Chapter 1: Killer Breakfast

323 6 0
                                    

• • •

Nahaharangan ng suot kong earphones ang mga salitang lumabas sa bibig ng nagmamaneho kong ina. Alam niya namang hindi ako nakikinig sa kanya ngunit patuloy pa rin siya pagsasalita. Kanina pa siya daldal ng daldal simula ng makaalis kami ng bahay... na ngayon ay dati na naming bahay. It was a good riddance, though. Our previous house was more of a solitary roof than what I can call a humble abode of two people. But, if only I knew we'll be moving out, nagpa-iwan na lang sana ako kay Lola sa Cebu. Mas gugustuhin ko pang makasama si Lola Lolits kaysa makasama at tumira sa iisang bahay kasama ang magaling kong ina.

Hindi ko nalamang siya pinansin buong biyahe. Ngunit, napakunot ang noo ko nang biglang tumigil ang musikang ang pinapakinggan. Kung minamalas ka nga naman oo. Mahina na lamang akong napamura nang mapagtantong na-lowbatt na pala ang phone ko at nakalimutan ko pang bunutin ang powerbank na ichinarge ko sa luma naming bahay. 

"I want you to realize, Macy that moving out from our old town is not a bad thing," rinig kong sabi niya dahilan kung bakit lihim akong napairap sa kawalan. She was just saying that because obviously, she wanted to escape her total blunder there than face and fix it. For once in my life, I fretted.  I was worried about being the cliché new-girl in an unknown town. And it’d surely be a massive mayhem living with my hidebound mother. Just great!

"Lalo na kung sa bayan na ito tayo maninirahan," dagdag niya pa at tumingin sa akin ngunit sa halip na sumagot ay tumingin na lamang ako sa labas at hindi tinanggal ang earphones ko sa tainga para makita niyang patuloy pa rin akong nakikinig ng music. Rinig ko siyang napabuntong-hininga bago muling ibinalik ang atensyon sa tinatahak na daan. I’d like to zip my mouth as hard as I could. I didn't want to requite every broaching she made because I might forget she was my mother and staple her mouth with that that thing on the dashboard.

Tsaka isa pa, wala na rin naman akong ibang choice pa kundi ang sumunod sa kanya. I wanted to stay at Lola’s, but she kept on insisting that living there was not even on the list, nor an option. Ano pa bang magagawa ko kundi ang sundin ang magaling kong ina?

Heaving a sigh, I only leaned on my sit and closed my eyes. I even tuned out her rants and callings on the driver's seat. That was the last thing I wanted to hear before I fell asleep. Namalayan ko na lamang na tuluyan na nga akong nakatulog.

Nagising lamang ako nang marinig ang matinis na boses na tumatawag sa pangalan ko. When I opened my eyes, I saw her lightly shaking my shoulders saying incoherent words. My eyebrows met and slightly hoisted myself up to be pulled away from her hold.

"Nandito na tayo," sabi niya. Ilang beses akong napakurap-kurap para malinawan ang nanlalabo kong mga mata. Nang makakita na ako ng maayos ay kaagad na napadpad ang atensyon ko sa labas ng kotse. Kita ko ang kulay abong bahay sa aking harapan. Hindi iyon gaanong kalakihan kagaya ng bahay ni lola at ng bahay namin noon. May sinabi pa si Helga ngunit mabilis na akong lumabas ng sasakyan at hinarap ang bago naming bahay. Pansin kong maaliwalas at medyo tahimik ang mga katabing bahay sa paligid. Mukhang mabubulabog sila sa unang pagkakataon kapag tuluyan na kaming namalagi rito. Expect a lot of hollers, people.

"Ako na ang kukuha ng mga gamit natin sa trunk," rinig kong saad ni Helga at nagtungo sa bahaging likod ng kotse. Hindi ko na lamang siya pinansin at mariin lamang na sinuri ang mga nasa paligid. I actually had undergone an in-depth research about this town. Its name, Kalaunan, was based on the family name of the first Town’s Mayor, Mayor Jeffrey Muajes Kalaunan (1946-1949). It was said that the town was known for its ostentatious display of peace and benevolence. Its crime rate was unusually low, as a matter of fact, Kalaunan didn’t have any criminal cases nor small cases like theft, etc… It was suspiciously close to perfection. Napaka-imposibleng katotohanan naman 'yon. I mean, obviously it was. Paanong magkakaroon ng isang crime free na bayan dito sa pilipinas?

Page TurnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon