T

379 36 0
                                    

"NOOD MUNA TAYO ng isang season. Maaga pa naman." Napatingin ako sa orasan. Alas-seis pa naman ng umaga. Tapos na rin kaming kumain, at 'yong classes ko for this day ay magsisimula ngayong alas-dyes.

Usually, kapag alas-dyes magsisimula ang classes ko, I start my morning at eight. Pero ang aga naman kasing magluto ni Morpheus!

"Are you sure? 'Di ka ba male-late?" Umupo siya sa tabi ko. Umiling naman ako sa kanya at saka binuksan ang T.V.

“Mamayang ten pa naman ang classes ko.” Kaagad akong pumunta sa Netflix at napangiti. Naks! Binayaran na ni kuya! Salamat naman.

“Kaya pala ang tapang mong maka-chill. Ikaw yata ang pinaka-chill na architect student na nakita ko. ‘Yong mga architect students, stress na stress na, eh. Kahit sa panaginip nila, gumagawa pa rin ng plates,” wika niya at natawa. Napatingin naman ako sa kanya. Gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. ‘Di ko maiwasang mapairap nang maalala ang kanyang sinabi.

“Anong chill-chill ka r’yan? Sure na? Eh, ‘di mo ako nakita last month! Grabe ‘yong pinagdaanan namin! Kahit saan-saan lang kami napadpad daig pa namin si Dora! Makakauwi na nga ako rito alas-diyes na ng gabi, eh, tapos dahil sa pagod, hindi na makaka-dinner!” Sinimangutan ko siya. Para naman siyang mas lalong naintriga sa ikinuwento ko. Aba, dapat lang!

“Bakit? Saan ba kayo nagpunta?” Tumagilid siya upang harapin ako at tingnan ako nang mabuti. His eyes are filled with curiosity at salubong ang kanyang mga kilay.

I let out a sigh as I reminisced all the hardships that we went through last month. “Alam mo ba? Ang dami naming pinuntahan na agencies para sa data gathering namin! Pumunta kami sa DENR, nag-ask kami ng data about fishermen, about sa mangroves, tapos nag-email pa kami para makahingi ng data tungkol sa seaflooring!” Talagang madugong labanan ‘yon. Pero two days ago, tapos na kami sa pagde-data gathering at tamang summarize na lang ng lahat pati na paggawa ng miniature.

“Ang dami niyo pa lang ginawa. Ano ba kasi ang pino-propose niyo?”

“Floating cottages, gano’n.” I proudly said. Kita ko naman ang pagbakas ng paghanga sa kanyang mga mata, and my heart swelled. 

"Woah, that's awesome. I know you will be a great architect someday. I believe in your skills and capabilities, at kitang-kita ko na nagsa-struggle ka." He gave me a gentle smile. "But I know those struggles will all be worth it, kaya laban lang, Architect!" Lumawak ang kanyang ngiti, at para namang may tumarak sa puso ko dahil sa narinig. 

Damn, why is he so sweet? 

"Aww, thank you, Murphy!" 'Di ko mapigilang yakapin siya na agad niya namang sinuklian. I didn't expect that he would say that! Para akong nabuhayan ng loob at mas pag-igihan pa ang pag-aaral ko.

Kumalas ako sa yakap at binigyan siya ng ngiti. “Anyways, nood na nga tayo! Season two na ako sa The Promised Neverland!” Pinindot ko ang The Promised Neverland at nagsimula na kaming manood hanggang sa nakarating kami sa episode na nagkita na sina Norman at Emma. Actually, that didn’t shock me. Marami na kasing spoilers sa Facebook. Muntanga lang.

“They’re best friends,” biglang wika ni Morpheus kaya napalingon ako sa kanya. At oo, ‘di niya pa napanood ang season one kaya naman tanong nang tanong siya sa akin habang nanonood kami. Wala rin namang problema sa akin i-explain ang situation. Unfair nga sa side niya, eh, dahil diretso ako sa season two at hindi ko na-consider ang fact na hindi pa pala siya nakapanood. No’ng nag-offer akong bumalik sa season one, ayaw niya naman. Kaya heto kami ngayon, nagpatuloy sa season two. 

“Yes. Si Norman kasi, inampon kaya ayon, akala nila patay na. Para sa akin, siya ang pinakamatalino sa tatlo. He was able to manipulate Rey! Tapos sila na talaga dalawa ni Emma simula bata pa lang,” mahabang wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa T.V. Sa gilid ng aking mga mata, kita kong tumango-tango si Morpheus.

The Dreamer's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon