Persephone's POV
"Gabi na. Gusto mo ihatid na kita?" pagpupumulit ni Troy
"Wag na. Kaya ko mag-isa at may sasakyan naman ako" sabi ko
"Sige. Basta mag-ingat ka" sabi niya
"Opo" sabi ko
Balak ko sanang pumunta sa CR bago umuwi pero napatigil ako sa harap ng table nila Raven.
Nabitawan ko ang pouch ko
Nakita ko ang gulat na mukha nina Clark at Theo pero mukhang di parin napansin ni Raven na nandito ako
Nangmatapos silang maghalikan ng babae ay tumawa siya at napatingin kila Theo na sa akin nakatingin
"Ba't bigla kayong tumahimik?" Tanong ni Raven
Sinunod ni Raven ang tinitignan ni Theo at Clark
Pagkakita niya sa akin ay oara siyang nabuhosan ng malamig na tubig
Tumayo siya agad at nilapit ako "Persephone let me explain" sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero iwinakli ko ito
"Explain what?!"galit na tanong ko at nagmadaling lumabas ng bar
Ramdam kong sinundan niya ako
Pagkalabas ko ay tumungo agad ako sa kinaroroonan ng kotse ko at nilock ito
Pinilit ni Raven na kausapin ako pero wala akong marinig
Nakatulala lang ako sa loob ng sasakyan ko
Napatingin ako kay Raven nang simulan niyang tugtogin ang salamin ng sasakyan ko
Tinignan ko lang siya kung paano siya magmakaawa sa akin
Pinaandar ko ang sasakyan ko at umalis na
Medyo nakalayo na ako ng biglang timigil ang sasakyan ko
Lumabas ako para tignan ang nangyari.
Napasipa na lang ako sa gulong nang makita kong flat ito
Napaupo na lang ako sa gilid at doon na lang ako napahagulgol
Pero napatigil ako nung may kumalabit sa akin