Chapter 3 : It's Like a Shooting Stars

12 0 5
                                    

Malapit na ang FEBRUARY 14, excited na akong magkita kami kasi itu-tour daw nya ako sa school nila. School fair daw kasi, doon daw muna ako mag i-stay ng 3 days naka booked na sya ng hotel na tutuluyan namin. Sobrang saya nya sa sobrang saya nya eh hirap na hirap pa syang magpaalam na uminom, eh papayagan ko naman!, malaki ang tiwala namin sa isat isa. Lagi nyang pinapaalam at pinaparamdam kung gaano nya ako kamahal, yung tipong gabi gabi nya akong kinakantahan pag hindi ako makatulog, sabay sabing walang iwanan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng pagmamahal.

FEBRUARY 12 nang umaga nag message sya sa akin, "tatawag ako sa iyo mamaya pagkagising ko, mahal na mahal kita walang iwanan ah" at syempre kinilig naman ako, nung umaga din namang iyon eh hinulaan ako ng kaibigan ko, sabi nya "sobrang struggle ko daw sa career, pero bumawi naman ako sa lovelife!" Shete diba? Totoong totoo nga!

FEBRUARY 13, nagpaalam sa akin si ADRIAN na may pupuntahan, hindi sya nagparamdam ng umaga, pero saktong mga 7:30 pm naglalakad ako pauwi dahil galing ako sa OJT!, nang bigla syang tumawag

S: mahal!, lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yung nga tinuro ko sayo, wag na wag mong kakalimutan.yung mga pangarap mo ituloy mo para sa akin at para kay tita!, dahil kung hindi break na tayo.

M: hala ang drama mo mahal bakit ba ang dali lang sayong banggitin yung BREAK BREAK na yan? Walang mag bre-break !, naiiyak kaba?

S: oo, kanina pa!

M: hala mahal bakit?

S: nagpacheck up ako HIV positive,ang dami ko pang pangarap sa buhay, ang dami ko pang pangarap para sa iyo ang dami ko pang gustong iparamdam saiyo.

Napaupo ako sa kalsada at naiyak na din.

S: BREAK NA TAYO! Ayoko nang patagalin pa ito!. Ayokong saktan ka! Kayat hanggang maaga pa itigil na natin ito kesa masaktan ka pag nawala na ako. Life is so unfair! Kung kailan ko na nahanap yung the one ko, tsaka naman ako bibigyan ng ganito.

Nagmamakaawa ako na huwag nya akong iwan abi ko lalabanan namin ang HIV nya pero my mas malala pa pala!, may stage 2 cancer sya, ang sakit bakit pa kailangan ibigay ni Lord kung sa huli eh kukunin din pala nya kung kailan na sigurado na kami sa isat isa tsaka sya bibigyan ng ganito! Bakit sya pa? Pwede naman ako! Total patapon naman ako!.

Pero sya! Ang dami nyang pangarap sa buhay! Nung gabing yun sinabi nya rin sa akin na dapat sa FEBRUARY 14 siya makikipagbreak sa akin! Which is bukas! Pero ayaw nya na daw patagalin pa at nasabi nya ngayun!, hindi nya narin ako pinapapunta sa los baños, ang sakit kasi yung taong nagparamdam sayo ng saya eh pinagtatabuyan kana!

Star GazingWhere stories live. Discover now