01

276 4 3
                                    

Raven's POV

"Oh bakit ka nandito?" tanong ni Bobby

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?" tanong ko sakanya at umupo

Kumuha ako ng alak sa table saka ito

"Diba 3rd anniversary niyo ngayon ni Persephone? Ba't ka nandito?" malakas yung music dito sa bar kaya di ko narinig yung sinabi niya

"Ano sabi mo?"

Hindi na nagsalita pa si Bobby dahil siguro tamad na siyang magsalita pa

Napatingin na lang ako sa mga nagsasayawan

Iinom na sana ulit ako pero biglang may sumuntok sa akin. Napatingin ako sa sumuntok sa akin

Yunhyeong.

"Ano bang problema mo hah?!" asik ko sa kanya habang hawak hawak ang aking panga

"Ano problema ko? Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Diba magkikita kayo ni Persephone ngayon?!" tanong niya

Dahil sa sinabi niya ay parang bigla akong binuhosan ng malamig na tubig

Shit

Agad kong kinapa yung cellphone ko at binuksan ito

13 missed calls and 6 new messages

Binuksan ko ito

Galing ito lahat kay Persephone

Tumayo agad ako at di pinansin ang nanlilisik na tingin ni Yunhyeong saakin at linagpasan siya

Paglabas ko ng bar ay agad akong pumunta sa kotse ko at pinaandar ko ito papunta sa tagpuan dapat namin ni Persephone ngayon

Pagkadating ko sa restaurant ay nakita ko siyang nakaupo mag-isa at tapos na siyang kumain

Linapitan ko agad ito

"Sorry im late" sabi ko kaya napatingin siya

Nang makita niya ako ay nginitian niya ako. "Ok lang. Ihatid mo na lang ako pauwi" sabi niya at tumayo

Buong biyahe ay tahimik kami. Di na ako humingi ng pasensya since sabi naman niya na ok lang

Pagdating namin sa harap ng bahay nila ay di man lang siya nagpasalamat o nagpaalam man lang.

Papaandarin ko na sana yung sasakyang nang may makita akong red box sa inupuan ni Persephone kanina. Dahil sa kuryusidad ko ay kinuha ko to at binuksan.

Ang laman nito ay isang relo

Tinignan ko yung papel na nalagay

'To: Raven♡'

Pero meron na ako nito. Binilhan rin ako ni Dad ng ganito noong nakaraang linggo

Napailing na lang ako at isinara na yung box at inihagis na lang sa back seat.

Pinaandar ko na yung sasakyan at nagtungo sa bar

ApologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon