Y

366 36 0
                                    

KAAGAD AKONG NAPAHAWAK sa aking ulo nang sumakit ito. The pain spread out to different areas of my head, making me groan in pain. Tumitibok-tibok pa ang sentido ko na mas lalo kong ikinangiwi. Shit!

Ayan. Inom pa!

Damn. What the heck happened last night?

Marahan kong minasahe ang aking ulo habang inalala ang mga pangyayari kahapon, pero malabo na ang lahat. Ang huling naalala ko lang ay no'ng natulog si Deah, hindi dahil lasing siya, kundi dahil inaantok talaga siya! KJ ng mga yawa kahapon. Kami lang ni Manel nag-iinuman!

Huminga ako nang malalim at pinikit nang mariin ang aking mga mata bago ito binuksan. Kisame ng kwarto ko any unang sumalubong sa akin. 'Di na bago sa akin 'to. Alam ko namang ako lang din ang umuwi rito, eh. Imposible namang kunin din ako ni Morpheus.

Ewan ko nga rin kung paano ako makakauwi kahit lasing na lasing na. May superpowers yata ako na lumalabas lang tuwing nalalasing ako.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago umalis sa aking kama. Inayos ko muna ang hinihigaan ko bago lumabas ng kwarto.

"Morpheus!" Napahawak ako sa pader nang muntik na akong matumba. Buti na lang, weekend ngayon at walang pasok!

"Careful," a voice beside me said, and his voice sent shivers down my spine. Hinawakan niya pa ako sa braso na muntik ko nang ikinaigtad. Tumahip ang aking puso at saglit akong natigilan.

It's Morpheus.

Huminga muna ako nang malalim bago siya hinarap. His eyes are tender as he looks at me, making me swallow the lump in my throat.

Okay Airatel. Act cool.

"Gutom na ako! Ano ba ang niluto mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at sinimangutan. Totoo rin namang gutom na talaga ako!

Morpheus chuckled and wrapped his arm around my shoulders as we walked. "Chill! Sunny side up and cheesedog. I also baked crinkles."

Woah, breakfast na breakfast ah. May snacks pa!

Magsasalita na sana ako nang may madatnan ako sa sala. Prenteng-prente na nakaupo sa sofa habang kumakain ng crinkles na ginawa ni Morpheus. Tawang-tawa pa sa pinapanood.

Teka. . .

"Kuya?!" Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay ni Morpheus. Malakas ang pagtahip ng puso ko at nanlalaki ang aking mga matang tiningnan siya. Holy shit! Ngayon ko lang naalala na darating pala siya ngayong linggo!

Mula sa pinapanood, napunta ang kanyang atensyon sa akin at kay Morpheus, tapos pabalik na naman sa akin. Binigyan niya ako ng ngising aso.

"Oh, may ka live in ka naman pala, eh. 'Di nga ako makapaniwalang pinatulan ka."

"Kuya naman! Hindi kami nagli-live in!" Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi habang iniisip kung ano ang posibleng tumatakbo sa isip ni kuya.

"Weh? Eh, ano tawag sa set-up niyo? Bahay-bahayan?" He gave me a look of disbelief. "Tapos damit ko pa pinahiram mo. 'Wag na 'wag mong sabihing pati brief din."

"Kuya!" Gosh! Nakakahiya kay Morpheus!

Hinarap ko siya at nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa akin at umaalog nang bahagya ang kanyang balikat. Shuta! At natawa pa siya!

"Sa kusina ka nga muna!" Itinuro ko ang kusina at kaagad naman siyang naglakad patungo roon at nang makapasok, rinig ko ang malutong niyang tawa na ikinapikit ko nang mariin.

Nang tumawa si Morpheus ay siya ring pagtawa ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. Mula rito, kita ko ang ngala-ngala niya at ang ngipin niyang nangingitim dahil sa kinakain na crinkles. Ew!

The Dreamer's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon