nine

1.5K 42 19
                                    

Seulgi

Anong oras kaya ako pupunta? Baliw din si Irene eh magyayaya di naman kumpleto details.

Kinuha ko ang phone ko at chinat siya.

To: Bae Irene

Sa starbucks na tayo magkita, 2pm.

Maaga pa naman eh. 12:30 pa lang. Kaya hihiga muna ko hehe.

Habang sarap na sarap ako sa paghiga ko biglang may nag vibrate. Lah kaninong vibrator yon? De joke lang cellphone ko talaga yon.

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang chat ni Irene.

From: Bae Irene

Okayyyyyy.

Binaba ko nalang ang phone ko at tumayo na.

Pumunta ako sa banyo para magsipilyo na at maligo na hihi.

Pagkatapos ko, nagsuot ako ng t-shirt at pants lang. Syempre may sapatos ako aba.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin kung anong oras na, 1:18 na.

Bumaba na ako at pumunta na sa sasakyan ko.

"Nakakainis naman traffic pa oh." Nayayamot kong sabi. Tsk. Tumunog naman ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na nagchat si Irene.

From: Bae Irene

Where are you?

Nireplyan ko naman siya.

To: Bae Irene

I'm on my way! It's traffic.

Sent!!!! hahahaha hays.

From: Bae Irene

Starbucks huh.

Ang kulit niya ha.

To: Bae Irene

Oo nga, kulit.

Ngingiti ngiti pa ko na parang aso ng biglang bumusina ang nasa likod ko. Ayan kase Seulgi, Irene pa!

Nang makarating na ko sa mall ay agad akong pumunta ng starbucks at nakita ko naman si Irene kaya nag wave ako at lumapit sakanya.

"Hey." Sabi ko kay Irene. Umirap naman siya pero nakita ko na nagpipigil siya ng ngiti.

"Uh, Irene? Sinong kasama mo?" Tanong ko sakanya ng mapansing mag isa lang siya.

"Ah boyfriend ko. Ayun siya oh um-order." Turo niya sa lalaking nakatalikod dun sa may cashier.

"Oh okay." Yan nalang nasabi ko.

Maya maya pa ay biglang ngumiti si Irene kaya napalingon ako sa likod ko.

At nakita ko ang ngiting asong lalaking paparating saamin hawak hawak ang tatlong kape na in-order niya.

Nang makita niya ko ay muntik pa niyang mabitawan ang mga dala niyang kape.

"S-seulgi." Nauutal niyang sabi. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Magkakilala kayo?" Sabat naman ni Irene.

"Oo kilalang kilala ko 'tong si Jimin." Nakangising sabi ko.

Lumingon ako kay Jimin na gulat na gulat.

"Hi babe!" Nakangisi kong sabi kay Jimin habang nagbabadya ang luha sa aking mga mata.

Love found usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon