five

1.5K 44 13
                                    

Irene

Binaba ko ang phone ko. Nilagay ko ito sa aking bulsa.

Nakakita ako ng ice cream kaya tumakbo ako dun at bumili.

Nang kukunin ko na ang pambayad ko sa bag ko ay may nahulog na papel.

Pinulot ko naman ito at tinabi sa aking bag dahil baka resibo ito.

Nang makabili na ako ng ice cream umupo ako sa isang bench at masayang dinidilaan ang ice cream ko.

Nakita ko namang may mga napapatingin na tao sakin ay sinamaan ko sila ng tingin at tinaasan ng kilay.

Nang matapos ko na dilaan este kainin ang ice cream ko tumayo na ako at umalis na sa Park.

Naglalakad ako biglang umulan ng malakas at buti nalang may waiting shed doon.

Sumilong ako dun syempre.

Maya maya ay nakarinig ako ng sasakyan na huminto sa harap ko.

Agad naman akong sumakay dito.

Pagsakay ko hinanap ko na ang pambayad ko. Kala niyo may sundo ako no? Bus talaga to.

Habang kinakalkal ko ang bag ko may nahulog na namang papel. Eto na namang papel na to..

Kinuha ko ito at binasa.



"Love found us"

Love found usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon