eleven

1.4K 40 18
                                    

Seulgi

Arghh! Bwisit na Jimin yon!!!!! Manloloko!!

Tinignan ko si Irene na nakakunot pa din ang noo at halatang nayayamot na.

"Ano bang nangyari kase? Anong babe? Ha? Seulgi!" Inis niyang sabi sakin.

"Ganto kase yun Irene unang una, manloloko yung Jimin na yon. Pangalawa, bakla siya! At panghuli, boyfriend siya ng kuya ko!" Pasigaw na paliwanag ko kay Irene.

"H-huh?" Nakanganga at di siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Eh ba't babe tinawag mo sakanya?" Naguguluhan niyang tanong habang magkadikit pa rin ang kilay, tanda na naiinis na siya sa mga pangyayari.

"Stupid ginawa ko yun para ma-gets mo kase. Pero slow mo pa din." Nakangiti kong sabi at pasimpleng nilabas ang dila ko para asarin siya.

Nang makita naman niya yun agad niya kong binatukan at hinampas hampas sa braso kaya tumakbo ako.

"Wait!" Hinihingal niyang sabi kaya tumigil na ko at hinintay siya.

Nang makalapit siya sakin bigla siyang nagcling sa braso ko kaya nagulat ako.

Pero bigla niya kong pinaghahampas habang nakacling siya sa braso ko.

Nang makita niyang nakatingin ako sakanya ng masamang tingin bumitaw na siya at tumakbo. Hinabol ko naman siya.

At nang mahabol ko na siya niyakap ko siya patalikod.

Mahigpit na yakap.

Love found usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon