“Hoy Kevin!” Pasigaw na tawag ni Jerome
“Uy pre bakit?” Sagot ko naman na gulat na gulat
“Kanina pa ako nagsasalita dito, wala naman pala akong kausap”
“Ay sorry bro. Ano bang sabi mo?”
“HAHA lutang ka nanaman, ano bang problema mo?”
“Wala naman, iniisip ko lang kasi si Cindy eh”
“Oh bakit si Cindy?”
“Nagui’guilty na kasi ako sa ginagawa ko. Feeling ko nahuhulog na sya sakin”
“Sayo ba? O kay Joseph Peralta?” Tanong ni Jerome
“Oo bro, kay Joseph. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko para matigil na ang kalukohan ko pero ayaw ko din naman syang masaktan ”
“Naku problema nga talaga yan!”
“Kung ako sayo bro, sasabihin mo na ang totoo bago pa mahuli ang lahat. Mas maganda na yung ikaw na umamin sakanya kesa sa ikaw pa yung mahuli nya.”
Hindi na ako nakapag salita sa mga oras nay un. Naiintindihan ko naman na tama ang sinabi sakin ni Jerome at mali talaga ang ginawa ko.
Napag isipan ko na sabihin na kay Cindy ang totoo. Wali na akong pakialam kung ano ang mangyayari, ang mahalaga masabi ko sa kanya na si Joseph at ako ay iisa. Lalakasan ko na din ang loob ko para mapagtapat ko sa kanya na gusto ko sya.
Me: Hi Cindy
Cindy: Hello Joseph :)
Me: Ahm, may gagawin ka ba bukas?
Cindy: Wala naman, Sunday bukas so walang lakad
:Bakit mo ba naitanong?
Me: Naisip ko lang kasi na kung pwede ba tayong magkita?
Cindy: Ha eh bakit naman?
Me: Halos 1 week na din kasi tayong magkachat diba? Kaya gusto ko na mameet ka in person. At tsaka may gusto sana akong sabihin sayo
Cindy: Pwede mo naman sabihin sakin dito sa chat ah?
Me: Hindi pwede eh, mas gusto kong marinig mo yun sa personal
Cindy: Kinakabahan naman ako jan Joseph, anong oras ba?
Me: Mga 4PM po sana, jan sa park sa Urdaneta
Cindy: Okay sige, see you nalang bukas
Hindi na ako mapakali sa aking higaan, nahihirapan ako makatulog dahil sa kakaisip kung ano mangyayri bukas.
--
*Kriinngggggg!!* Tunog ng alarm
Everyday kasing nakaset ang alarm ng phone ko everyday ng 7:00 am
Iba ang araw ngayon, parang sa unang pagakataon ay naunahan kong magising ang aking alarm. Kanina pa kasi akong gising at feeling ko yata hindi na ako nakatulog sa kakaisip.
Medjo malamig ang umaga ngayon dahil sa pagsusungit ng langit at ibinuhos nya ang ulan sa buong kapaligiran. Nanlamig ang aking kalamanan dulot ng mahinang ihip ng hangin sa aking katawan.
“Ulan, bukas mo nalang ituloy yan” Bulong ko sa ulan
Halos hapon na ng tumila ang ulan at binalot nya ng katahimikan ang buong paligid.
“Buti naman at huminto na ang ulan”
“Ito na ang oras na pinaka hihintay ko. Sana sapian na ako ng spirit ng katapangan para magawa kong kausapin si Cindy”
Chinat ko muna sya
Me: See you later :)
Cindy: Sige, can’t wait to see you po :)
Eksaktong 4pm ng makarating ako sa park. Medjo may kalawakan din itong park kaya alam kong hindi ko agad makikita si Cindy
Naglinga linga muna ako sa buong paligid baka kasi andito lang sya sa malapit.
Lumakad na ako ng tuluyan
“Uy mga tol, jan lang muna kayo ah? CR lang muna ako saglit” Paalam nung isang lalaki bago umalis sa kanyang grupo
Napalingon ako at napatitig sa lalaki.
“Hmmmm.. Mukhang familiar ang mukha ng isang to.” Napaisip ako kung saan ko nga ba sya nakita. Feeling ko kasi nagkita na kami noon at hindi ko lang maalala kong saan
“Sige Ralph, bilisan mo lang” Sagot naman ng isa pang lalaki na kasama nya
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko
“HA? RALPH? TAMA BA ANG NARINIG KO?” Bumilis ang takbo ng puso ko
Sobrang lakas ng kaba sa aking dibdib. Kaya pala familiar sya, sya pala si Ralph Ancheta. Ang tunay na may ari ng picture na ginagamit ko para kay Joseph.
“Bakit ka nandito?” Bulong ko sa sarili ko habang patuloy na kinakabahan.
Kelangan makita ko na agad si Cindy bago nya pa makita si Ralph dahil kung hindi lagot na.
Nataranta ako sa paglinga linga para makita lang si Cindy, nang biglang….
“JOSSEEPPPPPHHHH!”
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/151285390-288-k571458.jpg)
BINABASA MO ANG
A FAILrytale
Short StoryDoes happy ever after really exist? Highest Rank 964- #shortstory