"Hoy Cindy!"
"Nakatulala ka nanaman jan!" Kalabit sakin ng ka'roommate ko sa inuupahang kong apartment.
"Anjan ka na pala Caren, hindi ko namalayan ang pagdating mo" Sabay buntong hininga
"Eh pano? Kanina ka pa jan tulala sa tapat ng bintana. Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"
"Siguro iniisip mo nanaman ang crush mo no?" Panunukso ni Caren
"HAHAHA hindi ah! Hinihintay ko lang talaga ang pagdating mo kasi nagugutom na ako."
"Tara kain na tayo!" Patawa ko nalang na pag aya kay Caren para hindi nya mahalatang kinikilig ako.
Hindi ko naman na maitatanggi na tama si Caren. Iniisip ko talaga yung crush ko sa campus namin. Sya pa lang ang taong nagustuhan ko mula ng magtransfer ako dito sa aming University sa Urdaneta. Kinikilig talaga ako twing makikita ko syang ngumingiti. Sa totoo lang, hindi naman sya masyadong kagwapuhan pero malakas naman ang kanyang appeal kaya naman siguro tinamaan ako sa mokong na yun.
Hindi ko sya classmate kasi 3rd year College na sya samantalang ako'y 2nd year college pa lamang. Tuwing umaga ay magkatabi lang ang aming classroom kaya naman palagi ko syang nakikita. Maaga talaga akong pumapasok para maabangan ko sya sa hallway ng aming building.
Hindi ko alam kung paano ko sya nagustuhan, siguro dahil sa pagiging talentado nya at matalino yun nga lang napapansin ko yata na may pagkakulit sya. Pero ang cute nya pa rin kahit ganun. Hihi ^^
---
KEVIN's POV
*Kkkrriinnggggg!! Kkkrriinngggg!!* Patuloy na tunog ng alarm clock
"Hayy alas syete na pala ng umaga" Bulong ko sa sarili habang kinakapa ang cellphone sa kama upang patayin ang tunog ng alarm
"Inaantok pa ako pero kelangan kong pumasok"
"Nakakaadik pala ang maglaro ng Mobile Legends na yan" Sabay bangon na sa kama at diretso na agad sa banyo para maligo
Nakabihis na ako at naka ready nang pumasok, tinatamad ako pero kelangan pumasok. Alam mo na, para makita si crush. HAHAHAHA
Syempre joke lang yan, kelangan ko lang talaga magsipag sa pag aaral ko kasi para to sa scholar ko. Bunos na lang na makita si crush araw araw. Hihi!
Bago pa man ako malate, lumabas na ako sa inuupahan kong apartment at papasok na.
Malayo pa lang ako pero natatanaw ko na agad si crush ko na nakatambay sa hallway malapit sa classroom ko.
"Hi Cindy, pwede po bang makidaan?" Sabay ngiting pilit sa kanya dahil nahihiya ako
Oo! Si Cindy ang crush ko simula noong makita ko sya dito sa school namin. Sabi ng kaklase ko na isa syang transferee kaya lately ko lang sya nakita. Ang cute ni Cindy, pangalan nya palang pang prinsesa na. Maputi sya at medjo may pagka chinita, bagay sakanya ang short hair nya.
"Makikidaan po sana kasi nasa gitna ka po ng hallway eh"
Lagi kong napapansin si Cindy na twing umaga ay nakatambay sa hallway na para bang may hinihintay.
"Ay sorry po kuya" Mahina nyang tugon na tila para bang kinakabahan
"Okay lang Cindy, wala ka pa ginagawa pinapatawad na agad kita. HIHI okay lang sakin na kahit araw araw mo akong harangan sa daan ko, makita ka lang." Bulong ko na lang sa isip ko
Ngumiti nalang ako at dumiretso na sa classroom ko. Kunwari deadma lang pero deep inside tumatalon ang puso ko, para bang gusto ko na matunaw sa kaba at kilig. Araw araw ko naman syang nakikita, ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang magawang ipagtapat sakanya ang tunay kong nararamdaman. Ang hirap talagang maging TOORRPPEE!!

BINABASA MO ANG
A FAILrytale
Storie breviDoes happy ever after really exist? Highest Rank 964- #shortstory