mga nagkukulayang banderitas na nakasabit sa bawat road lamps. Ramdam na ramdam ko ang excitement at energy ng mga tao. Pati tuloy ako naeexcite sa mga magaganap since unang sports fest ko ito dito.

Pumunta agad ako sa academy at dumiretso sa auditorium. Doon daw official na bubuksan ang pagdiriwang ng Sports Fest.

Pagpasok ko sa loob, hindi mabilang na mga estudyante ang nandito. Pati din siguro ang nga magulang ng mga students ay kasama din sa pagdiriwang. Maraming estudyante ang bumabati sa akin. Halos nga mga lalaki. Ewan ko ba kung ano na naman ang nangyari. Lumapit ako kina Gia na nasa harap na kasama ang iba.

ARIA ACADEMY: School Of MagicsWhere stories live. Discover now