U

367 36 3
                                    

"IKAW BA 'YONG sumundo sa akin kagabi?"

Kita kong sandali siyang natigilan sa pagtingin ng mga damit bago niya ako tinanaw. Kunot ang kanyang noo at mula sa akin, bumaba ang kanyang mata sa aking cellphone na hawak-hawak ko.

Morpheus sighed, never taking his eyes off my phone and nodded. "I guess they told you." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "And yes, I fetched you last night and I used your car. I kept on calling you but you wouldn't answer, so I was worried. I tracked you. Buti naka-on ang GPS mo."

Muli siyang bumalik sa pagpili ng mga damit. At nang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako naglasing, napalunok ako nang sunod-sunod at sumikdo ang aking puso sa kaba. I suddenly feel uneasy. Shit.

I cleared my throat. "W-Wala naman siguro akong nasabi, 'di ba?" Tinapunan niya ako ng tingin at umiling.

"Wala naman. Natulog ka lang. You're wasted as hell, Three As." He let out a soft chuckle. Huminto siya sa pamimili ng damit at naglakad papunta sa akin habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa aking mga mata.

Nang makalapit na siya, he stopped. Gusto kong umatras, but doing so would mean something. Ayaw kong ipahalata na nai-intimidate ako sa presensya niya. Shit.

With tender eyes, he smiled at me and raised his hand, patting my head. "Bakit ka ba kasi naglasing?" mahinahon niyang tanong saka ibinaba ang kamay.

Bumaha ang gulat sa aking mukha sa narinig. Hindi niya dapat malaman na siya ang dahilan!

"Dahil sa miniature namin!" Tumaas ng bahagya ang aking boses. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay at may misteryosong ngiti sa kanyang mga labi. Halatang ayaw maniwala!

"Are you sure?" Sumisingkit pa ang kanyang mga mata kaya hinampas ko siya at pinanlakihan ng mga mata.

"Oo nga! Maniwala ka na lang!" I said through gritted teeth which made him laugh.

"Okay. Sabi mo, eh. Sige." Ginulo niya ang aking buhok at inakbayan ako. "Wala na akong mapili sa bandang ito. Let's go to the other side."

We spend our morning buying his necessities, at puno ang dalawang basket namin pagkarating sa cashier. And when he was told kung magkano lahat, nanlaki ang mga mata ng cashiers nang naglabas siya ng isang gold bead.

"There. That weighs five grams. So that would be around fifteen thousand," Morpheus said and smiled at the ladies. Laglag naman ang kanilang panga habang nakatingin sa bead ni Morpheus.

Sino ba namang hindi? Tapos around five thousand lang 'yong dapat bayaran, pero fifteen thousand ang binigay niya.

One of the two ladies weighed the gold, and it weighs five grams indeed. Ikinonvert pa nila 'yong five grams to peso bago binigyan ng sukli si Morpheus.

"No. No. You can keep it." Tanggi ni Morpheus, pero ako na lang 'yong kumuha at nilagay iyon sa bag ko. Ganito pala pakiramdam makahawak ng malaking pera!

I smiled at the ladies. "Thank you, Miss." Nagpasalamat din naman si Morpheus.

Akmang kukunin ko na ang dalawang plastic bags nang kinuha lahat ni Morpheus ang lima. "Let's go."

"Bigyan mo namana ako!"

"Nah. These are light."

"Baka mag-aakala silang inaalila kita! Ayaw ko kaya!" Mabilis kong kinuha ang dalawang plastic bags mula sa kanya at wala na siyang nagawa no'ng inilayo ko 'yon sa kanya.

"Share kasi tayo! Masyado kang pabibo! Pero teka lang. . ." Tumigil muna kami sa isang gilid. Inilapag ko ang mga plastic bags saka binuksan ang aking bag. Kinuha ko roon ang sukli at saka ibinigay sa kanya.

The Dreamer's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon