NANG MAGMULAT AKO ng mga mata, bumaha kaagad sa akin ang mga pangyayari kahapon kaya napabalikwas ako ng bangon. Nasa kama na ako at sa pagkakaalala ko, nakatulog ako sa sofa kahapon.
Kami ni Morpheus.
Tumahip ang aking puso at mabilis pa sa alas-kwatro akong lumabas sa kwarto, ngunit, kaagad natigil ang aking mga paa sa labas ng aking kwarto nang walang mababakas na presensya niya.
Walang tunog ng kumukulong mantika. . .
Walang aroma ng kanyang niluluto. . .
Walang mga tunog ng kanyang mga yapak sa kusina. . .
Walang. . . Morpheus.
Nang bumaha ang lahat ng 'yon, tuluyan nang nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Sumikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga. Parang nilukot ang aking tiyan at gusto kong masuka sa tindi nang nararamdaman.
Napaluhod ako sa sahig hawak-hawak ang aking dibdib at paulit-ulit itong tinatapik, umaasa na sa gano'y maibsan ang nararamdaman ko, ngunit hindi.
Ang bigat-bigat sa pakiramdam!
"Morpheus!" tawag ko sa kanyang pangalan sa hangin kahit alam kong walang Morpheus ang lalapit sa akin.
"Morpheus!" tawag ko pa ulit, umaasa na makarinig ng kanyang mga yapak patungo sa akin. Ngunit ni isa, wala.
Napasigaw ako nang tuluyan at hinilamos ang aking mukha sa aking mga palad. Huminga ako nang malalim kasabay ng mas lalo pang pagsikip ng aking dibdib. Sumasakit na ang aking lalamunan sa aking mga pagtangis ngunit 'di ko mapigilan.
Bakit kung kailan hulog na hulog na kami sa isa't isa, saka pa mangyayari 'to?
Hindi ba talaga pwedeng panghabangbuhay na lang siyang manatili rito?
Napupuno ng aking mga pagtangis ang apat na sulok ng bahay. My heart feels like it stops beating for a moment at sa tunog ng aking mga pag-iyak, naalala ko ang mga alaala na pinagsaluhan namin.
Tumatak sa aking isip ang kanyang ngiti. . .
Ang paraan ng pagtingin niya sa akin. . .
Kung paano niya ako yakapin. . .
Kung paano niya ako asarin. . .
At kung paano niya ako bigyan ng halik.
"There. I made you laugh."
"Come here, Three A's! Dance under the rain with me!"
"Did our distance make you hold your breath?"
"Huwag kang magpalipas ng gutom."
"At syempre, ikaw ang architect ko."
"Laban lang, Architect!"
"I got worried so I fetch you."
"I will always love you, Three A's."
If only I could turn back the time, I would say the three words over and over again. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ako kaswerte na makilala siya. . .
Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. . .
Muling bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata na isa-isa kong pinahiran. Sumisikip pa rin ang aking dibdib, at sisikapin ko na unti-unting hilumin ang mga sugat na iniwan ng tadhana sa akin.
Kahit nanginginig pa rin ang aking mga binti, sinikap ko na tumayo at dahan-dahang naglakad papunta sa lugar kung saan ko ipininta si Morpheus. Mabibigat ang aking mga hakbang kasabay ng muling pagbigat ng aking puso.
BINABASA MO ANG
The Dreamer's Nightmare
RomansaThe Gods' Mission Series #1: Morpheus She's a painter. She loves to paint as a hobby. But when she saw a picture of a Greek god on her book, she was motivated to paint him. And that changed the course of her life. . . forever. ----- Airatel Almanya...