Biglang tumahimik ang paligid, tanging mahina at kakauunteng patak ng ulan sa dahoon ng puno lang ang naririnig ko at mahinang bulong ng hangin. Nag uumpisa nanaman pala sa pagluha ang kalangitan.
“JOSSEEPPPPPHHHH!”
Sigaw ng isang familiar na boses na nagmumula sa aking likuran. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Cindy galling ang boses nay un.
Alam kong hindi nya ako makikilala agad dahil sa nakasuot ako ng sombrero at alam kong kay Ralph sya nakafocus at hindi sakin.
Para bang panandaliang tumigil ang mundo ng mga oras na yun at para din akong naparalyzed at hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa.
“Joseph” Lumingon si Ralph at halatang takang taka kung sya ba ng tinutukoy ni Cindy
“Excuse me Miss, Ako ba?” Tanong ni Ralph sa kanya
“Hindi ba ikaw si Joseph Peralta? Hindi ba ikaw ang kachat ko?”
“Ah sorry Miss, hindi ako yun. Nagkakamali ka po”
“Kung ganun, sino ito?” Pinakita ni Cindy kay Ralph ang account ko bilang Joseph Peralta mula sa kanyang phone
“HAHA! Malamang hindi ako yan. Isa nanamang poser account ang gumamit ng picture ko. Walang hiya talaga!”
Ramdam ko sa mukha ni Cindy na napapahiya na sya.
Di ko napansin na nakasunod din pala ang ilan sa mga barkada ni Ralph sa kanya
“Uy pre, sino yan? Gf mo?”
“May instant gf ka pre ah. Naku dagdag nanaman yan sa collection mo. HAHAHA”
“Pre baka ayaw mo na yan, akin nalang si cute”
Rinig na rinig ko ang pang aasar nila at tsaka sabay sabay na nagtawanan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at kusang lumapit sa kanila nang makita kong tumulo ang mga luha ni Cindy dahil sa kahihiyan.
Gusto ko sanang pag susuntukin sila isa isa dahil sa pambabastos nila pero mas naisip ko si Cindy
Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni Cindy at tsaka ko hinilang papalayo sa kanila. Alam kong nagtataka si Cindy sa ginawa ko pero kusa narin syang nagpadala sa aking pag hila sa kanya. Dinala ko sya sa isang sulok na kung saan wala masyadong tao para makapag usap kami ng sarilinan.
“Ke-kevin?” Marahan na sambit ni Cindy ng tanggalin ko ang aking suot na sombrero
“A-anong ginagawa mo dito?”
“Nakita mo ba ang lahat ng ginawa ko?” pahikbi nyang tanong habang nakatungong tanong ni Cindy habang hiyang hiya sa sarili
“Sorry” Yan lang ang nasabi ko
Gusto ko man magsalita pero limitado lang ang lumalabas sa aking bibig
“Sorry? Pa-para saan?” Nagtatakang tanong nya habang tumutulo ang luha
Pinunasan ng aking palad ang na tumutulo sa pisngi nya
“Sorry kasi may malaking kasalanan akong nagawa sayo”
“Sorry dahil pinaglaruan kita”
“Sorry sa mga nagawa ko” Halos maluha akong humihinge ng kapatawaran sakanya, naluluha ako dahil sa guilty na nararamdaman ko dahil sobra syang nasaktan
“A-anong ibig mo sabihin?” tanong sakin ni Cindy
“Cindy sorry! Kasi si Joseph Peralta at ako ay iisa. Oo Cindy, ako ang taong nakakausap mo palagi sa likod ng pangalang Joseph Peralta”
Natahimik kaming dalawa ng ilang saglit
*Paaaakkkk!!!
Ramdam ko ang sakit sa paglapat ng palad ni Cindy saking pisngi
“Napakasama mo! Paano mo nagawa sakin to!” Habang sinusuntok nya ako sa dibdib
Hinayaan ko lang ang sarili ko na saktan nya ako kasi alam ko na kulang pa ang mga yun dahil sa ginawa ko sa kanya
“Patawad, gusto ko lang kasing mapalapit sayo”
“Malapit sakin? Sa ginawa mong yan ay lalo lang akong lalayo sayo!”
“Pwede mo naman akong kausapin, di naman ako masungit para hindi ka pansinin”
“Alam mo ba Kevin na ikaw ang dahilan kung bakit maaga akong pumapasok!?” Natahimik ako sa sinabi nya
“Oo Kevin, ikaw ang dahilan! Alam mo bang ikaw ang gusto kong makita araw araw. Ikaw ang dahilan kung bakit nasa hallway ako every morning, gusto kita makita araw araw kaya gumagaw ako ng paraan para makita ka”
“Aamin na ako! Crush kita Kevin. Ikaw yung taong gusto ko pero di ko alam kung manhid ka lang o sadyang ayaw mo lang sakin talaga”
May kunting saya sa puso ko ng malaman ko yun, dahil gusto din pala ako ng taong mahal ko. Ngayon alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit sya nasa hallway tuwing umaga. Masaya ako pero mas nangingibabaw ang kirot sa puso ko dahil nasaktan ko sya
Gusto ko din sanang sabihin din sakanya kung gaano ko sya kagusto ngunit natitigilan ako habang nakikita syang lumuluha.
“Patawad Cin..” Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nya ako ulit sampalin.
Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha
“Ayaw ko ng makita ka pa Kevin! Kinasusuklaman kita”
“Huwag mo na ako kakausapin pa kahit kelan, ayaw ko nang makita pa ang pag mumukha mo. Wala kang kasing sama.”
“Alam mo yung masakit ha!? Yun ay ang saktan ka ng taong importante sayo!”
Yan na ang mga huling salita ang narinig ko mula kay Cindy bago sya tuluyang lumayo sakin.
Tuluyan nan gang bumuhos ang ulan. Ramdam ko na ang mga patak ng ulan saking mga mukha. Nakikisabay ang langit sa lungkot na nararamdaman ko
Bakit ganun, hinayaan ko na lang sya na lumayo sakin. Bakit ko hinayaan na hindi man lang nya nalaman na sya rin ang gusto ko kahit noon pa.
“Bakit ko hinayaan lang na magtapos sa ganito ang lahat.”
“Napaka tanga ko! Pilit ko syang nilalayo sa crush nya pero hindi ko alam na ako na pala ang tumutulak sa kanya papalayo sa akin.”
Wala na ako ibang nagawa pa kundi umiyak nalang at sabayan ang patak ng ulan habang pinagmamasdan ang taong mahal ko na tumatakbong papalayo sa akin
Ang bigat ng pakiramdam ko, Para akong tinabunan ng langit
“PAALAM CINDY, SANA BALANG ARAW MAPATAWAD MO DIN AKO.”
“I LOVE YOU ”
-----
THE END

BINABASA MO ANG
A FAILrytale
Short StoryDoes happy ever after really exist? Highest Rank 964- #shortstory