Abala ako sa pagbabasa ng libro sa library ng may naramdaman akong presensya sa tabi ko."Hi miss, magisa ka lang? " tanong ng kung sino.
Tinapunan ko siya ng tingin saglit at muling itinuon ang atensyon sa binabasa ko.
Lalake.
Napairap ako.
Bulag ba siya? Mukha ba akong dalawa?
Baka naman duling to? Duh
"Depende" katwiran ko. Naramdaman kong inusod niya ang upuan sa tabi ko pero nanatili parin siyang nakatayo.
"Depende saan?" kuryoso niyang tanong.
"Depende kung hindi ka marunong magbilang" bara ko. Humalakhak siya sabay upo sa tabi ko.
"Tabi tayo ah?" masigla niyang tanong.
Marami pang vacant na upuan. Bakit dito pa naisipan umupo?
"May magagawa pa ba ako? E nakaupo kana " sabi ko sabay irap. Kaimbyerna na. Ayoko pa naman sa lahat ang istorbo.
"Suplada" bulong niya pero dinig ko padin naman.
"Next time kapag bubulong ka siguraduhin mong ikaw lang ang makakarinig" asik ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
Wala akong pake kung sino man siya.
Kesyo anak siya ng kung sinong mayaman or so whatever.
I don't care
I am a Cartney
At ginugulo niya ang pagreresearch ko!
Napansin kong tumahimik na etong asungot na nasa tabi ko. Buti naman. Nagbasa na lang ulit ako.
Nasa pang apat na pahina na ako ng may magsalita ulit.
"Excuse me.. " napaarko ang kilay ko. Siya na naman. Nakakainis na ah! Paepal.
"Ano yang binabasa mo? " stupido niyang tanong. Napaismid ako ng wala sa oras.
Tinitigan ko siya.
Hindi naman siya mukhang abnormal.
Well may itsura ang isang ito. Bobito nga lang.
Napailing ako.
"Libro" obvious kong sagot.
"No I mean tungkol saan yan?"
This time humarap nako sa kanya. Isinarado kona ang librong hawak ko na obvious naman kung ano.
"Eto?" tukoy ko sabay angat ng binabasa ko.
Tumango naman siya.
"Libro to tungkol sa lalakeng namatay dahil nakalimutan niyang huminga. Ang tanga diba? " pagsisinungaling ko.
"Ang tanga nga" sang ayon niya na may pagtango tango pang kasama. Napahilamos ako ng mukha, who the hell is he? Eengot engot.
Kuu! Seriously?
Ang laki laki na ng title na nakasulat sa harapan ng libro miski sa tagiliran meron! SOCIAL SCIENCE!
Hindi ko malaman kung sinasadya niya ba akong inisin o sadyang tanga lang talaga siya. Kaumay ah!
Sa sobrang inis ko. Iniwan ko siya dun, kasama nung libro.
Yes nag walk out ako! Tinanong niya pa kung ano ang pangalan ko pero hindi kona pinansin.
Bahala siya sa buhay niya.
Siya na ang magsoli ng libro, pakielamero kase.
Paliko nako sa hallway malapit sa classroom ko ng napatigil ako dahil sa dalawang balyenang nagaaway sa harapan ko. Literally nakaharang sila.
BINABASA MO ANG
As The Fate Speaks
Teen FictionThe brat met his fate at a wrong circumstances. Do you think they will end up in a happy ending? or the fate itself ends up the relationship they have.