twenty

1K 39 12
                                    

Seulgi

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa cute kong mukha.

Tinignan ko ang phone ko kung may reply na si Irene. Meron nga. Kaya binuksan ko ito.

From: Bae Irene
Pwedeng sa ibang araw nalang Seulgibear? Nag eenjoy pa kasi ako titigan yung picture mo eh😂

Pagkabasa ko niyan bigla naman akong namula.

Nakarinig naman ako ng ingay sa baba kaya napagdesisyonan ko ng bumaba.

Nakakita ako ng isang hinayupak. Kaya agad uminit ang ulo ko.

May gana pa siyang pumunta dito ha? Kaya tinawag ko ngayon si kuya Yoongi.

"Kuya halika dito may kailangan kang malaman." Seryosong sabi ko kaya napalapit sakin si kuya.

Hinila ko siya papunta sa kwarto ko at kinuwento ang nangyari. Paglabas niya agad niyang nilapitan si Jimin at niyakap.

Napangiti naman si Jimin dahil akala niya hindi ko sinumbong ang kagaguhan niya.

Nagulat siya ng bigla siyang sampalin ni kuya.

"Babe? bakit?" Nag aalalang tanong ni Jimin dahil para nga namang siraulo si kuya Yoongi dahil yayakapin siya tas bigla siyang mananampal.

"SABI MO HIHIWALAYAN MO NA SIYA JIMIN?!!" Galit na sabi ni kuya. Napakunot naman ang noo ko.

"Sorry Suga let me explain okay? May tauhan kasi si papa na nakakita satin kaya ayon inaya ko si Irene para di sila magtaka na bakla ako." Nakayukong sabi ni Jimin.

"WALA AKONG PAKE JIMIN DUWAG KA DI MO KAYANG IPAGTANGGOL ANG RELASYON NATIN!" Galit na sabi ni kuya at nag walk out.

Love found usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon