• • •
I had to head to work immediately this morning. I made you breakfast and there's some money on the table for your lunch. Be back later evening.
Love, Mom
Mabilis kong nilamukot ang note na nakadikit sa ref at tinapon iyon sa trash bin na nasa gilid. Binuksan ko ang ref at kinuha ang gatas doon bago lumapit sa cabinet sa itaas ng lababo para kunin ang cereal at umupo na sa harapan ng island counter.
Pakiramdam ko parang hindi naman kami umalis ng maynila at lumipat ng bahay. Ito ang palagi kong ginagawa noon. Wake up only finding a single note from Helga, eat breakfast, order lunch and when it was beginning to grow dusk outside sh'll come home and we'll eat. Parang sirang palaka na paulit-ulit umaandar at nakakarinding pakinggan. Perhaps I'll be less bored when school started.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kuwarto at nagbihis. Wala rin naman akong gagawin sa loob ng bahay kaya lalabas na lang muna ako. I went downstairs and took the key off from the holder on the wall beside the door. Lalabas na sana ako nang mapadpad ang tingin ko sa kusina. Huminga muna ako ng malalim bago wala sa sariling napairap sa kawalan at kapagkuwan ay pumasok doon. Kaagad kong kinuha ang pera na masa mesa at mabilis na lumabas ng bahay.
Pagdating sa labas ay nagtungo ako sa garahe at binuksan iyon. Nang tuluyang magbukas ay kaagad kong binuksan ang ilaw at hinanap ang isang bagay na gagamitin ko ngayon.
Tipid akong napangiti nang makita ang puting bisikletang nakatambak sa gilid ng malalaking cabinet. Kaagad ko iyong kinuha. Mabuti na lang at naisipan ni Helga na ipasunod ito ng dala. Bihira ko lang itong gamitin sa maynila kaya naman bahong-bago pa rin itong tingnan. Nilabas ko na iyon bago sunod na sinara ang garahe at binulsa ang susi sa denim jacket ko. I put my small, black backpack inside the basket in front then sat on the bike and started pedaling.
Gusto kong ikutin ang Kalaunan ngayong araw. Because I don't want to look like a cliché new girl who got lost everyday in a small, happy town like this. But, that was not actually the reason why I wanted to take a stroll and observe. I wanted to find out if the information on the internet were all factual. Peace of mind na lang din. It would be both a relief whatever the fact was. If this town really was crime free as they say it was, then great. But if it was the other way around, then great as well! At least my argument's right that having a crime-free town in the Philippines is impossible.
Medyo malayo na ako mula sa bahay kaya bahagya akong nangamba na baka hindi ko na iyon matunton mamaya. Bahala na! Paswertehan na lang at patalasan ng memorya.
Nakarating ako sa isang convenience store. Pansin kong marami ang tao sa loob base sa mahabang pila sa counter. Pinarada ko ang bisekleta ko sa gilid at tuluyan ng pumasom. Kaagad akong kumuha ng basket at nag-ikot-ikot kunwari.
Halos lahat ng makakasalubong ko ay ngumingiti at tumatango sa akin. Nakakapanibago lalo na at hindi ako sanay na ganito ang mga tao sa paligid. Nang makarating sa chocolate section ay kumuha ako ng isang medium Dairy Milk pagkatapos ay inilagay iyon sa yellow basket at pumila na sa counter. Nang makarating sa counter ay hinuli ko ang reaksyon ng babaeng cashier sa laman ng basket. Ngunit nginitian lang ako nito at kinuha ang nag-iisang chocolate na binili ko bago iyon inilagay sa maliit at manipis na brown paper bag at ibinigay sa akin. Hindi man lang ako nito tinaasan ng kilay. Baka sadyang mabait lang talaga ang babae.
Kaya naman mabilis kong hinablot ang ang flashlight na kasama sa mga nakahilera sa gilid ng counter. Hihiramin ko ko muna saglit, hindi naman ako magnanakaw... hindi pa. Rinig ko ang malakas na alarm sa buong store nang tuluyan na akong makalabas.
BINABASA MO ANG
Page Turner
Mistério / SuspenseWhen the past hunted down the present and only one person holds the key to solve the mystery lurking behind the peaceful town of Kalaunan. Find out how Macy figured out the clues that later on hunted her and the people around her.