Chapter 2 : My Star is you

29 1 7
                                    

Sa sumusunod na araw pumunta sya sa batanes sa bahay namin para makapagpaalam sya kila mama at papa na liligawan ako. Nag vacation sya dito ng 1 week. Dami naming ginawang kabaliwan sa first day nya dito! Pinasuot ko sya ng unifrom ng school namin para papasukin at para maipasyal ko sya at ma tour sa school na pinapasukan ko. Pag akyat namin sa 4th floor nag yosi kami agad agad. At ang hindi ko makalimutan is yung nag holding hands kami habang naglalakad sa campus. Btw sa UP LOS BAÑOS siya nag aaral.

The next day nagsuot sya ng semi formal at ayun kinausap nya si mama at papa kung pwede daw ba akong ligawan!, syempre gulat na gulat si mama at papa. Yung tipong napa " SURE" Nalang sila sabay tawa.

Nung gabing iyon. Nagpatugtog sya ng mga romantic songs tapos sumayaw kami sa kuwarto ko with candles daw para romantic. Pero yung last part yung memorable kasi kumanta sya ng PERFECT by Ed sheerean.

Nan lambot ako nun kasi ang pogi ng boses nya, ang galing nyang kumanta. Napaka romantic talaga! SLOW VERSION yung kanta!. Matapos yun lumuhod sya sa harapan ko at tinitigan ako sa aking mga mata.

S: " MACKENZIE ATHENS LIPA, pwede ba kitang ligawan?"

Napatango nalang ako sa sobrang saya, halos ayaw ko na ngang matapos ang gabing yun.

Kinaumagahan nag cra-crave ako sa cake! Hindi ko alam kung bakit pero nag cre-crave talaga ako. Well nag movie date kami sa bahay, diko napansin naka idlip na pala ako!, tapos pag gising ko nakita ko yung cake nakapatong sa table.with matching letter pa!

S: "Anong english ng NASA LABORATORY AKO KASAMA KA? tama bang sabihin na I AM IN LAB WITH YOU! CUTE mong matulog eto na cake mo mahal ko"

Wala sya sa kwarto ko, kasama nya si mama nagluluto sa kusina.sobrang close na nilA.

Bibilisan ko na yung kwento haha tinatamad na ako!

Tinuruan nya akong maglaba gamit ang kamay, magluto ng itlog, magfold ng mga damit at magtimpla ng kape nya. Lagi nyang fino-fold ang mga damit ko kasi hindi talaga ako marunong mag tupi, then the next scene ilang bese akong bumalik sa kusina hindi ko kasi makuha yung panlasa nya sa coffee. Tapos nung pang 6 na balik ko kinuha nya nalang ang coffee tapos ininom kahit alam kong hindi masarap yun, ngumiti sya at hinalikan ako sabay sabing "sarap magtimpla ng asawa ko" with matching smile.

May tinuro pa sya sa akin ""SHARK,LION,NEON"" fish basta puro isda yan hindi ko nga sure yung neon eh! Ang alam ko kulay yun, pero uri daw sya ng isda. Then later may tumawag sa phone nya. Isa sa mga tropa nya!, tinatanong kung na saan daw ba siya at kung sino ang kasama nya? Sagot nya TILAPIA! sabay baba ng phone nya.agad ko syang tinanong kung bakit tilapia? Mukha ba akong isda? Then pinakita nya yung text ng tropa nyang tumawag tinatanong kung ano yung tilapia? But then kinilig ako sa sinabi nya!

S: "TILAPIA"! Kasi ito yung pinaka paborito kong isda!

Ang corny no? Pero bakit moment ko to! Basta kinilig ako!

JUNE 22,2014 ko sya sinagot kasi favorite number namin ang 22! Well ganito kasi yan! Actually birthday ko is NOVEMBER 6, but then matagal ko nang favorite number ang 22, kasi at exact date at time which is 12:00 am ko sya nakilala! Yun yung date na nag friend request sya sa fb ko!

(Hula ko! Nag back read ka pa? Tinignan mo kung talagang ayun yung date na nag met kami?)

Kinagabihan bago siya uwuwi sa los baños, nag star gazing kami, lagi kaming nag i-star gazing sobrang attracted sya sa mga stars. Yung scene na nag star gazing kami pero nakatitig lang sya sa akin, sabi nya hindi na daw niya kailangan tumingin sa itaas kasi katabi lang daw nya yung stars na matagal na nyang hinahanap. ( oh! Diba keneleg nenemen ake!)

And then nung gabing yun hindi ako makatulog kasi nga kinikilig padin ako! Pinanood ko nalang syang matulog. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo, kaso nagtutulug-tulugan pala sya! Hinalikan din nya ako sabay sabing "MAHAL KITA!, nagpapasalamat ako dahil nakita kita" and BTW to make it clear walang nangyari sa amin!, KISS LANG gusto niya after marriage daw, oh diba napatino ko ang play boy! At talagang proud to be nyang maisisigaw na "PLAY BOY NO MORE!"

Then kinaumagahan bumalik na sya sa los baños,yung tipong nasa labas palang siya ng bahay eh tumawag na!. araw araw at gabi gabi syang tumatawag sa akin. May time pa na mag mi-midnight na eh tatawag sya at magpapaalam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin nya! Nag se-set din sya ng sariling curfew nya pag makikipag-jaming sa mga friends nya. Sobrang focus din nya sa pag aaral pero mas focus siya sa akin. Bawat araw may plano. As in araw araw, like graduation,OJT, birthday, christmass, new year, and ordinary days. Planado lahat.

Wala syang ibang ginawa kundi mahalin ako. Walang nagbago sa trato namin sa isat isa para parin kaming magtropa! Pero ang nag kaiba eh naghahalikan kami at nagsasabihan ng mahal kita.

Paglasing sya nakakainis dahil punong puno ang inbox ko ng Long Sweet Messages, ang sarap sa feeling kasi yung dating ginagawa ko sa ex boyfriend ko, ginagawa na sa iyo ng isang taong sigurado na pakakasalan ka.

Sobrang supportive nya sa akin at ganun din ako sa kanya. Sobrang blessed ko sa kanya, dahil lahat ng hinahanap ng ibang tao kasama na ako eh nasa kanya na ang lahat. Puro tawag at messsage kami walang nakakasawa, ganun ata pag mahal mo talaga ang isang tao, bihira nalang kaming magkita dahil busy na kami sa OJT namin, pero sabi nya

S: "kahit busy tayo! Tumingin ka lang sa mga stars kung nami-miss mo ako, dahil dadating ang araw na may isa sa ating mawawala! At ang tanging STARs lamang ang simbolong matitira sa ating ala ala"

(AWKWARD diba? Ano yun may mamamatay?)

Star GazingWhere stories live. Discover now