04

66 1 0
                                    

Raven's POV

Nagising ako dahil sa araw na tumama sa aking mukha

Napasapo ako sa aking ulo nang sinubukan kong umupo

Urgh hang over

Kahit medyo sumasakit ang ulo ko ay nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig

Habang umiinom ay nakita ang pouch na naiwan ni Persephone kagabi

Kinuha ko ito. Naalala ko ang nangyari kagabi

Napatigil ako sa pagaalala nang tumunog ang telepono ko


                       Tita Catherine

                      Accept | Decline



Sinagot ko ito kahit takang taka ako kung bakit niya ako tinatawagan


"Raven" mahinang saad ng nasa kabilang linya

"Bakit  po kayo napatawag tita?" kabadong tanong ko.

Dahil ba ito sa nangyari kagabi. Sinabi ba sa kanya ni Persephone?


"Wala na siya. Wala na siya, Raven" umiiyak na sabi niya

"Sino po?" mas naging kabado ako.

"Wala na si Persephone, Raven" dahil dito ay nabitawan ko ang telepono at napatulala nalang

"May gustong mangrape sa kanya pero lumaban siya kaya sinaksak siya" paliwanag ng nasa kabilang linya pero parang nabingi ako


ApologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon