The Bride

141 14 4
                                    

“Hon,” bulong ni Jeff kay Izza habang nakayakap sa nobya. “Are you happy?”

Maagap naman siyang ngumiti dito. Tatlong araw nalang ikakasal na sila. Siya na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Napakabait ng pagkakakilala niya sa nobyo niya. Kung tutuusin na kay Jeff na ang lahat ng mga katangiang nais niya sa isang lalaki. “Of course. Sino ba naman ang hindi sasaya na maikasal sa lalaking mahal nya?”

Narinig niya ang pagtawa nito. “I am very lucky to have you, Izza.”

His words seems like a beautiful melody to her ears. Hinarap niya ng diretso ang nobyo. Iginuhit niya sa isip ang bawat anggulo ng mukha nito. “Talaga?” tanong niya na animoy nagdududa pa sa sinabi nito.

Muli itong tumawa saka bahagyang hinawakan ang pisngi niya. “Oo naman.”

Tinitigan niya ito ng ilang sandali saka ngumiti. “Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Jeff. I am more blessed having you, hon.” Niyakap niya ito ng mahigpit na agad namang yumakap rin sa kanya.

“I will make sure that you’ll be happy, Izza.” Sabi pa nito.

Sumulyap siya sa nobyo. “I know. I know you will.”

“Halika. Pasok na tayo sa loob,” aya nito sa kanya.

Tumango siya at magkahawak-kamay silang naglakad papasok ng bahay nito. Jeff had his own house. He also had his own business, a family business actually. Wala na ang mga magulang nito at mag-isa nalang sa buhay pero hindi naman ito naging dahilan para hindi nito maabot ang mga pangarap nito. Boto naman ang mga magulang ni Izza sa nobyo kahit noong una palang. Everybody seemed to be happy for them and thought how perfect they were for each other, except to some. Kung gaano kaganda ang pagsasama nila ni Jeff, ganoon naman ang sama ng imahe niya sa ibang mga kaibigan nila. Dalawang taon na simula ng maging nobyo nya ito. Jeff was her best friend’s fiancé. Ikakasal na sana ang dalawa ng maaksidente ang best friend niya a year ago. Car accident ang dahilan. Matapos ang isang taong pagdadalamhati nito sa pagkawala ng nobya, hindi niya inaasahang liligawan siya nito na kaibigan na rin niya ng mga panahong iyon. Noong una, hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito.

“Izza, will you be my girlfriend?” Tanong nito sa kanya, isang araw na lumabas siyang kasama ito.

Kunot-noo siyang tumingin kay Jeff. “Ako? Are you sure Jeff?”

Nguniti ito at tumango sa kanya. “I am. I like you Izza.”

Tumingin siya ng diretso dito, hindi makapaniwala sa narinig. Ilang sandali siyang natahimik bago nakapagsalita. “But — … have you recovered from my best friend’s death?”

“Wag na natin siyang pag-usapan,” maagap na tugon nito sa kanya. “It’s been a year. Besides, you were her best friend. Alam kong matutuwa sya kapag nalaman nya na sa iyo ako napunta.”

Umiling siya. Dapat ba siyang maniwala dito? Aaminin niya. She was so happy hearing those. Noon pa man, may lihim na siyang pagtingin kay Jeff. But because of her best friend, pinigil niyang mahulog ng tuluyan dito. At ngayon ngang wala na ito. Jeff was hers all alone. To tell the fact, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa pagkawala nito. Ngunit sa tuwing maiisip niya ang pinagsamahan nila ni Sheryl, naiinis siya sa sarili niya. Iniisip niyang isa siyang taksil na kaibigan. Pero masama ba ang magmahal? Wala na naman ang kaibigan niya. Gaya nga ng sabi ni Jeff, her best friend would be glad dahil sa kanya naman napunta ang gwapo nitong fiancé. “Sinasabi mo lang ba yan para makalimutan ang kaibigan ko?” Gusto pa ring makasiguro ni Izza. “Sinasabi mo lang ba yan dahil nakikita mo sa akin si Sheryl?”

SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon