Papasok na ulit ako ng school
Malayo pa lang at nakikita ko na ulit si Cindy na nasa labas nanaman ng classroom nila. Medjo nahihiya ako dahil sa ginawa ko kagabi kahit alam ko naman na hindi nya alam kung sino talaga si Joseph Peralta.
“Cindy!” Narinig kong tinawag sya ng kanyang kaboardmate na si Caren.
“Anjan ka nanaman sa hallway, siguro inaabangan mo nanaman ang crush mo ano? HAHA” Biglang taranta si Cindy para takpan ang bibig ni Caren
“Luko ka, baka mamaya may makarinig sayo” Bulong sakanya ni Cindy
Narinig ko ang usapan nila ni Caren, at ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit laging nasalabas si Cindy tuwing umaga. Inaabangan nya pala palagi ang crush nya na dumaan.
May kirot sa puso ko dahil sa mga narinig ko. Nagseselos ako kahit na alam ko naman na wala ako karapatan. Nawalan na ako ng pag asa tuluyan kay Cindy dahil alam kong may iba na syang gusto at kahit kelan hindi nya magugustuhan ang isang tulad ko.
Sana hindi ko nalang narinig ang kanilang usapan. Dumiretso nalang ako sa aking paglakad at nagpanggap na kunwari hindi ko narinig ang kanilang usapan.
Lumipas ang maghapon na parang wala akong gana, inaalala ko padin kasi ang narinig ko kaninang umaga.
“Hayyy gabi na naman pala” Sabay tingin sa oras habang nakahiga at tulala lang sa kama habang nag iisip
“Alam ko na”
“Ano kaya kung kulitin ko nalang sya sa dummy account ko para mawala ang atensyon nya sa ex nya?” Napaisip ako at napangiti sa ideyang pumasok sa isip ko.
Agad kong kinuha ang phone ko para ilog in si Joseph Peralta.
Me: Hi crush? Good evening 😍
Cindy: Anong good sa evening kung mangungulit ka nanaman? At anong crush? Bakit nakita mo na ba ako ?
Me: Hindi pa naman, pero based ditto sa pics mo mukhang crush na ata kita. HIHI
Cindy: Ah kuya, pwede bang tigilan mo na ako? Wala po kasi akong time sa mga ganyang bagay eh.
: At kung totoo ngang hindi ka talaga poser, sige send ka nga ng picture mo ngayon.
Bigla akong nataranta, kaya nag stalk muna ako sa totoong may ari ng picture na si Ralph Ancheta. Nagdownload ako ng pics nya at sinned kay Cindy
Me: Oh ayan po, pogi ko diba jan? hihi
Cindy: Pogi? Hindi naman eh. Haha
Nagbrowse pa ako ng mga pictures ni Ralph at dinownload lahat ng pictures na sa tingin ko ay magagamit ko
“Ito sakto, da’download ko tong pics na to” sabi ko sa sarili ko nang makita ang picture ni Ralph na bagong ligo na naka pose pang model at may pa abs pa
“Suss! Ako din naman may abs eh. Yun nga lang nag iisa lang. HAHA”
Me: Ito may isesend pa akong pic
:Joseph Peralta sent a photo
Cindy: *seen
Me: Oh natulala ka na yata sa pagtitig sa abs ko ah?
Cindy: Hindi no? feeling ka naman. May ginawa lang ako
Me: Assuss magpapalusot ka pa eh HAHAHA
Hanggang sa nagkapalitan na kami ng messages at di na namalayang mag aalas’dose na pala. Ganun pala kapag sobra kang nag eenjoy sa kachat mo, parang ang bilis ng takbo ng oras.
Maaga nanaman ang pasok bukas kaya mag paalam na ako kay Cindy
Me: Mag uumaga na po pala, sleep na tayo Cindy. Ayaw ko din na mapuyat ka ng sobra
Cindy: Oo Sige. Inaantok nadin talaga ako
Me: Salamat sa time Cindy, sana bukas replyan mo padin ak. Hihi. Good Night po
Cindy: Oo naman, salamat din sa time. Nag enjoy ako sa mga kalukohan mo. Good night din
At sa mga oras nay un pakiramdam ko ay nasa langit ako. Ang sarap lang sa feeling kasi alam mong napapangiti mo ang taong gusto mo kahit na sa ganitong paraan.
---
*Kkkrriinnggggg!! Kkkrriinngggg!!* Patuloy na tunog ng alarm clock
Puyat nanaman ako, pero iba ngayon. Puyat ako at masaya ako sa dahilan kung bakit ako napuyat.
Gaya ng dati, diretso na agad sa banyo upang maligo at mag ayos ng sarili
Nasa school na ako, pero hindi ko pa nakikita si Cindy. Hindi na ako sanay na hindi sya nakikita tuwing umaga na nakatambay sa hallway sa tapat ng classroom nila. Kaya naman sinilip ko nalang sya sa bintana ng kanilang classroom at doon nakita ko sya na nakaupo lang at nagbabasa ng libro.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil nakita ko na muli ang parang mala anghel na mukha ni Cindy. Doble ang tuwa ko kasi alam kong natutupad ang mga plano ko na ilayo sya sa taong gusto nya dahil this time hindi na sya nakatambay sa hallway para lang makita ang crush nya.
Kinuha ko ang phone para ichat muli si Cindy
----
*Zzzzhhhhhhhttt*
Vibrate ng phone ko sa bulsa ng aking bag. Agad kong kinuha ang phone ko para icheck kung sino ang nag message
JP: Good morning Cindy-rella :)
Me: Good morning din Joseph, late ka na ata nagising?
Medjo kinilig ako sa pag tawag sakin ni Joseph na Cinderalla. *blush
Feeling ko tuloy isa talaga akong prinsesa sa fairytale na nasa imagination ko lang
JP: Hindi naman, actually andito na ako sa school naming kanina pa. HAHA
Biglang sumagi sa isip ko si crush. Ngayong umaga ko lang sya hindi makikita pero siguro mabuti na din na ganito na iwasan sya. Baka naman kasi hindi ako yung type nya, baka mas gusto nya yung babaeng kasing kalog nya kaya hanggang ngayon eh hindi nya pa din ako napapansin.
“Hayysss” Napa buntong hininga nalang ako
Magrereply pa sana ako kay Joseph nang biglang dumating si Sir Terror namin kaya tinago ko na muna ang phone ko at makikinig mabuti.
--
Hapon na at kakauwi ko lang sa apartment ko, medjo masama ata ang panahon at umulan pa ng malakas. Mabuti nalang at nakarating na ako sa apartment bago pa man ibuhos ng langit ang lahat ng kanyang galit.
Nakikinig lang ako ng music sa aking earphone at feeling ko inaantok ako dahil sa lamig na dulot ng ulan.
Nag ring ang phone ko
JP: How’s your day my Cinderella?
Ito nanaman si Joseph at magpapakilig nanaman. Hihi *blussshh
Me: Ito ho, pagod maghapon. Nabasa pa ako ng ulan at feeling ko magkakasakit na ako eh
JP: Kawawa naman pala ang prinsesa ko, inom ka po ng gamut agad. Wala ako jan para alagaan ka kapag nagkasakit ka.
Ewan ko ba kung anong meron kay Joseph at parang nakakakilig ang lahat ng bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Halos mag iisang lingo nadin kaming nag uusap ni Joseph. Hindi ko din alam kung bakit parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya na para bang matagal na kami magkakilala, kaya feeling ko nahuhulog na yata ako sa kanya.
********
PLEASE VOTE PO :)
BINABASA MO ANG
A FAILrytale
القصة القصيرةDoes happy ever after really exist? Highest Rank 964- #shortstory